Chapter 2

799 26 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.

GABRIELLA

Smile

Pose

Sa kabilang side naman

Good

Perfect

Very good

"Okay! and we're done! Thank you everyone." Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang yan, nagpalakpakan naman kaming lahat. Tapos na ang trabaho ngayong araw, everyone did a great job. Pack up na.

"Omg,sissy. Ang galing talaga ng shots mo." Pagbibigay puri naman sa'kin ni Alexa. My friend. "Pero I thought kasama ka rin namin sa shoot na 'to." Kasama naman ako. Not as a model nga lang.

"Nauna ko kasi tanggapin yung gig as photographer."

"Anyway, it's Mico's birthday tomorrow. Punta ka Eivissa ." Paalala sa'kin ni Alexa.

"Sunod ako, may deadlines lang na kailangan ihabol."

"Sama mo si Mara."

"Uhm okay, I'll ask her."

Wala naman talaga akong ihahabol. Malayo pa din talaga ang deadline, yung ibang trabaho naman ay natapos ko na. Ayaw ko lang talaga sumama sa party dahil tinatamad ako. Mas gusto ko lang talaga sa bahay. Hindi rin ako masyadong pumupunta sa mga bars, club etc. Hindi naman ako mahilig mag inom.

I'm boring. Yan ang mga sinasabi ng tao sa'kin. Ganito talaga ako. Maliban sa cameras, libro ang madalas kong kabonding. Photography is my passion kaya I'm glad that ayan din ang naging career ko. Madalas din ako kinukuha ng iba't ibang magazines and other ads para maging photographer nila. Maliban sa pagiging photographer I am also a Model.

Would you believe that? I am also a model. Clothing lines, print ads, commercials. Sa totoo lang kahit ako hindi makapaniwala. I am a chubby girl way back then tapos mahiyain, ngayon napasok ako sa modelling. Hindi na rin masama kung napasok ako sa ganitong industriya. I worked hard to be fit and healthy bonus pa ang good looks na pinagpapasalamat ko sa mga parents ko. Iniisip ko nga na baka may nagawa akong sobrang kabutihan noong past life ko kaya pinagpala ako ngayon.

"Baby, okay ka lang ba?" Tanong ko ngayon sa babaeng katabi ko.

"I'm fine." Parang hindi talaga siya fine. Tinotoyo siguro at hindi maganda kung sasabayan ko pa.

Mara is my girlfriend. Yes I do have a girlfriend. I believe that Love knows no gender. May mga girl crushes ako but I didn't expect that I will fall for Mara. Naka program naman sa isip ko na straight ako pero wala akong nagawa, mas malaki talaga ang attraction ko sa babae.

Mara is also a Model. nagkakilala kami sa isang photoshoot, we were both models at that time. Madalas din kaming magkasama sa mga shoot and almost everyone knows that were a couple. Hindi naman namin ikinahihiya 'to, out and proud kami. We've been together for almost two years and alam ko maaga pa para sabihin ito pero nararamdamam ko na siya na ang makakasama ko pang habang buhay.

Growing up, I believed that love is always happy, magical, and beautiful, and that there's one perfect person out there who is meant for each and every one of us.

I look up to my parents, they've been married for thirty five years and until now makikita mo silang masaya and going strong pa din. I want to have that kind of love.

I believe in courtship kaya kahit hindi ako marunong ay ginawa ko para kay Mara, flowers, dinner dates, letters, etc. I like doing it the old fashion way. Nang malaman ko na gusto niya rin ako, nanligaw din siya. We get along really well at talagang kinilala ang isa't isa hanngang sa naging mag girlfriends kami.

"Babe, close your eyes." Bulong ko sa katabi kong malakas ang toyo.

"Why? Ano na naman ba yan, Ri?"

"Sige na close your eyes muna." Wala na siyang choice kung hindi ipikit ang mga mata niya. Kinuha ko naman sa hand bag ko ang isang bracelet na meron isang moon charm at isinuot ko ito sa wrist ni Mara. Nakita ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi.

Mukha namang kinilig.

"Surprise! Sorry kung medyo busy nitong mga nakaraang linggo." Peace offering ko na din, alam ko naman na parehas kaming nagiging busy pero sa abot ng makakaya ko ay gagawa ako ng paraan para lang makita siya.

"Thank you baby! It's so pretty." Nasilayan ko na naman ang maganda niyang ngiti. Lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng isang mabilis na halik sa labi.

"You're always welcome.. I love you." Sagot ko naman sakanya sabay pulupot ng mga kamay sa baywang niya.

"Love you too." Sagot nito pabalik sa'kin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Ay babe, they invited us pala sa birthday ni Mico. Sinabi din ba nila sa'yo?" Tumango naman ako. "Punta tayo."

"Hmm...baby, pwede bang hindi mag punta? Dito nalang tayo, may alam akong mas masaya gawin kaysa pumunta sa birthday ni Mico." I told her while giving her neck kisses.

"ahh..I really love your offer, babe. Pero nakapag promise na ko sa kanila na pupun--" Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya. I just kissed her and I smiled when she kissed back. Hiniga ko na siya sa couch.


"god you're too irresistible. I have to go baby, I'll see you later.." Paalam sa'kin ni Mara sabay halik sa pisngi ko.

Hindi rin effective yung ginawa namin kanina kasi pupunta pa rin kami sa birthday. Nauna umalis si Mara dahil meron pa siyang pupuntahan we decided na magkita nalang sa mismong lugar ng party ni Mico. Medyo nagtataka na nga rin ako kay Mara, parehas kaming busy pero mas madalas na siyang hindi maka sipot sa mga dates namin pero iniitindi ko nalang. Pwede na nga akong bigyan ng award for being the most understanding girlfriend.


From: Alexa
Sissy! Are you with Mara?

                            To: Alexa
Nope. Is she there?

From: Alexa
Yes! I thought magkasama kayo. Punta ka na.

Nauna na pala siya. Eivissa it is.

FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora