SCENE 8

22 5 0
                                    

"W-What's wrong?" Gray held her shoulders but she was still looking at Blake.

Ano ba kasing ginagawa nito dito? Sinundan ba nito ang boyfriend nito? O talagang magkasama sila?

"Peyton----"

"S-Sorry. I need to go. M-Maybe next time." She internally feels regret but she couldn't handle seeing Blake cry again. Kahit napaka sungit nito sa kanya. Maybe she wants them to be friends kaya ngayon pa lang ay pino protektahan niya ito. Hindi niya talaga alam kung saan nanggagaling ang concern niya but she feels the need to do this.

"Peyton can I atleast get your number?"

"Sorry not this time. Madali ka lang naman makita dito sa club di ba?" After saying that, hindi niya na nilingon ang nagging reaksiyon ni Gray. Sumugod na siya sa madaming tao sa dance floor papunta sa pwesto ni Blake na palinga linga sa paligid.

Blake must have been looking for that hipon!

Kunot na kunot ang noo niya. Ang sama na din ng tingin niya kay hipon at sa babaeng kahalikan nito. Mukhang wala itong pakialam sa paligid nito.

"B-Blake!"

Peyton was catching her breath nang matapatan niya si Blake na papunta na sa pwesto ng boyfriend nito. Mabuti na lang at hindi pa ito nakakalingon sa pwestong iyon.

Blake immediately glared at her. Di naman maiwasan ni Peyton na mapangiti dahil ang cute nitong tingnan. Lalo atang kumunot ang noo nito. So, Peyton tried to suppress her smiles but it turns into a giggle.

"Pwede ba Del Rio kung wala kang magawa. Padaanin mo ako."

"Why? So, you can go to your shrimp boyfriend?"

"Huh? Shrimp?" Blake tried to peep through her shoulders pero nakangiting tumingkayad siya. Parang mas gusto niya pa ata itong nakasimangot sa kanya ngayon kesa umiyak ito mamaya. Baka pang apat niya nang panyo ang maibigay niya dito.

"Yes shrimp."

"Kung ano ano ang pinag sasabi mo. Tabi!"

Peyton laughed. She leaned in closer towards Blake's face. Kumurap kurap ito.

"Pag sakin talaga ang sungit sungit mo."

Natigilan naman si Blake. Mukhang na-guilty ito. Blake closed her eyes for a moment pagkatapos ay napabuga ito ng hangin.

"I'm sorry. Ngayon lang kasi ako naka encounter, a person that annoys me yet at the same time is making me feel new things."

"Ha?" Hindi niya narinig ang iba nitong sinabi dahil mahina lang iyon at ang lakas din naman ng music sa loob ng club. Nag sisigawan na nga sila sa lagay na 'to.

"W-Wala!" Hindi ito tumitingin sa kanya at pilit siyang pinapaalis. But Peyton stood her ground. "Pwede ba umalis ka nga diyan! I'm looking for Clint and for your information that's his name."

Peyton panicked. Paano niya ba pipigilan si Blake na pumunta sa pwesto ng hipon nitong boyfriend?

Blake successfully pushed her pero bago pa nito mai-angat ang tingin nito sa pwesto nina Clint at ang babae nito. Something clicked in her mind. This is the only way that she can prevent Blake from seeing that scene!

Hinapit niya ang bewang nito, ipinaharap niya ito sa kanya at hinalikan niya ito ng madiin sa labi.

Blake's eyes immediately opened wide. Peyton closed her eyes. Ang lambot ng labi nito. Ganito siguro ang na-i-imagine niyang lambot ng ulap sa langit. It feels so light and soft. Kung ganitong klase ng labi ang hahalikan niya araw araw. Siguradong lagi niyang panggigigilan. She would bite a little dahil sa gigil.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Del Rio Series 2: Peyton Del Rio - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon