Chapter 3

12 0 0
                                    

"Ate Mary, sabi ni Tita Max tumulong ka daw sa pagbibigay ng envelope sa mga guests para sa first dance nila," saad sa akin ng pamangkin ni Kuya Landon na isa sa mga junior bridesmaids.

"Ha? Pwede ba kayo na lang Gel? Pagod pa kasi ako, sakit pa ng paa ko", palusot ko dahil ayaw ko talagang lumapit doon at baka anong gawin sa akin ng lalaking yon. Baka pahiyain pa ako sa harap ng mag-asawa.

"Eh ate, bilin ni Tita ikaw daw din eh? Tingnan mo oh kanina pa nakatingin sa atin."

Napatayo naman ako ng magtagpo ang tingin namin ni Ate Max. Sobrang sama pa naman ng tingin niya. Ang arte naman, pwede naman iba magbigay bakit kailangan ako pa talaga.

Dahil ayaw kong magalit ang ate ko at parang dragon pa naman yon pag nagagalit lalo na't buntis, baka magiging pangit ang mukha ng pamangkin ko kaya sinunod ko na lang siya.

Pinili ko pa ang malalayong table para talaga di ako makalapit sa table nila, pero sa kasamaang palad sa sobrang bilis kong mamigay ay napalapit na pala ako sa table nila. Nilingon ko pa ang ibang namigay ngunit ang mga bruha ay nakipagkwentuhan pa pala sa mga binibigyan kaya natagalan.

Gusto ko sanang daanan ang table nila pero baka magtaka pa ang mga ito. Kaya wala akong choice kundi lumapit sa kanila. With a bright fake smile, I greeted them. Iniwasan ko talagang mapadako ang tingin sa lalaking sobrang sama ang tingin sa akin. Ewan ko kahit di ko siya tinitingnan, sobrang ramdam ko talaga ang paninitig niya.

"Good afternoon po.Mamimigay lang po ako ng envelopes"

"You're Max sister right?"the old man asked.

"Yes po Sir ."

"Are you single?"

Medyo na awkward pa ako sa tanong niya, dahil sa kaba iba ang nasagot ko sa kanila.

"Engaged na po Sir."

Silang lahat except sa kanya ay natawa sa sagot ko.

"Sayang naman, may pamangkin kasi akong binata irereto ko sana sa iyo. Pulis din yon."

"Huli na po ang lahat Sir."saad ko nang may malaking ngisi. Bahagya kong tiningnan si Mr. Stranger at bahagya akong nagulat ng mapansin ang sobrang titig niya sa akin. Di man lang nahiya baka mapansin siya ng mga kasama niya. Mabilis akong nagpaalam na pupunta na sa ibang table.

Sumali ako sa pag-assist sa emcee sa inihandanng program. Nalibang na rin ako sa mga pakulo ng emcee kaya bahagya kong nakalimutan ang lalaking di ko na pinansin kong nakatitig pa rin sa akin. Bahala siya sa buhay niya.

Hanggang sa dumating sa part ng throwing of boquet. Pinalibotan ang bride ng mga dalaga at kasama pa ako. Sobrang namula ako dahil sa kantsaw at tawa ng mga pinsan.

"Ibigay na lang yan kay Mary para magkalove life na!",natatawang sigaw ng isa sa barkada ko sabay tawanan ng lahat.

Shit. Nasabi ko pa namang engaged na ako.

Napalingon ako sa banda niya at nakita ko ang malademonyo niyang ngisi sa akin. Parang nanindig ata lahat ng balahibo ko sa katawan.

Dahil gusto ni ate na maiba, imbis na ihagis niya ang bouquet ay bumunot kami sa papel na may numero at siya ang pipili ng numero ng makakakuha ng bouquet. Halos tawagin ko lahat ng santo para lang di mabunot ang numero ko. Sumayaw kami habang pinapalibotan siya at sa pagstop ng music, dapat sabay-sabay naming iopen ang papel namin.

"Number 20!", masayang saad ni Ate sa numerong napili niya. Tatawa-tawa pa ako habang binubuksan ang nakatuping papel ngunit agad ding napawi ang ngisi ko ng makita ko ang numerong nakasulat. Tang ina, ako ang nakakuha.

