Foolish Beat

1.1K 67 85
                                    

💖💖💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💖💖💖

Madel planned to surprise and visit her husband at work kaya plinano niya ang pagbisita dito nang hapong iyon.

It had been a week since Leila's unannounced appearance in their mansion.

Nax, mansion talaga nila! Nagagalit-galitan ang asawa niya kapag hindi niya isinasama ang sarili niya sa credit ng kahit anong pag-aari nito.

Kaya sinasanay niya na rin ang sarili niya. Bahala na bukas! Basta i-enjoy niya ang ngayon!

Eh ano kung magbalikan ito at si Leila! Ipapakita niya dito ngayon kung ano ang mawawala dito kapag binalikan nito ang babae!

Dahil kung hindi ngayon, kailan niya ipapakita? Kapag wala na sila? Tulad ng ginagawa ngayon ni Leila? No way!

One thing was for sure, hindi niya hahabulin si Robb tulad ng ginagawa ni Leila! Kapag nagpakatanga ito at iniwan siya, that's his lost!

And honestly? Alam niyang hindi tanga ang asawa niya. Natatawag niya lang na ganoon minsan kapag inis na inis siya.

Robb was an inteligent man. Hindi ito yayaman ng ganoon from the bottom kung hindi ito ito matalino.

Robb was rational, with the perfect sense of reasoning. Paminsan minsan lang ay sumasablay sa kanya.

Maybe he loved her already tulad ng sabi ni Mama Mavi. Hindi pa lang nito alam. And she was okay with that.

She wore a short summer dress that they bought in California. Naka-ribbon sa balikat niya ang manipis na tirante. The dress was off white with poppy flowers printed all over it. Maluwang ang laylayan niyon at hindi pa umabot sa kalahatian ng hita niya ang haba.

She opted for a red doll shoes. Ang engagement, wedding ring, at diamond earring lang ang alahas niya sa katawan. She really didn't like wearing jewelries apart from anything special that Robb gave her.

Huminto ang sasakyan na gamit niya sa misnong harap ng lobby ng building na pag-aari ng asawa niya. She knew that his office was on the thirty second floor.

Ipinagbukas siya ng pinto ni Macoy.

Inirapan niya ito. She told him not to do those pero hindi ito pumayag.

Naglakad siya pauna sa mga security papasok sa loob ng lobby. She was told na nakatimbre sa mga security ng building ang pagdating niya. Hindi lang sa asawa niya dahil nga gusto niya itong sorpresahin.

She was walking toward the elevators when she saw a familiar figure.

Napahinto siya sa paglalakad. Naramdaman niyang huminto din maglakad si Macoy at tumayo sa tabi niya.

"'Di ba si Leila 'yon?" tanong niya dito.

Pareho ang suot nito noong isang linggo. Except, this time, it was all leather. Hindi kaya mainit iyon?

MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1Where stories live. Discover now