POOR BRIA
📌: Errors Ahead"BRI NAKITA MO 'YUNG GWAPONG LALAKI KANINA?" tila nagpapantasyang sabi ni Mira habang nakapulupot ang dalawang braso sa braso ng dalaga.
"Ayan na Bri, lumalandi na naman," pabulong na sabi ni Ali na nasa kaniyang kabilang tabi.
"Huy! hindi ah," biglang sagot ni Mira.
"Totoo naman ah, paano nga ulit yon?" ani Ali tsaka nagpunta sa kanilang harapan. "Kuya isang wintermelon overload," anito habang ginagaya ang boses ni Mira.
"Huy ang sama mo!"
"Totoo naman kasi."
Napailing nalamang siya dahil sa asal ng dalawa. Minsan talaga nagiging isip bata ang mga 'to, kahit na maliit na bagay nagbabangayan.
Kakalabas lang nila mula sa milktea shop at kagaya ng dati ay si Mira ang naglibre sakanila. Hindi naman sa wala silang perang maibili para sa sarili, sadyang ito lang talaga ang masyadong mapera at palaging sa kanilang dalawa ni Ali halos iyon napupunta dahil sa kakakain.
They were not materialistic, mga patay gutom lang.
“Teka nga Bria, kanina pa yang jacket na yan ha. Ang init-init kanina nagjajacket-jacket kapa,” isang sermon mula sa pinakamatanda nilang tatlo— si Ali.
“Oo nga naman,” pagsang-ayon naman ng pinakabata.
Natahimik siya dahil roon, at napansin iyon ng mga kasabay niya sa paglalakad. Huminto siya't itinaas ang sleeve ng jacket. Tumambad roon ang isang malaking pasa na kaniyang natamo sa pagsipa ng tiyahin sa kaniya kagabi.
“Bri sa'n galing yan?” bakas sa boses ni Mira ang pag-aalala.
“Patingin nga,” ani naman ni Ali habang marahan na hinawakan ang may pasa ng braso. “Anong nangyari?” nababahala nitong tanong.
“Okay lang naman ako,” aniya't binawi ang braso mula sa kaibigan. May nakapaskil na ngiti sa labi ng dalaga ngunit kabaliktaran nun ang nasa mukha ng mga kaibigan.
“Binugbog kana naman ba no'ng tiyahin mong kung mag makeup wagas?” tanong ni Mira sakaniya.
“Gabi na'ko nakauwi kagabi kaya ayun nagalit. May rason naman siya e,” aniya't ngumiti.
“Pero hindi rason ‘yun para mambugbog, Bri,” mahinang sabi ni Ali.
“Ayus lang, sanay naman na ako,” nakangiti niyang sabi.
“Alam mo bang yan yung magiging dahilan ng pagkawala mo dito sa mundo. Bri magiging ina kana, may batang hindi pa halos nabubuo sa loob niyang tiyan mo. Gusto mo bang may mangyaring masama sa batang ‘yan?” mahabang linyahan ni Mira.
Mahina siyang napayuko't umiling.
“Then change that mindset, Bri. Hindi sa lahat ng pagkakataon su-swertehin ka. Baka mamaya sa susunod na bugbugin ka niyang tiyahin mo hindi na kayanin ng katawan mo," bakas sa boses ng kaibigan ang pag-aalala sakaniya.
“Bri payong kaibigan yun, concern lang kami sayo. Huwag mo sanang mamasamain kung medyo naging oa ‘tong isang ‘to,” ani Ali habang nakatingin kay Mira.
“Oa mo mukha mo, tara na nga. Magabihan pa tayo ulit e,” ani Mira saka nag unang maglakad.
“Pasensya na diyan, tumaas na naman kasi dugo niyan,” natatawang sabi ni Ali at mahina siyang hinila papunta kay Mira na nasa unahan na.
ALAS SINGKO ng hapon ng makauwi ng bahay si Bria, hinatid siya ng mga kaibigan pauwi upang makasigurong nakauwi siya ng maayos. Papasok palang sa bahay ay kaagad ng bumungad sa kaniya ang katahimikan. Mukhang wala ang tiyahin niya rito, tatsa niya'y nasa tindahan ito.
Kaagad na dumiretso ang dalaga sa sariling silid upang magbihis. Isang pares ng terno na damit ang kinuha niya mula sa kabinet at iyon ang isinuot. Pagkatapos niyang magbihis ay kaagad naman siyang lumabas at nagtungo sa kusina.
Kinuha niya ang isang kaldero at nilagyan ito ng dalawang baso ng bigas, upang isaing. Tapos naman ay ang kawali na nakalagay sa ilalim ng mga lababo at inilagay ito sa lutuan. Kinuha ng dalaga mula sa ref ang isdang ibinilin ng tiyahin niya upang lutuin bilang ulam sa kanilang panihapon mamaya.
Lumipas ang ilang mga sandali at natapos ang dalaga sa pagluluto. Ngayon ay tatrabahuhin na niya ang takdang aralin na ibinigay sa kanila ng propesor nila sa matimatika.
Putting on her reading glasses, Bria sats down the chair and opens up her laptop and the using her phone she started playing some jazz music. It helps her study more and understand more the topic as she reads.
Mga tatlumpong minuto rin bago siya matapos sa takdang aralin ay narinig niya ang pagtawag sakaniya ng tiyahin sa labas.
Isang mabigat na kamay ang dumapo sa pisngi ng dalaga nang makalabas siya ng silid, sanhi ng pagdurogo sa gilid ng kaniyang labi. Nang tingnan niya kung sino iyon ay kaagad niyang nakita ang mukha ng tiyahing tila hindi na maipinta. Napansin rin niya ang hawak nitong bagay sa kabilang kamay.
Tila nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang hawak nitong pregnancy test. Napalunok siya ng sariling laway nang napagtantong sakaniya iyon. Tiningnan niya ang tila umuusok na mukha ng tiyahin.
“Buntis ka?” mabigat nitong tanong.
“Tiyang—” naluluha niyang pagtawag.
“Brianna, buntis ka!?” malakas nitong sabi.
“Tiyang hindi ko po sinasadya—” hindi niya natapos ang sasabihin ng sampalin nito ulit sa pisngi.
“Anong hindi!? Ano yun!? Nasagasaaan ka ng rumaragasang tite!?” puno ng galit nitong sabi.
“Tiyang—”
“Lumayas ka, lumayas ka bago pa kita kaladkarin palabas. Lumayas kana at nang wala nakong dapat pang pakaining iba! Palamunin kana nga, magbubuntis kapa ng isa pang palamunin! Lumayas ka!” halos umalingawngaw sa buong bahay ang boses nito.
“Tiyang, parang awa mo na po,” halos halikan na ng dalaga ang mga paa nito sa pagmamaka-awa.
Ngunit hindi siya nito pinakinggan, bagkus ay hinila siya nito sa buhok at itinakwil sa labas. Napaupo kaagad ang dalaga sa kalsada ng marahas siya nitong bitawan.
“Lumayas kana!” huli nitong sabi bago isinarado ang gate at iniwan siya sa labas.
BRIANNA was now a crying mess, basang-basa na ang mukha ng dalaga at magulo na rin ang buhok. Sinubukan niyang tumayo ngunit tila nanlabo ang kaniyang paningin. Sanhi siguro ng malakas na paghila ng tiyahin niya sa kaniyang buhok at ang mga naging pasa niya.
Sinubukan niya uling tumayo ngunit walang silbi iyon dahil nanghihina na ang kaniyang katawan. Mas nanlabo ang paningin niya ng sinubukan niya ulit, she knew she would fall again onto the ground. Ngunit isina walangbahala niya iyon at muling sumubok.
Nagtagumapay naman siya sa pagtayo ngunit hindi rin iyon nagtagal. Tila nanginginig ang kaniyang tuhod at naging mabigat ang kaniyang katawan. Nanlalabo na talaga ang kaniyang paningin at siguro'y ilang sandali nalang ay mawawalan ulit siya ng balanse at mauupo ulit sa kalsada.
But before she could lose her balance and fall down the ground, dalawang pares ng maskuladong braso ang naramdaman niyang sumalo sakaniya.
“Shit.” rinig pa niyang sabi nito bago tuluyang mawalan ng malay.
—inker.
|•| A vote will be highly appreciated.🌷
YOU ARE READING
THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER [Temptation Series #1]
RomanceThat was a night they couldn't forget. An epic experience that lead them to think of each other. Asher Mateo Hernandez and Brianna Agnes Vira's first encounter. A night full of pleasure and wanting for each other's touch. Her moans that filled the...