Chapter 4

8 0 0
                                    

After ng sayaw, mabilis akong lumayo sa kanya at sinalubong ang bestfriend kong si Adrian na isa ring pulis.

"Anong nangyari? Bakit parang namumutla ka?

"Huwag ka ng maraming tanong. Just hug me back, please.", pakiusap ko sa kanya dahil sa sobrang kabang naramdaman ko. Nalilito man ay niyakap niya rin ako pabalik.

Si Adrian ay kababata ko at isa sa bestfriend ko since elementary. Palagi pa kaming napagkakamalan na magsyota dahil na rin sa closeness naming dalawa.

Hindi ko rin alam kong bakit hindi kami nagkagusto sa isa't isa. Nagiging kaibigan ko rin ang mga naging girlfriend niya. At ni minsan hindi naman ako pinagselosan. Siguro dahil para rin kaming magkapatid kung magturingan.

Dinala ko siya sa mesa nila Daddy at Mommy. Super close din ang parents namin at minsan na kaming itinudyo sa isa't isa pero pinagtatawanan na lang namin hanggang sa tanggap na at nila na magbestfriends na lang talaga kami ni Adrian.

Nag-enjoy na lang ako kasama ang mga pinsan ko na masayang nagkwentuhan at nag-asaran. Hindi ko na nilingon ang table nila Gabriel dahil para akong aatakehin sa puso sa mga titig niya. Iyong tingin na para may gagawing masama sa iyo.

Almost 9 na nang nagsimulang magsiuwian ang mga bisita. Hindi ko rin napansin kung umalis na ba ang grupo ni Gabriel. Baka umuwi na rin sila.

"Mary, uuwi ka ba sa bahay?", tanong sa akin ni Mommy nang paalis na rin sila. Malapit lang naman dito ang bahay namin nasa 20 minutes na biyahe lang.

"My sobrang antok ko na. Okay lang po magcheck in na lang ako dito. Promise maaga ako bukas para sa salo-salo.", may inihandang after party din kasi sa bahay.

Dahil na rin sa mga nag-uwian naming kamag-anak. Kaya parang may reunion na rin at kasama ang pamilya ni Kuya Landon.

"Umuwi ka na lang, sabay ka sa amin ng Daddy mo."

"Huwag na po My, sa inyo po sasabay si Tita Anjie at Tito Ron, di na po tayo kasya."

"Dito na lang po si Mary My. Pabook ka ng isang room, ako na bahala.", sabat ni Kuya Landon. "Isasabay na lang po namin siya ni Max pauwi bukas."

"Okay, sige. Be good iha", paalala ni Mommy sa akin.

"Yes po!"

Nang makapasok sa room ko ay mabilis akong naligo at nag-ayos para makapagpahinga na. Wala ako sa mood lumabas pa at baka makasalubong ko pa si Gabriel. Hindi ako sigurado kong nakauwi na siya. Baka nakacheck in din sila dito since they're from Manila pa ata. Ten hours drive din iyon pauwi mula dito. Di ko rin alam kung may bahay o kamag-anak ba siya dito. Actually di ko rin alam kung taga saan siya. Narinig ko lang kanina na kaya sila sa reception na nakarating dahil yon nga they're from Manila pa.Si Kuya Landon kasi ay sa Manila naassign. Si Ate Max naman dito lang sa Santa Paredes.

Hanggang ngayon parang naririnig ko pa ang mga pinagsasabi niya. At kinakabahan talaga ako tuwing naiisip ang mga iyon.

I was busy scrolling my socia media accounts and uploading some pictures sa wedding, nang may unregistered number na tumawag. Gusto ko sanang balewalain pero out of curiosity ay sinagot ko na lang.

"Hello, sino to?"

"Nasaan ka?"  Nagulat pa ako sa sagot niya at medyo pamilyar ang boses niya.

"Bakit? Sino ka ba?"

"Where are you? Bakit di ka sumama sa parents mo pauwi."

