24

35 5 0
                                    

After lunch, nagpaalam na sa akin ang mag-ama. Planong isama ni Ravi si Helios sa opisina nito. Pumayag na ako dahil baka ma-bored lang si Helios kung dito siya tatambay.

“Grabe ang eksena ni Raj kanina!” sabi ni Rubi. “Grabe! Raj Vincent Stevenson kneeled in front of a girl and a little boy,” pagbasa niya pa sa nasa phone niya.

Hindi na ako magugulat kung marami na nga sa social media ang nangyari kanina. Ravi is a famous person. Marami silang connections. Kilalang-kilala ang pamilya niya kaya hindi na nakapagtataka na ang nangyari kanina ay kumakalat na ngayon.

“Sun and Raj are dating. Sino raw ba ang babaeng nasa picture? Ay mga beh, wala kayong alam sa nangyayari,” sabi ni Rubi na abala sa mga binabasa niya sa social media ngayon.

Nag-open na rin ako ng social media ko. May mga messages galing kila Garry.

skylatimer: He kneeled? Why?

I replied.

moonrean: He apologized again.

May messages din si Vianna. Nagreply rin ako sa kaniya at sinabi ko kung bakit gano’n ang nangyari.

Vianna Torres:

Iba talaga tama ni Raj sa ’yo. Luhuran ka ba naman sa harap ng maraming tao. Goodluck na lang sa pagharap mo sa magulang niya.

Kumabog ang dibdib ko. Never kong naisip na makakaharap ko ang magulang niya. Noon kasi ay hindi pa naman kami matagal na magkarelasyon kaya hindi ko na masyadong inisip iyon. Ngayon na may anak kami, hindi nga malabong makilala ko ang magulang niya. Ang lolo at lola ng anak ko. Kinabahan ako lalo.

“Balitaan mo ako, a! For sure magkasama kayo mamaya ng bebe mo,” sabi ni Rubi nang paalis na ako.

“I’ll chat you later,” sabi ko naman.

I texted Vianna and others. Wala silang balak pumunta sa apartment ngayon dahil “family time” muna raw namin ang araw na ’to. Pagkauwi ko nga ay naabutan ko ang mag-ama na naglalaro na.

“Mama!” salubong agad ni Helios sa akin.

I bend to kiss him in his forehead. He giggled because of that. Nang umayos ako, nagtama ang tingin namin ni Ravi. He’s pursing his lips.

“Kiss Papa, too! Mama, kiss him, too!” sabi ng anak ko na tuwang-tuwa pa.

I think he ate chocolates. Sobrang hyper niya ngayon. Hinatak niya pa ako palapit sa Papa niya na nakaupo sa sahig at may hawak na laruan.

“Kiss him, too!” pamimilit ng anak ko.

Naupo ako sa tabi ni Ravi dahil sa ginawa ng anak kong pamimilit. Ravi still looking at me with his pursed lips. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Helios giggled.

“I’ll cook some meryenda,” sabi ko at agad nang tumayo.

Iniwan ko sila ro’n. Nagdiretso ako sa kusina para maghanap ng pwedeng meryenda para sa kanila. I saw a box of pancake, water na lang ang kailangan nito dahil complete ingredients naman na. Iyon na lang ang naisipan kong iluto.

“Meryenda muna kayo.”

Nilapag ko ang plato na may pancakes. May fork na rin at chocolate  syrup sa tabi no’n.

“Gusto mong kape?” tanong ko kay Ravi. Tumango naman siya bilang sagot.

Pinagtimpla ko na muna siya ng kape. Nang matapos ako sa pag-aasikaso sa kanila ay pumasok na muna ako sa kwarto para kumuha ng pamalit. Maghahalf bath muna ako habang abala pa sila sa paglalaro.

Vianna Torres:

Girl, ang ante mong Sun masyadong nakaka-init ng dugo.

Ang chat ni Vianna ang bumungad sa akin pagbukas ko ng phone ko. Nagreply ako sa kaniya. Tinanong ko kung bakit.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora