chapter 20

11 1 0
                                    

Napabuntong hininga ako dahil hindi ako maka pag focus sa trabaho ko ngayong araw. ang ganda na ng umaga ko eh tapos nasira pa dahil kanina hays nakakahiya talaga ano ba naman yan

Napatingin ako sa Telepono ng tumunog ito. Aligaga akong tumayo at dali daling pumasok sa Office ni sir Griffin. naabutan ko syang prenteng naka upo.

"Sir? may kailangan po kayo?"

" pupunta ako ng company bukas"

"P-Po?" seryoso? pupunta sya dito bukas?

"yeah you heard me"

"Akala ko po ayaw nyo pumunta sa Company nyo?"

"Ayoko nga pero, wala akong choice"

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Nothing, kaya kita pinapunta dito dahil may ipapagawa ako sayo"

"Ano po iyon?"

"tawagin mo yung Personal cleaner sa floor nato ipalinis mo ang buong office ko sabihan mo rin si mr.lim na bumili ng toys"

"Sige po sir. Pero sir para saan po yung toys?"

"Don't ask, sundin mo nalang ang utos ko" sabi nito sakin, pinatay naman nya agad ang tv screen habang ako ay nakatanga sa loob ng office nya

Seryoso? Pupunta sya dito? Bakit? I mean ayaw nya dito ah anong nagtulak sakanya para pumunta dito sa office nya tsaka para saan yung mga toys? Ipang dedesign nya sa office nya siguro. Grabe ang dami nya talagang pakulo sa buhay

Pumunta naman agad ako sa office ni mr. Lim para sabihin ang inutos ni sir Griffin sakanya

"hmm diko inaasahan na gagawin nya talaga ang sinabi ko" anas nito sa sarili at natawa pa ng mahina

"Sir ano pong dimo inaasahan na gagawin ni sir Griffin?" Takang tanong ko sakanya

"Nothing Ms. Gonzales paki sabi nalang kay Mr. Griffin na bukas ng umaga ko dadalhin ang mga toys na inutos nya" ngiti nitong utos sakin tumango naman ako sakanya at umalis sa office nya

Ano kaya yung sinabi ni mr. Lim kay sir Griffin? tapos na cucurious talaga ako kung para saan ang Toys na pinapabili nya hays

Pagkatapos kong puntahan si sir lim ay dumaretso naman ako sa floor ng mga Janitors para sabihan ang Personal cleaner na kailangan nilang linisin ang office ni sir.

Pagkatapos non ay bumalik nako sa 15th floor. kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Naabutan ko si sir Griffin na may pinipirmahang papers sa table nya

"ah sir tapos na po ang inutos nyo sakin"

"Hmm Good to hear that" malalim na sabi nito sakin

"Sir may ipapagawa paba kayo sakin?"

"Wala na pwede ka ng umuwi ngayon half day kalang mag kita nalang tayo bukas" saad nito at pinatay na ang Tv

Half day lang pala ako ngayon buti nalang para makapag pahinga narin ako. lumabas nako sa Office ni sir Griffin at iniligpit na ang mga gamit ko para makauwi na.

Defending Love Where stories live. Discover now