SCENE 1

82 5 0
                                    

Peyton looked at the woman up and down. Ang lakas ng iyak nito at sabay na tumutulo sa mukha nito ang uhog at luha. Kumunot ang noo niya.

Kanina lang ay maayos ang pamamahinga niya sa ilalim ng manga dito sa bench. Pero heto nga at biglang may nang istorbo sa tulog niya.

"He is such a jerk! He said he hate me then the next thing when he's hurt he'll crawl back to me like he never left me before!" Pinunasan nito ang mukha gamit ang kamay nito.

Peyton winced. Wala ba itong panyo? Why use her hands? Tsk.

Sinilip niya ang kanang kamay nito na nasa tenga. It seems that the woman is talking to someone. Perhaps her friend?

"I-I gotta go. Mamaya lang ay mag s-start na ang class. N-No. Don't talk to him. Ok bye."

Aalis na sana ito pero napansin na ata nitong nakatingin siya dito at kunot na kunot ang noo niya.

Napatda ito. "S-Sorry. N-Naistorbo ba kita?"

Humarap na ng tuluyan ang babae sa kanya and Peyton couldn't help but roamed her eyes around the woman's face. Maganda ito. Mataas ang cheekbones at kapansin pansin ang heart shaped lip nito na kulay red. She wonders if that's a natural color. Maputing maputi din ito at makinis. And napansin niya ay ang kulay grey nitong mga mata na binagayan ng cute pero matangos na ilong.

Hindi niya pinahalatang nagulat siya sa ganda nito kahit umiiyak ito ngayon sa harap niya.

She sighed. "Hindi naman. But I heard you talking earlier about a boyfriend. If he doesn't want, you that's his loss."

Hinugot niya ang panyo sa bulsa niya at ibinigay dito. She looked away nang umawang ang bibig nito.

"Here. Take this. Punasan mo ang luha mo."

But the woman didn't take her handkerchief. Nilingon niya ito. Siya na ang lumapit at ipinunas sa mukha at sa kaliwang kamay nito ang panyo. Nanlaki ang mga mata nito at hindi agad nakakilos.

Peyton almost burst out laughing. Cute. She pressed her lips together. Baka kasi ma-offend ito. She put the handkerchief into the woman's hands. Pigil na pigil niya ang pag alog ng balikat niya. Tinalikuran niya ito para umalis na pero napahinto din siya sa sumunod nitong sinabi.

"W-Wait. W-Who are you?"

Peyton's mouth hangs open. Someone in this campus didn't know her? That's a first. Hmmm.... Hindi ba talaga nito alam o nag mamaang maangan ito. Her reputation is far and wide inside the school and outside of the nearby campus. Siya ang kilabot ng mga babae. Even straight girls are bended pag siya na ang lumapit sa mga ito.

Ngumisi siya at muling humarap dito. Nakapamulsa siya sa suot suot na jeans.

"My name's Peyton Del Rio."

"A-And mine's Blake Estrella."

"Kinda masculine for a beautiful woman. Don't you think?"

Kumindat pa siya dito. Pero mukhang nainsulto ata ito sa sinabi niya. Mabilis itong tumayo. Kunot na kunot din ang noo.

"That's a name my mom gave me. Hindi yun pang lalake!"

Kuyom ang kamao na nilagpasan siya nito.

Naiwang nakanganga si Peyton habang sinusundan ito ng tingin. What the hell? She complimented Blake right? Pero bakit ganun ang reaksiyon nito sa sinabi niya? Unti unting kumunot ang noo niya.

She shook her head. "Whatever."

Tumingala siya sa kalangitan nang makitang madilim na. She should be getting back to her own classroom too. Nag cutting class lang siya dahil gusto niya pang matulog. Sobrang antok niya kasi ngayon. Bwisit naman kasi sina Oreo. Napainom pa tuloy siya ng sobra sobra kagabi.

But just before she was about to walk towards the next classroom her phone rang. Mabilis na kinuha niya ang cellhone sa bulsa niya. Then she chuckled when she saw the name of the number flashing on it. It was her ate AC.

Pigil ang ngiti na pinindot niya ang answer button. Then she put the phone on her ear while walking.

