SCENE 2

41 3 0
                                    

"Takot ka lang ata eh." Hange couldn't shut her mouth for a moment.

Peyton's eyebrows knitted. Nakatambay silang apat sa stadium ng school. Dito sila madalas tumambay kapag break time. They were eating nachos and just drinking coke when Hange opened the topic again. Medyo napipikon na siya dahil noong nakaraan pa siya nito kinukulit. Gusto niya ngang sabihin na kailan naman siya naduwag sa mga challenges ng mga ito sa kanya? Wala siyang inuurungan but Blake is another story. Ayaw niyang siya ang maging dahilan kung bakit hindi na ito umibig pa. Worst ay maging man hater na ito at maging woman hater pa.

"Nung nakaraang linggo mo pa ako kinukulit tungkol diyan Hange. I told you. I won't take that challenge. She's not even in my league."

Yun na lang ang sinabi niya at nakukulitan na siya dito. She knows Hange wanted to witness another prank and would love to talk about it to the whole school pero ayaw niyang maging ganun kasamang tao.

"What league? Hindi ko alam na meron ka pa lang standards Del Rio." Oreo and his big mouth.

Nagkatinginan naman sina Kara at Hange. Then they burst out laughing.

Peyton rolled her eyes. "Yes. Di naman pangit ang mga naging ex ko."

"Sabagay." Oreo munch on the nachos.

"But why don't you do the challenge?!" Hange frustratedly shook her shoulders.

Napapikit siya. "Hange!"

Tawa lang naman ng tawa ang dalawa sa kakulitan ni Hange.

Just then someone stormed on the other side of the stadium away from them. Kita niya ang pag pupunas nito ng mukha. But her friends didn't see the woman. Kapag kasi mag kakasama sila ay walang paki ang mga ito. Besides, ang mga kapwa estudyante na nila ang umiiwas sa kanila kapag nakita silang nakatambay sa iisang lugar.

This woman doesn't know what they are capable of. Kaya siguro wala din itong takot sa kanila.

Peyton closed her eyes tightly nang makilala ito. Blake?

What is she doing here? At bakit umiiyak na naman ito?

Tumayo na sina Hange, Oreo at Kara. Peyton looked towards Blake's way. Nauna na ang mga kaibigan niya sa kanya but she stopped and her friends looked at her. Nasa kalahati na sila ng hallway papunta sa kanilang classroom.

"Mauna na kayo. M-May nakalimutan lang ako."

Hange raised her eyebrows. "Ok. Sige sunod ka na lang samin."

Oreo nodded his head and Kara made a thumbs up. Hindi niya alam kung bakit but she quickly took a stride back towards the stadium. Halos takbuhin na nga niya ang papunta doon.

Agad siyang nagpalinga linga sa paligid. Her heart stopped for a moment nang makita itong paalis na sa munting sulok na iyon. Peyton ran towards Blake's way. Nang maabutan niya ito ay agad niyang hinawakan ang kamay nito.

Peyton turned to look at her with wide eyes. "W-What----"

"Take this. Wipe your eyes."

Napanganga ito and Peyton almost chuckled with Blake's reaction. But she surpressed her smile dahil kumunot ang noo nito nang makita ang ekspresyon niya. She made her face serious and pushed the handkerchief in Blake's hands.

"Please. I don't want seeing woman cry."

Blake bit her lip and looked away. "T-Thanks."

Peyton put a hand on the back of her nape. Nag iinit ang mukha niya habang nakatingin sa mukha nito. This is the second time she saw Blake up close. Damn those grey eyes are hypnotizing.

Del Rio Series 2: Peyton Del Rio - On GoingWhere stories live. Discover now