Shit.Si Gabriel?Sobrang creepy niya. Dahil sa taranta at kaba ay mabilis kong inend ang tawag. Ini-off ko rin ang phone ko sa takot na tawagan niya ako ulit.  Pambihira! Ano ba kasi kailangan niya sa akin?

After 30 minutes, nagulat ako sa biglang pagring ng landline ng hotel. Ayoko sanang sagutin pero wala akong choice dahil tawag ng tawag.

"Good evening Ma'am. This is Ellaine,of the reception.Ma'am your boyfriend is looking for you. Actually kanina pa po siya dito Ma'am, di po daw kayo makontak."

Boyfriend? Fyi wala akong boyfriend dahil nasa piling na ng traydor kong pinsan. Yan sana ang isasagot ko.

"Ah Miss, pwede pakidescribe", siguro nagtaka siya sa sagot ko pero I just want to clarify something.

Nang sinabi niyang gwapo, matangkad at puro positive na descriptions na parang may kasamang kilig pa ay alam ko ng si Gabriel nga ang nandoon. Nababaliw na ata ang lalaking yon. Wrong move ata na nagpaiwan ako ditp sa hotel. Sana pala umuwi na lang ako.

"Miss pakisabi na lang po bukas na kami mag-usap. Sobrang pagod ako sa kasal kanina. Thank you", then I hung up. Bahala na siya mamroblema sa lalaking iyon. Kaya na niya iyon.

Dala ng sobrang pagod ay mabilis akong nakatulog. Di na ako nag-alala na pasukin niya ako sa kuwarto ko. Hindi naman siya kung sinp na basta-basta makakapasok sa mga rooms. May mga protocols ang mga hotel kaya confident ako na di niya ako magagambala.

Sobrang late na ng magising ako. Masarap pa sanang matulog pero nangako ako kina Mommy na uuwi ng maaga para sa after party na gaganapin sa bahay.

I turned on my phone and was bombarded with lots of messages. Nakita ko marami sa mga iyon ay kay Gabriel. I deleted his messages without bothering to read them. Bahala siya, ano ba kasing habol niya sa akin. Sobrang sarap ko na ba na gusto niya ata akong matikman ulit. Oh tukso layuan mo ako.

I called my sister dahil sa sobrang dami rin ng text niya sigurado akong galit na ito sa akin. After few rings, ay sinagot niya naman kaagad.

"Hello Ate Max. How's the honeymoon?"

"Hello mo mukha mo. Nasaan ka? What did you do last night?" parang nanggagalaiting niyang tanong. Binitin ata siya ni Kuya kaya ang sama ng gising.

"Chill ka lang Ate Max. Nasa room lang ako buong gabi. I turned my phone dahil maaga akong natulog dahil sa sobrang pagpd." Explain ko sa kanya dahil parang sobrang galit ata siya na di ako makontak.

"My God Mary. Do you know what trouble ypu made last night? What's with you and Sir Ardiente?"

Lagot. Gabriel na naman. Ano naman kaya ang nagawa ko? Sinumbong ba niya ako. Shit.

"I don't know him Ate. Bakit daw?"

"Hoy babae, tumawag siya sa kuya mo kagabi. Nasaan ka daw. Huwag ka ng magsinungaling. Knowing Sir Arjente di yon magjojoke. Ano namang kalokohan tong pinasok mo this time?"

"Ewan ko sa kanya. I reay don't know him. Bye na, magreready na ako pauwi."

"Hay naku Mary. Mag-ingat ka talaga diyan sa mga kalokohan mo. Di ba sabi ko sa iyo , huwag sa pulis. Alam mo naman reputasyon niya. Sige ingat ka pauwi, nauna na kami dahil akala namin nakauwi ka na."

"Okay po."

Sus si Ate. Huwag daw sa mga pulis pero sa pulis din naman bumagsak.


Captured by YOUWhere stories live. Discover now