chapter 17

13 1 0
                                    

Inunat ko ang mga kamay ko ng matapos ko ang ginagawa ko. tumingin ako sa orasan para tignan kung anong oras na at nakita kong lunch break na pala.

Tumayo ako para silipin sila Mr. Griffin at Mr. Lim sa loob simula kase nung pumasok si Mr. Lim sa loob hindi pa sya lumalabas. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito ng maliit sakto lang ang liit non para masilip ang nasa loob.

Sumilip ako sa ginawa kong butas at nakita kong seryoso silang nag uusap. ano kayang pinag uusapan nila? halatang seryoso eh siguro sa business yung pinag uusapan nila. Isinara ko naman ng dahan dahan ang pintuan at nag lakad na papuntang Elevator. Pagkarating ko palang dito ay agad akong sumakay.

Kakain nalang ako sa baba tutal lunch na. nang tumunog ang Elevator ay agad akong bumaba at nag lakad patungong Cafetiria. Pag pasok ko palang doon ay madami ng tao yung iba ay pumipili na ng pupwestuhan. Nag simula nakong maglakad papuntang counter para bumili ng makakain pagkatapos non ay umupo ako sa pinaka sulok.

Habang kumakain ay may dalawang babae ang umupo sa tapat ko napatingin naman ako sa kanila. Naka ngiti sila habang nakatingin sakin kumunot naman ang noo ko dahil don.

"Hi! hindi nako mag tatanong kung may nakaupo ba dito or wala obvious kase na walang naka upo" ani saakin nung isang babae na naka head band.

"Pasensya kana sakanya ha" saad naman nung isang babae.  ngumiti naman ako sakanya ng kaunti

"Ayos lang, tsaka wala naman talagang nakaupo dyan kaya okay lang"

"kung okay lang edi, Hi!  Ako pala si Stephanie tapos eto namang kasama ko sya si Nica ikaw anong pangalan mo? Bago kalang ba dito? Ngayon lang kase kita nakita" sunod-sunod nyang tanong sakin agad naman syang sinaway nung kaibigan nyang si Nica humarap sakin si Nica at humingi ng tawad sa kadaldalan ng kaibigan

"Oo bago lang ako dito" ngiti kong saad kay Stephanie

"hindi mo sinagot ang tanong ko" naka nguso nyang saad sakin

"Celestine" maikli kong pakilala sakanya. nagliwanag naman ang kanyang muka dahil sa sagot ko. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at ngumiti sakin

"Ang ganda ng pangalan mo tapos ang ganda mo pa"

"i know right" ngisi kong saad dito. Tumawa naman si Stephanie samantalang si Nica ay ngumiti lang.

"Sa ganda mong yan wala kapa bang boylet?" tanong sakin ni Stephannie. si Nica naman ay tahimik lang na nakikinig saming dalawa.

"Wala ah NBSB kaya ako, never pakong nagkaroon ng Bf"

"ay bakit? dapat meron maganda ka kaya right Mica?" saad nito. siniko naman nya si Mica ng mahina para sumangayon sa sinabi nito tumango naman si Mica at ngumiti ng maliit.

"Oo nga pala Celes, saang department ka?" tanong nya sakin.

"Ah Secretary ako ni sir Griffin" saad ko dito.agad naman nyang nabitawan ang Spoon na hawak nya at napatakip sa bibig si Nica naman ay parang walang pakielam dahil nakatingin lang naman sya samin.

"I-Ibig sabihin i-isa ka sa mga b-babae ni sir G-Griffin?" utal-utal nyang tanong sakin. Nangunot naman ang aking noo sa narinig

"Hindi ano kaba Stephanie hindi ako babae ni sir" natatawa kong saad sakanya. sumeryoso naman sya at umayos ng upo

"Panong hindi? Eh lahat ng nagiging Secretary nya nagiging Fling nya"

"panong lahat ng nagiging Secretary nya nagiging fling nya?"takang tanong ko naman sakanya

"Ganto kase yon ang sabi sabi si sir Griffin daw di lumalabas ng Office nya never namin syang nakita pero ang alam ng lahat maaga syang pumapasok tapos pag wala ng tao sa company dun sya lalabas at dahil don lahat ng nagiging secretary nya nagiging fling nya kase daw sabay daw kaseng umuuwi si sir Griffin at nung Secretary tapos ang chismiss pa ay may anak na daw si sir at iniwan sya ng asawa nya dahil babaero"

"Diko maintindihan kung papaano naging fling ni sir lahat ng nagiging secretary nya ano yun bago mag resign gagamitin nya muna?" takang tanong ko sa kanila. nagkibat balikat naman si Nica samantalang si Stephanie ay bumuntong hininga lang

"yun lang kase ang narinig namin magulo din kase sila mag sabi ng chismiss yung ibang chismiss nga nakabuntis daw yang si sir eh" baliwalang saad nito.

Napailing nalamang ako sa kanila at ipinag patuloy nalang namin ang pagkain ng lunch.

Kahit nung una nung nag apply ako dito ganun din ang sinabi nila lahat daw ng nagiging secretary ni sir Griffin nagiging fling nya totoo kaya yun?

Kailangan kong malaman ang totoo shit na cucurious talaga ako pag curiosity ko pa naman ang umandar hindi pwedeng walang masagap na signal.

Defending Love Where stories live. Discover now