KABANATA 4

1.8K 44 0
                                    

📌: ERRORS AHEAD

PAMILYAR

'Ano bang sugar daddy'ng pinagsasabi nito?' tanong niya sa sarili.

Ngunit kalaunay tumawa siya nang mapagtanto ang nais iparating ng babaeng kanina pa nang-aasar sa kaniya. Ang kaninang nakakunot na noo ng dalaga'y agad na napalitan ng nakakainsultong ekspresyon dahil sa pagtawa. Nag-iba rin ang mukha ni Charlotte ng biglaan siyang tumawa.

"At anong nakakatawa?" anito.

"Yun ba yung pinuputok ng butchi mo Charlotte?" natatawa niyang tanong. "Para malaman mo wala akong sugar daddy, saka hindi naman rin akong kagaya mo na mukhang pera e. Irarampa ang sarili habang nakasuot ng mamahaling accessories, para ano? Para makabingwit ng mamahaling isda?" mahaba niyang linyahan na siyang ikinapula ng babaeng kausap niya ngayon.

"Anong masasabi ng Karlota namin ngayon ha?" tila nangaasar na sabi ni Ali.

"Fyi hindi ako isang gold digger. Baka lang kasi wala kang maipambili ng mamahaling accessories kaya ka nagkakaganyan," anito.

"Pasensya kana ha, patay gutom kasi ako tsaka hindi ko rin naman yan makakain yang accessories mong yan," pang-aasar ng dalaga.

"And... anong hindi gold digger, Charlotte? As I remember kasi naging ex mo ang isa sa mayayamang istudyante rito tsaka yung captain ng basketball team. At ang rumors ay kaya kayo naghiwalay ng captain na yun ay dahil hindi ka nabilhan nong gusto mong kwentas."

Pulang-pula si Charlotte nang matapos sa pagsasalita ang dalaga. Rinig rin ni Bria ang mahinang pagtawa ni Ali sa tabi dahil sa mga sinabi niya.

"Oh ano Karlota, puputak kapa?" sabat ni Mira habang papunta sa gawi nila.

Charlotte then rolled her eyes bago tumayo at naglakad palayo kasama ang mga alipores nito. Mahina namang natawa ang tatlo sa ginawa. Charlotte has been a bad classmate to them lalo na kay Bria, pinag-iinitan siya lagi nito at hindi niya alam kung bakit, ni hindi nga niya alam kung anong dahilan ng pag init ng dugo ni Charlotte sa kaniya.

"Ano na naman bang problema no'n?" tanong ni Mira ng makaupo siya sa tabi ni Bria.

"Ewan ko dun, highblood nalang parati," sagot naman ni Ali habang kinukuha ang dalang siomai ni Mira.

They were in the middle of enjoying their snacks nang biglang may naglagay ng isang canned drink sa gilid ng mesa. Napatigil si Bria ng makita iyon, iniangat niya ang tingin sa taong iyon and it was— Drew, nakangiti ito sakaniya.

Narinig niya ang pekeng pag-ubo ng mga katabi habang umiiwas ang mga ito ng tingin. Tiningnan niya ang canned drink na nasa tabi lang niya, it was her favorite drink.

"Para saan 'to?" tanong niya sa binata.

"For you," anito saka hinubot ang upuang nasa kaniyang tabi't umupo rito.

"Gusto niyo ng alone time?" pabirong sabat ni Ali habang itinataas baba ang kilay.

"Ano kaba Allison baka mahiya yang dalaga natin. Tumayo nalang tayo tara," ani naman ni Mira habang inaayos ang kinakain.

"Sandali! upo, walang aalis," she said hitting the table sanhi ng pagbalik ng dalawang kaibigan sa pag-upo. "Diyan lang kayo, hindi kayo aalis, okay." dagdag niya na siyang ikinatango ng mga ito.

She sighed before looking back at the guy beside her, "Ah Drew kasi may binili na si Mira-" she was cut off nang biglang magsalita si Mira.

"Anong binili te?... samin to dalawa ni Allison kaya take it," anito habang itinutulak palapit sakanya ang inumin.

THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER [Temptation Series #1]Where stories live. Discover now