Nang malaman ng lahat na ako ang napili lalo silang nagsigawan at nagtawanan. Napangiti na lang din ako sa mga tudyo at biro nila sa akin. Pinaupo pa ako sa gitna para isunod na ang throwing of garter. Napangiwi pa ako ng makitang hindi ko halos kilala ang mga kasali. Yong mga binata kong pinsan ay hindi na sumali ng makitang ako ang nakabunot. Pati mga kaibigan kong lalaki hindi man lang ako sinuportahan. Imbis na salbahin ako, ay nakuha pang magvideo nga mga baliw habang ianaabangan ang reaction ko sa mapipili.

Di ko mapigilang panlakihan ng mata ng makita, sumali pala sa Mr. Stranger at di man lang nahiya sa unahan pa talaga nakapuwesto.
Kung pagsalo ng garter ang labanan, siguradong siya ang makakuha, sa height pa lang niya kita na ang lamang niya. Marami ang kinilig ng mapansin ang pagsali niya. Agaw pansin nga naman siya sa grupo.

Pati ang baklang emcee ay kinilig. Ito namang si Kuya Landon, iba din ang trip. Imbis na ihagis ang garter, ang makakaabot ng 50 push ups ang mananalo. Napatingin ako sa katawan niya, napaismid ako ng makita ang biceps niya. Sigurado akong siya ang mananalo.

Lalong nagsigawan ang lahat nang magsimula na silang magpush up. Todo cheer ang lahat sa kani-kanilang pambato. Pagkatapos ng ilang minuto ay tatlo na lang silang natira kaya ginawang 100 push ups  ni Kuya Landon.

Ang sarap pa naman niyang tingnan habang nagpupush up. Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin. As expected, siya ang nanalo. Mas lalong nagsigawan ang mga pinsan ko. Halos manginig ako nang makitang papalapit na siya sa akin. May ngisi pang parang may masamang binabalak. Bigla tuloy akong kinabahan sa kanya.

"Excited ka na ba Sir na makita ang legs ni Ma'am Mary?" Tukso ng emcee na akala ko di niya sasagutin.

"I've been waiting for this.", sagot niya sa makalaglag pantyng boses na lalong nagpakilig sa mga tao.

"Oy haba ng hair ni Ma'am"

"Huwag ka nga", saway ko sa emcee sabay tawa.

"Anong name mo Sir?"

"Gabriel Lucas Arjente."

"Pati pangalan,gwapo. Are you single Sir?"

"Yes"

"Oyy si Ma'am Mary din Sir, very single and so ready to mingle.", pabirong saad ng emcee na sinabayan din ng ilan kong kaibigan na nauwi sa tawanan. Sobrang nahiya ako kaya siguradong sobrang pula na nang mukha ko.

Nagulat pa ako ng biglang lumuhod si Gabriel, naalala ko tuloy ang ginawang pagluhod niya nang gabing iyon. Shit. Bakit sobrang dumi ko na mag-isip?Nakita ko pa ang bahagyang pagngisi niya na tila alam ang iniisip ko.

Parang naestatuwa na ako sa kinaupoan ko kaya siya na ang nagtaas ng saya ko para maisuot ang garter. Dahil mahaba ito, hindi na kita ng lahat ang pagtaas niya sa garter kaya ang hinayupak nakuha pang haplosin ang legs ko. Gusto kong magmura sa init na naramdaman.

He smirked at me like a maniac  before he stand up and help me stand dahil may sayawan pa kasama ang newlyweds. Halos maipit ang boobs ko sa higpit ng yakap niya sa akin. Nasa mga bewang ko ang mga kamay niya pagkatapos igiya ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Do you know the song "Animals" of Maroon 5?,mahinang bulong niya na nagpatindig sa lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Baby,I'm preying you tonight, hunt you down and eat you alive.Just like animals." He sang it into my ears which made me shiver more. I looked at him and was terrified of how psychotic his face. Yong mukhang killer na gwapo sa mga suspense na palabas.

"Stop it. Kinakabahan na ako sa iyo."

"You should be. No one ever lied and played with me, Ms. Mama Mary."

"Baliw"

"I am."




Captured by YOUWhere stories live. Discover now