21

29 5 0
                                    

We went to grocery. I need more stocks, uuwi na si Helios sa apartment. Inaayos ko na ang mga papers niya para makalipat na siya ng school. Gusto niya na ring magkasama kaming dalawa.

“Holy shit! What did you do to your hair?” sigaw ni Garry.

Kararating lang namin ni Vianna at naabutan namin silang apat dito sa apartment ko. Parang kanila na rin ’tong apartment ko, e. Anytime pwede silang pumunta.

“What? Hindi ba bagay?” tanong ko.

Kinapa ko ang maikli kong buhok. Masasanay rin siguro ako na ganito na ka-ikli ang buhok ko.

“It’s fine. Pero bakit mo pinagupitan ng ganiyan ka-iksi?” tanong niya pa.

Hindi na ako sumagot. Dumiretso na ako sa kusina dala ang mga pinamili namin ni Vianna. Sumunod naman si Garry at hindi tinigilan ang buhok ko.

“Garry, para kang tanga. Hahaba pa rin ’yan,” sabi ko.

He scowled. “Sana kasi konti lang pinabawas mo,” aniya.

Umirap na lang ako. Ang big deal sa kaniya nitong pagpapagupit ko kasi mas gusto niya rin na mahaba ang buhok ko. Madalas kasi kapag nandito siya, ang buhok ko ang gustung-gusto niyang pinaglalaruan. Kung wala lang ’tong gustong babae, baka isipin ko na bakla siya.

“For sure pati si Helios magagalit sa ginawa mong ’yan,” sabi niya pa.

I hissed. “Pakihatak nga si Garry paalis dito sa kusina. Ginugulo ako!” malakas na sabi ko.

Agad namang pumasok sa kusina si Oliver at Kurzle para hatakin nga si Garry pabalik sa labas. Ang ingay ingay nila.

“Lakas ng trip ni Garry,” natatawang sabi ni Vianna.

“Masasanay rin ’yan,” nasabi ko na lang.

“Nakakapanibago naman kasi talaga ang buhok mo ngayon. Pero mas gusto ko na ganiyan. Ang intimidating mong tingnan,” sabi niya naman.

Nang matapos kami sa mga dapat naming gawin ay naligo na ako. Aasikasuhin ko ang mga requirements sa school na papasukan ni Helios. Pwede namang sa online ko iyon gawin. Bukas ko susunduin si Helios, nakapagpaalam naman na ako kay Ma’am.

“Sama kami bukas sa pagsundo kay Helios,” sabi ni  Vianna.

Ang plano ko ay kami lang ni Oliver ang susundo. Pero mukhang hindi papayag sila Garry na hindi sila kasama.

“Sige. Maaga tayong aalis, marami pa akong aasikasuhin para sa paglipat niya,” sabi ko naman.

Inubos ko ang buong araw sa pag-aayos dito sa apartment ko. Bumili na rin ako ng maliit na cabinet para sa mga damit ni Helios. Ang mga stocks na pagkain na gusto niya ay nabili ko na rin.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis. Excited na rin silang makasama ang anak ko dahil ang huling pagsasama nila ay isang buwan na ang nakalipas. Naging abala kasi ang mga kaibigan ko kaya hindi sila nakadalaw kay Helios. Pero ngayon na sa akin na titira si Helios, madalas na nilang makakasama ito.

“I saw Raj,” sabi ni Kurzle. Tumingin pa sa gawi ko.

Nasa backseat kami nila Garry. Si Kenneth ang driver, nasa front seat si Vianna. Kaming apat naman ay nagsiksikan dito sa likod. Katabi ko si Garry, nasa bandang bintana ako.

“Nakita rin namin kahapon,” sabi ko naman.

“Kaya mo siguro pinagupitan ng ganiyan ka-ikli ang buhok mo,” sabi ni Garry.

Inirapan ko na lang siya.

“Kasama niya si Sun,” dagdag ko pa.

“Yeah. Sabay silang umuwi rito. Last month pa yata sila umuwi,” sabi naman ni Kurzle.

Notre Éclipse (Notre Series #1)Where stories live. Discover now