#EIChapter5

5.7K 172 64
                                    

"Juancho..." Pagsalubong ng isang lalake kay papa na medyo may katandaan kay papa.

Tumakbo rin si papa palapit sa kanya at nagyakapan silang dalawa. "Kuya Vergel."

Siya pala ang panganay na kapatid nila papa, si Tito Vergel. Ngayon ko lang siya nakita dahil abala na ito sa negosyo ng pamilya nila papa. Siya na kasi ang punong-tagapamahala ng Los Alaheros . Kilala kasi ang Cimafranca bilang mag-aalahas, hindi lang sa La Consolacion kung hindi pati na sa buong Negros.

Bumibili o tumatanggap sila ng mga sinasanglang mga alahas. Gumagawa at nagbebenta rin sila ng mga alahas. May mga trabahador din sila na nagmimina ng mga iba't ibang uri ng bato sa mga kweba sa Negros para gawing mga alahas. Kaya hindi nakapagtataka na mayaman ang pamilya ni papa.

Kung titignan ang buong Casa Cimafranca, isa siyang malaking compound na may magkaka-lapit na malalaking mga bahay. May magagara rin silang kotse. Hindi lang iyon, dahil bilang mag-aalahas sila, pansin din kay Tito Vergel ang mga kumikinang niyang kwintas at relo.

Mayaman din naman ang Cimafranca. Sadyang mas mayaman lang ang mga DiMarco. Si Papa naman, hindi halatang mayaman kasi naglayas siya para lang sundin ang pangarap niya na maging eskultura at s'yempre, para makasama si mama. Kung hindi naman ginawa iyon ni papa ay malamang, wala kami ni Theo sa mundong ito ngayon.

Kaya hindi ko tinuturing na mayaman ang sarili ko kahit sabihin na Cimafranca ako dahil sa sigalot sa pagitan ni papa at sa lolo ko. Kala ko ay nakatakas na ako kay Sancho, may isa pa pala akong matandang masama ang ugali na kakaharapin. Bakit ba lagi na lang may masama ang ugali sa isang pamilya? 

Kahit hindi man naging ganito karangya ang buhay namin ay nabibigay naman ni papa ang mga pangangailangan namin dahil isa siya sa tanyag na eskultor. 

Kumalas naman silang magkapatid sa pagyayakapan at napatingin sa amin si Tito Vergel. "Sila na ba ang pamilya mo, Juancho?"

Nilingon naman kami ni papa sabay tango kay Tito Vergel. "Ang aking kabiyak na si Clara, ang mga anak namin na si Saint, Althea, at Theo."

Lumapit naman si Tito Vergel sa amin. Binigyan niya ng mabilis na yakap si mama. "Ikaw pala si Clara. Ang dami kong naririnig sa'yo noong nasa Elyxium pa si Juancho. Lagi ka niyang naiku-kwento sa akin. Ikinagagalak kitang makilala."

Nginitian naman siya ni mama. "Salamat, Kuya Vergel. Masaya rin po akong makilala po kayo."

Sunod kaming tinignan ni Tito Vergel na magkakapatid at hinaplos pa ang mga ulo namin. "Ang lalaki na pala ng mga pamangkin ko. Ako nga pala ang Tito Vergel niyo, ako ang kuya ng papa Juacho niyo. Sana ay makilala niyo rin ang mga anak ko---ang mga pinsan niyo. Hali kayo, sa bahay muna kayo manuluyan at maulan ang gabi."

Tumulong na si Tito Vergel sa pagdadala ng mga gamit namin papunta sa bahay niya. Hindi ito ang pinaka-malaking bahay sa compound na ito dahil sa may gitnang dulo ang mas magarang bahay na paniguradong bahay nila lolo at lola.

Tumuloy na kami sa bahay ni Tito Vergel. Malaki rin naman ang bahay ni Tito Vergel kumpara sa bahay namin sa Doldam. May mga magagarang gamit at muebles siya. Siya talaga ang isa sa mga nakatamasa ng yaman ng Cimafranca. Hindi naman ako naiinggit na hindi ganito ang naging buhay namin dahil kung nanatili si papa rito sa La Consolacion, hindi sila magkaka-tuluyan ni mama. E 'di walang magandang Althea sa Earth.

Tandaan, lahat ng letters sa pangalan ko ay makikita mo sa Ethereal. 

Napangiti naman ako nang makita akong piano sa sala nila. Ang gara rin ng piano nila gaya ng piano ng mga DiMarco. Linapitan ko ito pero hindi ko naman pwedeng magamit dahil may mga picture frames sa ibabaw ng pantakip ng keys. Napatingin na lang ako sa mga pictures.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

El Incestófilo | ON HOLDWhere stories live. Discover now