"Hello ate."

"Peyton! Ang sapatos kong white! Pag yan nadumihan lagot ka talaga sakin!"

Inilayo niya ng bahagya ang cellphone sa tenga niya dahil ang lakas ng boses ng kapatid niya. Ngumiti pa siya sa isang babae na napalingon sa kanya at itinuro niya ang cellphone niya. The girl looked away blushing.

Rant ng rant pa din ang ate Cohen niya sa kabilang linya. Parang tatalsik ang tutuli niya sa boses nito. Ang lakas kasi. Napalagay na tuloy siya ng hinliliit niya sa tenga para malinis kahit papaano ang tenga niya.

"Pag yan talaga nagkaroon ng mantsa. Isusumbong ko kay Mom at Mommy ang ginagawa mo. I know na nag c-cutting classes ka! At madalas ka pang nasa club---"

"Alright. I'll return it. Just chill, ate. Jeez."

"Umuwi ka ng bahay at palitan mo na ngayon ang sapatos na yan!"

"Di babagay sa porma ate. Mamaya na pag uwi. Bye!" She then pushed the end button bago pa ito makapag salita.

She stifled her laughter and put a hand on her mouth para pigilan ang sariling tumawa ng malakas. She can already imagine her ate AC with her flaring nostrils. Pero siguradong lagot siya dito kaya ma-l-late na lang siya ng uwi mamaya. Kahit nga ilang beses itong tumawag sa kanya ngayon ay hindi niya na pinansin. Ang sarap kasing asarin ng ate niya.

"Del Rio!"

Peyton turned around. Agad siyang napangiti ng malawak nang makita sina Kara, Oreo at Hange.

Nag apir agad silang apat. The students walking along the corridor noticed them. Notorious kasi ang grupo nila. Kaya nga nag tataka siyang hindi siya kilala ni Blake.

"Cutting class ka na naman!"

Tatawa tawang sinuntok ni Kara ang kanang balikat niya. Nagkibit balikat lang siya. "Nakakaantok naman kasi ang klase ni Sir Klaro. Tsaka alam ko na yung ituturo niya."

Oreo bit his lip and shook his head. "Ikaw talaga. Mabuti na lang talaga matalino ka kung hindi siguradong bagsak ka na. Ewan ko na lang kung magiging proud ang Mom at Mommy mo sa ginagawa mo."

Peyton raised her eyebrows at that. Madalas na naiinis siya kay Oreo sa tuwing nag sasalita ito maybe because he knows exactly that what's his saying is true. At nasasaling nun ang ego niya.

"Oreo. Don't say that." Kara immediately put a hand on his mouth and playfully slappepd him.

What's his problem anyway? Nag simula lang naman na maging ganito ito nung nakaraang araw lang. Maybe because the chick that Oreo was having a crush on had a crush on her.

Hange stood in the middle at tinapik tapik siya sa balikat.

"May bago kaming challenge sayo Peyton."

She pursed her lips. Inantay niyang ibuka ni Hange ang bibig nito ulit.

"You see there's one woman in the campus who doesn't know who you are. Nabangga kanina ni Kara. Then I saw your handkerchief on her hands."

She bit her lip. Alam ng mga kaibigan niya ang mga panyo niya dahil nakaburda doon ang pangalan niya. PDR that's her initials. Her Mommy Amelia wants everything customized for them kaya naman kilala na ng mga kaibigan niya ang panyo niya.

Lumaki ang mata ni Hange. "I told her I know that handkerchief. Tinanong ko kung girlfriend mo. Pero hindi ka daw niya kilala at may boyfriend siya. Tamang tama. Wala na tayong bagong challenge for you. I think ma-c-challenge ka sa kanya. She's straight as a pole daw."

Peyton shook her head. Hindi niya gusto ang ideya ni Hange. Blake had been through a horrible guy. Paano pa ito mag titiwala sa ibang tao kung gagawin niya ang prank ni Hange?

"No thanks. Let's stay away from her."

Parang ayaw niya na agad ang ideya nito. 

Del Rio Series 2: Peyton Del Rio - On GoingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora