chapter 8

28 7 1
                                    

Lumipas ang mga oras at hapon na pala. Tumingin ako sa orasan at nakita kong malapit na mag 3:30 agad akong tumayo at kumatok ng dalawang beses sa pintuan ni Sir Griffin ngunit wala akong narinig na tugon mula sakanya kaya pumasok na lamang ako. Pagkapasok ko ay nakita ko yung Tv Screen na nakapatay nilapitan ko ito at tinignan ng mabuti.

Bakit kaya kailangan nya pa ng tv sreen sa office nya? Tapos eto pa yung ginagamit nyang pang communication sa lahat ng empleyado nya takot ba sya sa araw? kaya ayaw nya pumunta sa office nya mismo? Or kaya may sakit ba sya sa balat kaya nag susuot sya ng maskara sa muka?

Yumuko ako ng bahagya at hinawakan ang tv screen kinatok ko ng mahina iyon pero hindi bumubukas tinignan ko ang paligid ng screen at may nakita akong yellow botton doon pinindot ko iyon at bigla itong tumunog bahagya naman akong napaatras dahil sa gulat. Bigla naman itong bumukas at nagpakita na naman saakin ang boss kong nakamaskara. Kahit naka maskara ito ay ramdam ko parin ang malamig na titig nito saakin.

"What now?" malamig nitong ani saakin. Hindi agad ako nakasagot at tinitigan lamang ang nakasuot na maskara sakanya napansin ko rin na mahaba ang buhok nya halatang hindi nya pinapagupitan. Bumalik ang tingin ko sa maskarang suot nya para itong makalumang maskara kulay itim at may mga tengang kulay pula naman sa palibot ng ilong at mata nito ay may kulay ginto.

"tititigan mo nalang ba ako?" Ani nito na saakin na nakapag pabalik saakin. Agad akong tumayo ng maayos at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"B-Boss malapit na po kase yung meeting nyo sa President ng Sapphire Company 3:30 po ang meeting

"Don't worry about that, nakausap ko na ang President nila hindi matutuloy ang meeting ngayon"

"Ganun po ba, sige po" tumalikod na ako at akmang aalis na ng may maalala ako. Agad akong humarap dito.

"Teka boss!" ani ko rito napansin ko na parang may pipindutin syang buton base sa galaw ng kamay nya

"What?"

"B-Bakit naka mask po kayo?" kabadong tanong ko rito agad ko namang napansin ang pag tigil nito sa akmang gagawin.

"bakit gusto mong malaman?"

"eh kase boss na c-curious lang ako, tapos bakit nasa tv ka ayaw mo bang pumunta sa sarili mong company? takot kaba sa araw?" sunod sunod kong tanong sakanya, napaayos naman sya ng upo at ipinatong ang mga kamay nya sa lamesa

"ang daldal mo no?"

"na curious lang naman ako boss hehehe"

"Gusto mong malaman?" maikli nitong saad saakin agad naman akong tumango at ngumiti rito.

"Google mo" malamig nitong ani at pinatay ang tv screen. napatanga ako sa kanyang tinugon. Grabe ha nag tatanong ako ng maayos eh masama bang maging curious naknampucha. tinarayan ko naman ang tv screen kahit nakapatay ito.

"Ayos ayos ng tanong ko tapos babarahin moko para ka namang di nag grade 2 nyan" inis kong ani rito tumalikod naman na agad ako at akmang maglalakad na papuntang pinto ng maramdaman kong bumukas ang tv screen humarap agad ako rito at tumingin sa boss kong malamig parin ang tingin saakin

"Nag grade 3 naman ako" Ani nito saakin at pinatay ang tv screen. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Shet narinig nya yon? Kala ko ba nakapatay yung tv screen? Ibig sabihin ba non kahit nakapatay yung tv screen ay maririnig nya parin ako?

Ngumiwi ako at agad ng lumabas nakakahiya puta diko naman alam na maririnig nya parin pala ako doon. agad akong umupo sa office chair ng makarating sa pwesto ko ramdam ko parin yung hiya habang naka upo ako. Shet na malagket grabe akala ko talaga pag pinatay yung tv screen ay literal na patay yon as in na hindi na gagana pero hindi pala.

Pero na c-curious parin talaga ako kung bakit naka maskara sya tapos nasa Tv Screen lang sya. seryoso ano kayang meron kung bakit nasa tv screen lang sya.

Defending Love Where stories live. Discover now