#EIChapter2

3.8K 106 41
                                    

"Wow, ang ganda naman ng unica hija ko." Bati sa akin ni papa nang tignan niya akong bumababa sa hagdan.

Nagsuot kasi ako ng puting dress na medyo pa-balloon na lagpas sa tuhod ko. May maganda rin akong headband. Iyong medyas kong puti ay abot sa tuhod ko, at ang suot ko naman ay itim na doll shoes. Iyong wavy ko naman na buhok ay nakahati sa gitna, ang isang kalahati ay nasa likod ko, habang ang isa ay nasa dibdib ko.

Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito na pagpunta namin sa mansion ng mga DiMarco. Gusto ko lang na maganda ako kapag humarap ako kina Lolo Heneral at Lola Donya para mukha talaga akong haciendera. At dahil dito na kami nakatira sa hacienda, dapat ay isa akong sopistikadang babae.

Pagbaba ko sa dulo ng hagdan ay umikot pa ako kaya sumabay sa ikot ko ang hem ng dress ko. Para tuloy akong prinsesa. "Salamat po, papa. Lagi naman akong maganda. Wala na pong bago roon."

Natawa naman si papa na inaayos ang sapatos ni Theo na nakaupo sa sofa. Tumayo naman si papa para lapitan ako at hinalikan ako sa ibabaw ng ulo ko. "Oo naman, laging maganda ang Althea Clair ko. Mahal na mahal ko 'to, e. Medyo bawasan lang natin ang pagtataray, ha? Baka matakot sila sa'yo."

Napahagikhik naman ako sa sinabi ni papa at sa paglalambing niya sa akin kaya yinakap ko siya. "Si Kuya Sancho lang naman ang minamalditahan ko, papa. At mahal na mahal din po kita, papa ko."

Gumanti rin ng yakap sa akin si papa. "Awww, ang sarap naman ng yakap na ito. H'wag niyo munang bilisan ni Theo ang paglaki niyo, ha."

"Tali ato!" Sigaw naman ng bunso kong kapatid na si Theo na bumaba pa mula sa sofa at tumakbo palapit sa amin ni papa. Sinalubong naman siya ni papa ng yakap sabay buhat sa amin na magkapatid. Tumawa naman kami ni Theo habang nakayakap kay papa dahil pinapa-ikot niya kami.

"Tama na 'yan," Sambit naman ni mama na pababa na rin ng hagdan. Pormal din ang suot ni mama na nagmake-up pa. Pinaghandaan niya rin ito dahil hindi niya lubos maisip na muli siyang makakabalik sa La Consolacion, at tatanggapin ng mga DiMarco.

"Tara na't umalis na tayo dahil baka hinihintay na tayo nila Heneral Maximo at Donya Esmeralda." Pag-aaya pa niya sa amin.

"Clara," Tawag ni papa kay mama kaya tinignan ni mama si papa habang sinusuot ni mama ang itim niyang heels. "Baka gusto mo lang na gawing kuya si Theo."

Mabilis naman na pinalo ni mama ang tiyan ni papa pero mahina lang iyon. Kita ko naman ang pagpipigil ng tawa ni mama. "Ginoong Juanito Cholo Cimafranca, tumigil ka nga d'yan! Ikaw ba ang nahihirapan magbuntis at manganak? Tama na 'yan silang dalawa. Hirap na hirap ka na ngang patinuin itong si Althea, magdadagdag ka pa?"

Sinamaan ko naman ng tingin si mama. "Mama! Matino kaya po ako!"

Nag-make face pa si mama sa akin. "Oo nga, ang tino mo. Sige paniwalaan mo ang sarili mo."

Natawa naman si papa. "Kaya tumino ka na Althea para magkaroon na tayo ng bagong baby. Sa'yo nakasalalay ito. Walang pressure, anak."

"Papa!" Reklamo ko rin sa kanya.

"Tara na." Pag-aaya naman ni mama ng masuot na niya ang heels niya.

Binaba na kami ni Theo ni papa. Muli ko namang inayos ang palda ng dress ko. Lumapit sa akin si mama at hinawakan ang kamay ko. Si papa naman at Theo ang magkahawak ng kamay. Lumabas na kami ng bahay. Sinara muna ni mama ang pinto habang kami nila papa ay dumiretso sa kotse. Sumakay na rin si mama sa tabi ni papa matapos niyang isara ang pinto.

Umandar na ang kotse papunta sa mansion ng mga DiMarco para sa pananghalian na hinanda nila para sa pagdating/pagbalik namin sa La Consolacion. Halos labing-tatlong taon din kasi ang nakalipas simula nang lisanin ni mama at papa ang lugar na ito. Ang lugar na kinalakihan ni papa, ang lugar na nagpabago kay mama.

El Incestófilo | ON HOLDМесто, где живут истории. Откройте их для себя