Chapter 42

506 23 4
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


GABRIELLA


Alexa:
Okay na kayo?

Me:
Okay na sissy. Hihi
Thanks so much!

Alexa:
Umayos ka ha. Wag mo hintaying sampalin ka niyan, di mo magugustuhan teh. Ako na rin mismo kakalbo sayo pag yan na stress na naman.



Sobrang thankful ako sa kaibigan kong 'to dahil suportado niya kami ng pinsan niya, sa kanya din ako humihingi ng update pag madalas hindi nag rereply si Nia sa akin lalo na nung Christmas, nagsend pa nga siya ng picture ni Nia na naka busangot kasi nga nagtatalo kami that time.

"Where are we going?" Tanong ko. My girlfriend is driving and I'm her passenger princess for today. I can't believe that this beautiful human being is now my girlfriend, may official label na kami, hindi na ako mag fi-feeling. I reached for her other hand and kissed the back of it.

"I'm going to give you your Christmas and birthday gift." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. She already gave me a gift. I received a Cartier necklace from her, she bought me a cake, gave me a bouquet of roses, cooked my favorite meals, gave me hugs and kisses all day, and also, the best gift she has given to me was when she agreed to be mine.

"Huh? You already gave me yesterday ah."

"Hindi talaga yun yung gift ko." Oh my, ilang regalo pa ba ang matatanggap ko sa kanya? grabe naman siya.

"Nga pala, nakausap mo na ba yung agent na naghahandle sa'yo?" Tumango naman ako. Biglaan kasi yung pag alis ko sa New York mabuti nalang walang projects until 1st week next year kaya parang naka holiday vacation na din ako. Yun nga lang, I have to go back to New York and stay there for another two weeks and then balik na ako dito sa Pinas.

"The agency has a lot of plans for you, mahal."

"Na overwhelmed ako sa totoo lang love.. Hindi ko inakala na ganoon kabilis yung mga nangyari, yung two weeks palang ako nasa New York then I was casted agad for a clothing line tapos ayun halos nag sunod sunod na."

Nung pinagreport ako sa NYC branch ng WModels, wala silang sinasayang na oras. That day na unang pasok ko, kinuhanan agad nila ako ng headshots, full body shots, basta lahat para sa portfolio and then ipinakilala agad ako sa agent na maghahawak sa akin then from there mamimili na yung clients then sakto naman na bumenta yung itsura ko sa kanila.

"Deserve mo naman yung mga narereceive mo ngayon, mahal. You're really good at what you're doing, ipagpatuloy mo lang."

"Thank you, love."

"Alam mo tama si Papa, you'll do great overseas. Hindi imposible maging household name ka sa modeling industry...na meet mo ba si Serena?" Umiling ako.

Serena Lancaster. The famous model na under ng WModels. Hindi lang naman siya ang sikat doon. Franciso Lopez is also one of the famous male models na hawak din nila at madami dami pa. Even here sa Philippines yung mga hawak ng WModels halos naging artista or talagang naging famous influencers. Magaling talaga sila maghandle at magpasikat ng tao, yan ang sigurado ko.

Oh, they also handled my girlfriends brand deals and other projects. She's a famous drifter in Japan and may branch sila doon kaya nagulat ako ng makita kong isa siya sa naka paskil na photos doon sa hallway ng agency. I never googled Xenia before not until nakita ko siya sa isang Japanese Magazine sa office ng WModels, sinearch ko siya at nagulat ako dahil kilala talaga siya sa ginagawa niya. She's basically a celebrity in Japan, may mga napanood pa akong interviews niya kahit wala akong naintindihan.

FateWhere stories live. Discover now