#EIChapter1

4.1K 103 43
                                    

"Althea, hindi maganda ang ginawa mong 'yon sa Kuya Sancho mo, ha." Pangaral sa akin ni Papa Juancho habang naka-squat siya sa harap ko para pumantay sa akin. Pinaghiwalay nila kami ng kwarto matapos ang pagsuntok ko sa ari ni Kuya Sancho dahil iyon lang ang abot ko para suntukin siya dahil ang tangkad niyang lalake.

Nakanguso naman ako habang nagpipigil ng iyak. "E, hindi rin naman po maganda ang ginagawa niya kay Kuya Saint, tas pinagsasalitaan pa niya ng masama si mama kaya ko lang nagawa 'yon."

Hinaplos naman ni mama ang dibdib ko para patahanin ako. Nasa tabi siya ni papa. "Althea, hindi rin maganda ang ginawa ng Kuya Sancho mo pero hindi ibig sabihin n'yon ay sasaktan mo na siya. 'Di ba ang lagi kong pangaral, magsumbong kayo sa amin kapag may nang-aasar sa inyo para kausapin namin sila. Hindi magandang dinadaan natin sa init ng ulo at dahas ang lahat, Althea."

Humihikbi na ako sa sobrang pagpipigil ng iyak. Bakit parang ako pa ang may mali? Kahit na si Kuya Sancho ang masakit magsalita. Pinagtatanggol ko lang naman ang Kuya Saint ko at si mama. Dapat ang pagsabihan nila ang lalakeng 'yon! Pa-victim naman po pala siya!

"Sorry po..." Sambit ko sabay tulo ng mga luha ko pero agad ko ring pinunasan 'yon dahil dapat strong girl ako. Hindi si Kuya Sancho ang magpapabagsak sa akin!

"Naku, h'wag ka ng umiyak, Kulothea." Singit naman ni Tito Simeon na nakasandal sa door frame ng kwarto. "Malayo sa bituka 'yong ginawa mo kay Kuya Sancho mo. Hindi pa 'yon mamamatay. Minsan talaga, kahit nakababata lang tayo, kailangan pa rin nating bigyan ng leksyon ang mga nakatatanda sa atin kasi baka nakakalimot na sila kung tama o mali pa ba ang ginagawa nila. Kapag hindi pa nagtino next time, suntukin mo ulit, Althea. May 5,000 ka sa akin."

Kaya favorite ko ito si Tito Simeon. Sa tuwing birthday ko at pasko, ang laki ng mga regalong binibigay niya sa akin. Tas lagi pa niya akong inaabutan ng pera. Spoiled na spoiled niya ako na para niya akong anak e half sister lang naman ako ni Kuya Saint.

Nilingon naman ni mama si Tito Simeon. "Simeon para kang tanga. Hindi ka nakakatulong. Nag-promote ka pa ng violence. Pinagbabati na nga natin iyong dalawa."

Tumawa naman si Tito Simeon. Kita ko rin kanina na nagpipigil siya nang tawa habang namimilipit sa sakit si Kuya Sancho. Kunwari ay pinapatahan niya si Kuya Sancho pero natatawa siya habang nakatingin sa anak niya.

"Kung si Althea lang ang magpapatino kay Sancho, kahit isang milyon pa ay ibibigay ko sa anak mo." Sagot naman ni Tito Simeon.

Nagpanting naman ang tenga ko. Isang milyon? Gan'on ako magiging mayaman basta mapatino ko lang si Kuya Sancho? Kung gan'on naman pala, susuntukin ko lagi si Kuya Sancho para matakot na siya at magtigil na.

"H'wag kang makinig d'yan sa Tito Simeon mo," Singit pa ni papa na pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi. "Basta Althea, masama ang manakit ng kapwa. H'wag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin sa'yo. Mag-sorry ka na sa Kuya Sancho mo."

Sorry? Bakit ako hihingi ng sorry? Hindi ba dapat siya ang unang mag-sorry? Bakit ba kami ang laging nag-aadjust sa ugali ng lalakeng 'yon?! Kailan ba matatapos ang sad boy era ni Kuya Sancho?!

Umayos na ng tayo si mama at papa sa harap ko. Wala na akong nagawa nang hawakan na ni mama ang kamay ko para samahan ako sa paglabas ng kwarto. Pumunta kami sa kabilang kwarto kung saan nandoon si Kuya Sancho at Kuya Saint.

Tinignan naman ako nang masama ni Kuya Sancho nang makita niya akong pumasok sa kwarto. Hawak pa rin niya ang crotch niya. Hindi talaga ako nakokonsensya sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko kailangan humingi ng sorry pero para sa mga magulang ko at kay Tito Simeon ay gagawin ko na lang. Ako na lang ang mag-aadjust sa lalakeng ito.

"Sorry, Kuya Sancho..." Sambit ko na hindi bukal sa aking puso.

"Yakapin mo na ang Kuya Sancho mo." Utos pa ni papa.

El Incestófilo | ON HOLDWhere stories live. Discover now