Chapter 2

10 0 0
                                    

Mabuti na lang at may pagka Dora the explorer ako  noon at medyo may alam akong lugar sa San Martin na pwede kong ituro sa kanya. Gusto pa sana niyang gumala kaso tinanggihan ko na at baka hindi gala ang mangyari dahil feel ko talaga naaadict na ata siya sa akin baka saan pa ako dalhin. Hindi ko pa naman maipapangakong matatanggihan ko siya kaya tama na ang one night lang.

"Sigurado kang dito ka lang?"

"Yes Sir, baka kasi magtaka ang parents ko pag nakita ka nila"

"Saan ba diyan bahay niyo?"

"Sa looban pa Sir, sa may eskinita diyan malapit sa tindahan", sabay turo ko sa tindahan mga limang hakbang mula sa binabaan namin.

Mabilis kong inalis ang seatbelt ko para makababa na agad at baka magbago pa isip ng lalaking ito at samahan talaga ako.

Pababa na ako ng bigla niyang hinablot ang kamay ko para sa isang halikan. Shit ang sarap niya talaga. Buti na lang tinted ang sasakyan niya dahil nakuha ko pang patulan ang kamanyakan niya. Nang ramdam kong nagsimula na ang kalikotan ng kamay  niya ay tumigil na ako at mabilis na binuksan ang pintuan.

"Salamat Sir, uuwi na ako"

"Wait ano nga pala name mo?"

Ngayon ko lang narealize na di nga pala namin alam ang pangalan ng isa't isa. Nauna pa ang tukaan kaysa sa tanungan ng pangalan.

"Mary Sir"

"Mary?"

"Mama Mary", natatawa ko pang saad at dali-daling lumabas at maglakad palayo sa sasakyan niya. Kinabahan pa ako na baka habulin niya ako. Nakuha ko pang kausapin ang isang ale na nakatambay sa tindahan para maisip niyang kilala ko nga ang mga tao dito kong sinusundan man niya ako ng tingin.

Tinanong ko lang naman kong kilala niya si Winnie kasi hinahanap niya salawal niya. Di ata niya nagets kaya ngumiti na lang ako.

Pumasok ako sa may eskinita at tumambay dooon ng 20 minutes. Mabuti na lang at di naman gaanong nakakatakot dito at mukhang palakaibigan ang nga tao. Nag-utos ako ng isang bata para tingnan kong nandoon pa ba ang sasakyan na idinescribe ko sa kanya at laking ginhawa ko ng malaman na umalis na.

Tumambay pa ako saglit bago ko naisipang umuwi na sa amin. Halos 30 minutes din ang biyahe papunta sa amin mula sa San Martin.

Mabuti na lang at nasa trabaho na si Daddy at may lakad daw si Mommy ng nakarating ako sa bahay namin. Ang ate ko naman ay nasa duty din kaya matiwasay akong  nakapasok sa kwarto ko.

Ako nga pala si Mary Kate Villagonzalo. Apat kaming magkakapatid at ako ang bunso. Ang papa ko ay isang retired police general na ngayon nag-aasikaso sa asukarera namin. Ayaw sana ng mga kapatid ko na magtrabaho pa siya kaya nga pinagretiro para makapagpahinga pero ayaw paawat. Wala daw siyang gagawin kaya gusto niyang pamahalaan na lang ang asukarera. Ang dalawang kapatid ko ay nasa ibang bansa at may sarili ng pamilya.

Ang ate ko naman na sumunod sa yapak ni Daddy ang kasama namin dito sa bahay. Ako naman ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya bilang head sa marketing department.

Mabilis akong naglinis ng katawan at naghanda sa pagtulog. Saka ko lang naramdaman ang sobrang pagod ng mahiga ako sa malambot kong kama. Di na ako virgin. Magkikita pa kaya kami? Sana naman hindi na. Kakalimutan ko na lang ang nangyari at isiping isa lang iyong magandang panaginip.

Kahit naisip ko man iyon ay hindi iyon nakapagpabagabag kaya nakatulog naman ako ng mahimbing.

Dumaan ang araw at sinubukan kalimutan ang nagyari at magmove on. Suportado naman ako ng mga kaibigan at pinsan kong kaclose ko. Di ko sinabi sa kanila ang nangyari kaya sa isip nila ay kay Blake (pangalan ng taksil kong ex)pa rin ako nagmomove on.

Gala rito, shopping doon sa tuwing off ko o kahit after work. Kumakain kami sa labas at inuman ng kunti.

Mabilis lumipas ang buwan at kasal na ng ate ko. Matagal na siyang engaged sa nobyo niyang pulis din. Ako ang kanyang maid of honor at dahil mabait ako ay todo asikaso ako sa kanya. Sobrang bigat pa ng gown niya. Buti na lang nakaraos naman.

Hindi na gaanong busy sa reception kaya papetiks petiks na lang ako. Nasa isang sikat na hotel resort kami sa Santa Paredes.

Kasalukuyan akong nagpapahinga kasama sina Ate Max at Kuya Landon ng bigla silang nataranta sa pagdating ng isang grupo. Mabilis na tumayo ang kapatid ko dahil mga seniors pala nila ang dumating. At dahil kailangan kong alalayan si Ate Max sa kanyang gown ay sumama ako dahil na rin sa gusto kong makichismis. Hawak-hawak ko pa ang gown niya ng nakalapit kami sa grupo ngunit nang mag-angat ako ng tingin para rin sana batiin ang mga bagong dating ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Bigla akong kinabahan sa klase ng tingin ng lalaking gusto ko ng kalimutan, tila galit at nagbabanta ang tinging ipinukol niya sa akin.Nakaramdam ako ng takot sa kanya. Namumutla yata ako ng matantong pulis pala siya. Naku Mary, simulan mo ng magdasal at katapusan mo na ata.

Mukhang napansin ata ako ng ate ko kaya siniko niya ako  ng may pagtataka. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa lalaking kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong bumulagta na ako dito.

"Good afternoon Sir. Thank you for coming po. Kain po muna kayo.", paanyaya ni Kuya Landon.

"Congratulations by the way Sarmiento"

"Thank you Sir."

"Baby, puntahan mo muna ang catering para maayos ang mga pagkain doon at nang makakain na sila", mahinang utos ng ate sa akin.

"Ha ate naman, pagod na ako."

"Please last na talaga, after this you can rest na.Please."

Mabilis akong umalis at pinuntahan ang catering. Hindi na rin ako bumalik sa grupo na nila sa takot na rin na lapitan niya ako at kausapin. Kung pwede lang tumalon sa pool at hindi na aahon para di na kami magkita ginawa ko na talaga.

Shit naman. Ramdam  na ramdam ko pa naman na sinusundan niya ako ng tingin kaya talaga pinili kong umupo sa pinakamalayong mesa mula sa kanila. Bahala siya. Hindi naman siguro niya ako isusumbong sa ate ko. Mabilis ko pang hinanap ang upuan nila Daddy at Mommy, buti nalang medyo may pagitan pa. Siguro naman di niya maisipang lapitan ang parents ko at ikwento ang mga ginawa ko.

Bakit ba kasi ganyan siya makatingin? Parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Nasarapan din naman siya. Di naman siya mukhang napilitan. Ilang ulit rin naming ginawa yon,kaya bakit sobrang galit niya kung makatingin? Pambihirang buhay to, ang liit talaga ng mundo at nakuha pang pagtagpuin ang landas namin.

Captured by YOUWhere stories live. Discover now