#EIChapter4

3.9K 124 33
                                    

"Sumosobra ka na talaga, Sancho!" Bulyaw ni Tito Simeon sa anak niya habang hawak niya sa kwelyo ito.

Panay lang ang iyak ko habang nakabalot ako ng tuwalya matapos akong i-uwi ni Kuya Sancho nang mahanap niya ako sa sakahan. Ginaw na ginaw ako dahil sa lakas ng ulan at sinipon na rin ako kaya ang hirap huminga dahil sinabayan pa ng pag-iyak ko. Pagdating pa lang namin dito sa mansion ay sinalubong na siya ng galit ni Tito Simeon at sinuntok sa pisngi.

"Paano mo nakayang iwan ang bata sa sakahan?!" Patuloy na galit ni Tito Simeon. "Pinaubaya ko siya sa'yo para magkaayos kayong dalawa! Hindi mo man lang ba talaga kayang magpa-kuya? Kahit hindi mo na ituring na kapatid si Althea. Sana maalala mo man lang na bata pa rin siya. Wala ka na ba talagang puso, Sancho?!"

Kita ko lang din na tumutulo ang luha ni Kuya Sancho habang masama ang tingin niya sa papa niya. Putok din ang labi niya matapos niyang makatanggap ng suntok sa papa niya. Naka-pagitna naman si mama at papa sa dalawa para awatin nila si Tito Simeon dahil pinaalis muna ni Tito Andrez sina Lola Donya at Lolo Heneral dahil baka ma-stress sila sa nangyayari sa mag-ama.

"Simeon, tama na..." Awat na ni mama kay Tito Simeon. "Nasasaktan ang bata."

"Hindi na siya bata, Clara." Sagot naman ni Tito Simeon. "Nasa tamang edad na siya pero umaasta lang siyang walang isip. Sobrang nakakahiya na ang pag-uugali niya."

"Sige na, Simeon. Bitawan mo na ang anak mo." Awat din ni papa na nakahawak sa kamao ni Tito Simeon na naka-kwelyo kay Kuya Sancho. "Hindi matatapos ang gabing ito kung ganyan pa rin kayong mag-ama. Labas muna tayo para lumamig ang ulo mo."

Masama pa rin ang tingin ni Tito Simeon nang bitawan na niya si Kuya Sancho. "Sancho, ang daming beses ko ng gustong sukuan ka. Sadyang malaki lang talaga ang pagmamahal ko sa'yo at naniniwala na magbabago ka isang araw. Pero, malapit na akong mapagod sa'yo kung magpapatuloy kang ganyan. Marami ang nagpupunan ng pagmamahal para sa sinasabi mong sira nating pamilya. Pero, bakit hindi mo sila makita? Na ang daming nagmamahal sa'yo higit pa sa sirang pamilyang binibintang mo sa akin at sa Tita Clara mo."

"Hindi niyo ako naiintindihan..." Sagot naman ni Kuya Sancho.

"Hindi?" Hasik naman ni Tito Simeon. "Hanggang ngayon ay iniintindi ka pa rin namin. Ikaw? Kailan mo kami iintindihin? Ikaw na lang ang lagi naming iniintindi."

Napailing na lang si Tito Simeon bago talikuran ang anak niya at naglakad na siya palabas ng mansion kasunod si papa. Naiwan naman si mama sa tabi ni Kuya Sancho. Hinarap naman ni mama si Kuya Sancho.

"Maupo ka muna, Sancho. Kukuha lang ako ng gamot sa sugat mo sa labi at sa pasa mo sa pisngi." Sambit ni mama kay Kuya Sancho at sinubukan niyang hawakan ang braso ni Kuya Sancho para alalayan siyang maupo sa couch nang tabigin ni Kuya Sancho ang kamay ni mama.

Kita ko ang galit sa mga mata ni Kuya Sancho. "Ikaw ang pinaka may kasalanan sa nangyayari sa buhay ko! Salot kang babae ka! Malas ka sa buhay ko!"

"Kuya Sancho!" Sigaw naman ni Kuya Saint na nasa tabi ko. "Sumosobra ka na!"

Tinignan din nang masama ni Kuya Sancho si Kuya Saint. "Isa ka pang pilay ka! Sukang-suka akong makita ka dahil naaalala ko lang na ikaw ang produkto ng pagtataksil ni papa! Anak ka lang sa labas! Hindi ka legal na DiMarco! Anak ka ng makasalanang babae---"

Pak!

Hindi na natapos ni Kuya Sancho ang sinasabi niya nang lumatay na ang kamay ni mama sa pisngi ni Kuya Sancho. Nanlaki naman ang mga mata ni Kuya Sancho sa gulat nang ginawa ni mama sa kanya. Napahawak pa siya sa pisngi niya nang mapatingin siya kay mama. Kita ko naman ang pamamasa ng mga mata ni mama.

"Apihin mo na ako, Sancho. Sabihan mo na ako ng kahit ano'ng klaseng mabababang salita, tatanggapin ko iyon dahil alam ko ang kasalanan ko sa'yo. Pero ang laitin mo si Saint, hindi ko kakayanin iyon bilang ina." Sambit ni mama na tumutulo na ang mga luha niya. "Kung galit ka, sa akin ka magalit. H'wag sa mga anak ko. Ako ang may kasalanan sa'yo, hindi sila parte n'on."

El Incestófilo | ON HOLDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu