39

30 5 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Pasko na, nandito kami ngayon sa bahay ng parents ni Ravi para magcelebrate. Kapag naman new year na, doon na kami sa condo magcecelebrate.

“What’s that, wife?” tanong ni Ravi pagkalapit niya sa akin.

Gumagawa ako ng grahams ngayon. Si Mommy naman ay sa fruit salad. Yumakap sa baywang ko si Ravi habang pinanonood ang ginagawa ko.

“Grahams. Magugustuhan ng mga bata ’to,” sagot ko.

Hinayaan ko siyang nakayakap lang sa akin kahit na may ginagawa ako. Pero kalaunan ay nagpaalam na rin naman siyang babantayan na lang ang mga bata.

“I didn’t see him like that. You know, akala ko noon hindi na ’yan magkakaroon ng girlfriend,” sabi ni Mommy.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. Naghahalo na siya ngayon ng fruit salad na ginagawa niya.

“Mailap po ba sa babae?” natatawang tanong ko naman.

She chuckles. “Oo. Halos kami na nagrereto sa kaniya ng mga kakilala naming may anak na babae. Pero ayaw niya talaga.”

Bigla kong naisip si Sun. Baka inlove pa rin siya kay Sun noon kaya wala siyang pakielam sa ibang babae.

“Wala po bang pinakilala sa inyo noon?” curious kong tanong.

Binalik ko ang tingin sa ginagawa ko. Kung mababanggit si Sun, hindi na ako magugulat do’n.

“Wala. Focus lang siya sa studies niya. Kapag tinatanong namin kung may girlfriend or nililigawan, hindi naman siya sumasagot,” sagot niya.

Tinikom ko saglit ang bibig ko. “Ang alam ko po ay may first love siya,” sabi ko na.

“I didn’t know that. Maingat din talaga siya pagdating sa mga ganiyan.”

Hindi na ako kumibo. Tapos na ako sa ginagawa ko kaya inilagay ko na iyon sa ref at naghanap pa ng ibang pwedeng pagka-abalahan.

“Mwezi, pupunta raw ang mga kaibigan ninyo rito. Garry is single?” tanong ni Mommy.

Tumutulong ako sa mga kasambahay na ayusin ang hapag. Mamaya lang ay noche buena na. Hindi naman dito magpapasko ang mga kaibigan namin, dadalaw lang siguro saglit.

“Yes, Mommy. May hindi pagkakaintindihan kaya kailangan munang maghiwalay,” sagot ko.

Tumango naman siya. “Kurzle might bring his girl,” aniya pa.

Ilang beses ko nang nakita at nakausap si Marguerite, ang girlfriend ni Kurzle. Okay naman siya, mukha siyang mataray pero mabait naman.

“That’s good po.”

Ilang minuto nga lang ang nakalipas ay dumating na ang mga kaibigan namin. Garry in his favorite gray hoodie and black cargo shorts. Lumapit siya sa akin at humalik sa noo ko. Ang bango niya. Bagay rin talaga sa kaniya ang clean cut, but I prefer his long hair. Masasanay rin siguro ako sa bagong buhok niya ngayon.

Si Kenneth ang sumunod na lumapit. Naka-white t-shirt lang siya at maong panta. Humalik din siya sa noo ko. Gusto kong magtanong kung may balita na ba siya kay Vianna, pero mukhang wala naman kaya hindi na ako nagsalita pa.

Si Kurzle naman ay walang kasama. Nakasweater na blue at naka-shorts din tulad ni Garry. Humalik siya sa noo ko at ngumiti sa akin.

“Hindi sumama girlfriend mo?” tanong ko.

Umiling siya. “Medyo busy,” sagot niya naman.

Inalok sila ni Mommy ng pagkain at drinks. Sa sala na lang sila kasama si Ravi at ang mga bata. Ako na ang nagdala ng pagkain na para sa kanila.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Where stories live. Discover now