20

35 3 0
                                    

Pagkarating namin sa Bulacan, nagpahinga na muna kami. Hinanda ni Lola ang isang kwarto para sa tatlong lalaki. Ang kwarto ko naman ay tutulugan namin ni Vianna.

“Pasensya na sa bahay namin,” sabi ko kila Garry.

Hindi kami mayaman. Inu-unti unti ko naman nang ipaayos ang bahay namin. Malapit  akong matapos sa apartment kaya pwede ko na ring ipagawa ang bahay namin dito sa Bulacan.

“Ang sarap tumira dito. Ang presko ng hangin,” sabi ni Garry, hindi pinansin ang sinabi ko.

Nandito kami ngayon sa likod-bahay. Nagdala kami ng mga upuan at sa ilalim ng puno kung saan may silong kami pumwesto.

“Isang linggo tayo rito. Baka ma-bored kayo,” sabi ko naman.

“Ang daming pwedeng gawin dito, Mwezi. May nakita nga akong basketball court kanina hindi kalayuan dito,” sabi naman ni Kurzle.

“Baka nga rito pa makilala ni Garry ang para sa kaniya,” sabi naman ni Vianna.

Natawa na lang ako. Alam ko na may gusto si Garry at ang babaeng ’yon ay hindi siya gusto. Madalas niyang ni-ra-rant sa akin ’yon.

“Anong gusto ninyong meryenda?” tanong ko.

“Halo-halo. May nakita rin kami kanina,” sagot ni Garry.

Inaya ko sila sa Riles. Doon nila nakita ang mga tindang street foods at halo-halo. Nagbihis muna sila bago kami gumala.

“Wala kang balak ipaalam sa kanila?” tanong ni Vianna.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Balak kong sabihin kay Lola. Pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. Baka madisappoint siya sa akin.

“Kakausapin ko muna si Lola. Kapag nalaman niya na, saka ko sasabihan sila Garry,” sagot ko.

Sabay-sabay kaming lumabas. Nagpaalam pa kami kay Lola na aalis kami saglit. Mamaya naman daw ay pupunta rin siya sa Riles.

“Ang daming bata rito,” natutuwang sabi ni Garry.

“Pwede mong laruin,” sabi naman ni Kurzle.

Nag-unahan pa sila sa pagpunta sa nagbebenta ng halo-halo. Agaw pansin sila masyado. Matatangkad kasi at halatang galing sa mayamang pamilya. Napapatingin ang mga tao sa kanila pero walang pakielam ang mga ito. Parang sanay na sanay sila sa ganitong lugar.

“Anong gusto mo, Mwezi?” tanong ni Garry sa akin.

Natakam ako sa langka nung halo-halo. Naiisip ko ’yung tamis no’n. Naglalaway tuloy ako.

“Gusto ko nung langka,” sagot ko.

Naramdaman ko ang pagbaling ni Vianna sa akin. Hindi ko sinalubong ang tingin niya.

“Langka lang target mo?” natatawang tanong niya. “Okay sige. Ate, pwedeng bilhin na lang namin ’yang langka?” tanong niya sa tindera.

Para akong bata na tuwang-tuwa nang i-abot sa akin ang langka. Agad ko iyong kinain. Naramdaman ko ang pagsiko ni Vianna sa akin.

“Kumalma ka ng konti. Masyadong halata,” bulong niya.

Hindi ko na pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain. Naghihintay silang matapos ang halo-halo nila.

“Ang hilig mo sa mga sweets, Mwezi. Nung nakaraan ka pa,” sabi ni Garry.

“Mahilig talaga siya sa sweets noon pa man,” sabi naman ni Vianna.

Nang matapos kaming bumili ay nagpasya na kaming bumalik na ulit sa amin. Mas gusto raw nila ro’n. Presko ang hangin at tahimik lang daw dahil walang kapit bahay.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora