Simula

25 0 0
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang bote na ng beer ang nainom ko. Basta ang alam ko, lasing na ako at ito ang kauna-unahan na malasing ako ng ganito.

Kasama ko ang mga pinsan ko sa motherside at mga Tita ko na umuwi galing sa States para magbakasyon. Isinama nila ako para na rin daw maaliw ako at makalimutan na ang eskandalong nangyari sa pamilya namin.

Eskandalo? The heck! Di ko lubos maisip na sa dinami-dami ng taong ipagpalit niya sa akin. Pinsan ko pa talaga na mas bata sa amin ng pitong taon. Almost 5 years na kami at biglang nabuntis niya ang pinsan ko pa.

Naiiyak na naman ako. It's been 3 years na actually. Tanggap ko na pero di ko talaga mapigilang magalit kapag maalala iyon. Kasal na ang dalawa at halos magdalawang taon na ang anak nila. Actually naka move on na ako sa nangyari, siguro naisip nila na hindi pa kasi wala akong naging boyfriend after ng hudas na iyon.

Nagdulot ng eskandalo sa pamilya ang nangyari. Medyo nagkaroon ng hidwaan ang pamilya namin lalo na si Daddy at ng kapatid niya ,na ama ng pinsan ko.

Pero pagkatapos ng ilang taon ay nagiging civil na rin naman sila sa isa't isa lalo na sa mga gatherings na di talaga maiiwasan ang pagkikita.

Naputol ang pagbabalik-tanaw ko, nang may maingay na grupo na pumasok. Nasa pitong lalaki ata sila, oo may time ako magbilang. Agaw-pansin naman kasi ang pagdating nila dahil sa mga magagandang hubog ng katawan na ala modelo ang dating. Di ko lang alam sa mukha dahil medyo madilim din sa loob.

"Baby, may gwapo ohh? Parang ang sarap noong isa!",saad ni Shan na pinsan ko, sabay kalabit sa akin.Baby talaga tawag nila sa akin dahil bukod sa maganda ako, walang konek, ako ang pinakabata sa amin magpipinsan sa mother's side kaya nila ako binebaby lahat.

"Tumigil ka nga. Baka nakalimutan mo, may asawa ka na?", saway ko sa kanya.

"Gaga. Sinabi ko bang para sa akin? Para sayo noh?"

Napaismid na lang ako sa sinabi niya. Ewan ko, simula ng pagtaksilan ako ng pinsan ko at boyfriend ko parang ayoko munang magmahal ulit. Self love muna. Tsss! Self love my ass. Ewan basta wag muna.

Dahil na rin sa dami ng nainom ko ay naiihi na ako. Gusto ko sanang magpasama kau Shan, kaso lumabas siya at katawagan ata ang asawa niya. Kaya pinilit ko tumayo kahit parang umaalon na ang paningin ko.

"Tita, comfort room lang po ako", paalam ko sa Tita ko na katabi ko ng upuan.

"Samahan na kita by-"

"Huwag na po. Enjoy lang kayo diyan. Sandali lang po ako.", pigil ko sa kanya. Pinilit ko na lang na magmukhang di lasing kahit hilong-hilo na ako para hayaan niya ako mag-isa.

Pagkatapos kong umihi ay napagdesisyonan kong lumabas muna para makalanghap ng sariwang hangin. Nasa isang resto-bar kami na malapit sa dagat kaya naisip ko munanng pumunta sa dalampasigan. Sinenyasan ko na lang ang isang pinsan ko na lalabas muna ako.

Di ko mapigilang mapabuntong-hininga ng makalanghap ng sariwang hangin. Parang abg sarap magmuni-muni dito kaya lang medyo nakaramdam ako nga pagkahilo. Pinilit kong maglakad-lakad pa hanggang sa nakarating ako sa may parking area.

Mabilis akong napahawak sa isang pick up nang muntik na akong matumba. Nang mahimasmasan, naisipan kong maupo muna kaya sumampa ako sa likod at laking pasalamat ko ng may makita akong may unan at kumot doon. Siguro galing sa picnic ang may-ari. May tent din kasi doon na nakaayos na sa lalagyan.

Dahil na rin sa pagod at nahihilo ako, naisipan kong humiga muna at maidlip sandali na nauwi sa tulog. Di ko alam kong ilang minuto akong nakatulog nang maalimpungatan dahil sa uga ng hinihigaan ko.Doon ko napagtanto na umaandar pala ang sinasakyan ko at di ko alam saang parte na ako ng mundo.

Shit. Nasaan na ako? Nakidnap pa ba ako?

Nataranta man ay naisipan kong katokin ang driver  sa looob. Halos magsisigaw na ako na itigil niya ang sasakyan. Mabuti na lang at napansin din ng driver at mabilis niyang naihinto ang sasakyan. Halos masubsob ang mukha ko sa salamin sa biglaan niyang paghinto. Dinig ko ang malakas na pagsara ng pinto ng nagmamadaling lumabas na driver.

"Who are you? What the fuck are you doing in my car?",sa matigas na Ingles at nanggagalaiti niyang saad na para bang ang laking kasalanan talaga na sumakay ako dito.

"Sorry po. Nagsesenti lang naman ako, di ko akalaing makatulog ako dito", medyo may halong biro ko pang saad. Nagulat pa ako ng makita ng lubusan ang mukha niya. Siya yong kanina,kasama ng mga maiingay na lalaki.

Kumunot naman ang makapal niyang kilay. Tseh kala mo naman ikinagwapo na niya yon. Pero shit, gwapo naman talaga. At besh ang katawan niya, parang ang sarap yakapin at haplusin. Tumigil ka gaga! Ang harot mo talaga.

"Are you drunk?"

Di ko mapigilang suminghap ng sumampa din siya sa likod ng sasakyan.

"Alam mo bang masamang mag-isa lalo nat lasing ka pa", di ko mapigilang mapapikit nang maamoy ko siya. Shit ang bango.

Hindi ko alam paanong nangyari, na namalayan ko na lang na naghahalikan na kaming dalawa. Halos napaungol ako sa sarap humalik ng lalaking ito.

Sa five years kong in-relationship, may mga panahon naman na nagmemake out kami ng boyfriend ko pero hindi ko maalala na nakaramdam ako ng ganito. Halos kandong na niya ako at ramdam na ramdam ko ang matigas na bagay sa gitna ng hita niya.

Naging mapangahas rin ang mga kamay niya sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Shit.. Can we go somewhere private?", saad niya habang hinalikan ang leeg ko.

Ang gagang si ako ay mabilis na tumango at sumama sa kanya. At ako pa talaga ang pumili ng hotel na pupuntahan namin dahil kahit sa kalandian ko nakuha ko pang matakot na makita ng kakilala. Baka makarating pa kina Mommy at Daddy, na ang pinakamamahal nilang bunso ay kumakarengkeng na. Siguradong aatakehin yon sa puso.

Captured by YOUWhere stories live. Discover now