Chapter 15

274 2 0
                                    

Chapter 15: Afraid

A loud noise wakes me up from sleeping. Napatingin ako sa paligid, madilim pa. Agad na ginapang ko ang aking kamay sa may side table para kunin ang cellphone. Ala una pa lamang ng madaling araw.

Dahan dahan akong tumayo para palakasan ang electric fan. Pabalik na sana ako sa kama nang may narinig akong nag-uusap sa labas. Pumunta ako sa may pintuan at kaunti iyong binuksan para sumilip. Nakita ko sina Wayne at Emarson na nag-uusap.

"Magagalit si dad Wayne, napagbigyan ka na niya noon." It was a worried words from Emarson.

Eavesdropping is not my thing but I badly want to hear what they're talking about. Walang plano si Emarson na sabihin sa akin ang nangyayari kaya ako na ang gagawa ng paraan para kahit papaano ay hindi ako maging timang sa sitwasyon.

"I will talk to tito kuya, ako na ang bahala. I can handle this" mariing sabi ni Wayne

Hinampas ni Emarson ang lamesa kaya nagulat ako, napahigpit ang kapit ko sa doorknob. Hindi ko alam kung ano nalang ang gagawin ko kapag nakita nila ako dito na nakikinig sa pribadong usapan nila.

"You don't understand Wayne. Isang pabor lang ang ibinigay ni dad, hindi pwedeng hihingi ka na naman ng isa" tumaas bahagya ang boses ni Emarson.

Ngayon ko napagtantomg hindi lang sila nag-uusap, nagtatalo sila. Nakita kong napasabunot sa buhok si Wayne. Dala ng ilaw ay naaninag ko ang kanyang mukha. There were tears in his eyes, umiiyak siya.

This is my first time seeing him in that situation, hindi ko mapigilan ang mata ko sa pagbuo ng luha nito. If a woman to woman fight was tense, then a man to man fight was quite tearful. 

Dala ng pagkabuo ng luha ko ay dahan dahan nang naubos ang lakas ko dahilan para mapitik ko ang doorknob na hinawakan. Gumawa iyon ng ingay na kumuha ng atensyon sa dalawa.

Dahil sa kaba ay agad akong bumalik sa kama at humiga. Pinahid ko ang mga luhang nagsilabasan at ipinikit ang aking mata.

I really don't think they would trust me again if they caught me spying. I'm not actually spying, hindi ko naman sinasadyang magising ng gantong oras.

Narinig kong bumukas ang pintuan, pinikit ko ang mata ko at nagpanggap na natutulog. Papalapit ng papalapit ang mga yapak na narinig ko. Wala pamang ilang minuto ay namalayan kong may umupo sa kama ko. Naramdaman kong hinahaplos ang aking pisngi.

"Trust me with this babe, I will save both of us."

No, we will save each other babe.

Nagising ako sa sinag ng araw na direktang nakatutok sa mata ko. Bumangon ako at nag inat ng katawan. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas. Pagdating ko sa kusina ay wala akong nadatnan, wala ring pagkain na nakasaing.

Pumunta akong sala pero wala sila, wala din sila sa kani kanilang mga kwarto. Did something happened after last night?

Napagpasyahan kong lumabas dahil baka nandoon sila sa office pero si Wayne lang ang naabutan ko doon. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair habang nagtitipa sa kanyang laptop.

"Nasaan si Emarson?"

Seryoso lang ang mukha ni Wayne sa pagtitipa.

"Meeting" tipid na sagot nito.

Tumango ako. Lumapit ako sa kanya para tingnan ang kanyang ginagawa. Parang gumagawa siya ng magazine dahil may mga litrato at may mga information ito.

"Para saan 'yan?" tanong ko ulit

"Business"

Tumango tango lang ako.

"Kumain kana?" I asked, hoping he would at least look straight towards my face.

Under the same skyWhere stories live. Discover now