Chapter 17

267 1 0
                                    

Chapter 17: Bothered

"Anong sinabi ni kuya?"

Wayne asked as he wipe every single tears escaping from his eyes. He was sitting in the dining table while I'm busy cooking for our dinner.

Hindi naman siya gaanong umiyak pero nakikita ko parin ang bakas ng kanyang pag-iyak. Pangalawang pagkakataon ko na siyang nakitang umiiyak.

I cleared my throat. "About sa gusto ng daddy niya na pabalikin ka ng US"

Nakatalikod lang ako habang sinasabi iyon, hindi ko kasi ito masabi sa kanya ng harap-harapan. I feel like spilling every single words while staring directly at him would only stab me little by little.

"Papayag ka'ba do'n Jean?" I can hear how he slowly said those.

Nagkibit balikat lang ako. "That's for your future, why not?"

Namuo ang luha sa mata ko. My vision went blurry kaya halos hindi ko mahalo ng mabuti ang niluluto ko. Hindi ko naman siya narinig na nagsalita pa.

Agad kong pinahid ang luha sa mata ko nang marinig ang mga yapak patungo sa akin. Naramdaman kong may humawak sa aking bewang mula sa likod. Ipinatong niya naman ang kanyang mukha sa may balikat ko.

"Mamimiss kita Jean, ako ba mamimiss mo kaya ako?"

Halos matawa ako sa sinabi niya. Hindi ko inakalang sa gitna ng sitwasyong ito ay magagawa pa niyang magbiro. But if I were to answer him, I would honestly miss him. Who wouldn't be missing this kind of man?

He is a walking gorgeous greenflag! Utang ko nga sa kanya ang buhay ko. Kung ano man ang meron ako ngayon, ay mula iyon sa kanya. I guess even stranger would miss this gorgeous guy.

Bahagya ko siyang tinulak dahil naiinitan na ako. Kanina pa kasi ako nakaharap sa may stove kaya medyo mainit na ang mukha ko.

"Sira! Hindi naman kita boyfriend"

Tiningnan ko siya, nakakunot ang kanyang noong nakatitig sa akin. "Kahit naman walang tayo, alam kong mamimiss mo ako- wait, did you just cry? I mean again?"

Umiling ako saka ulit tumalikod. Pinahid ko ang mga luhang kakatulo lang. "Umiyak lang naman ako dahil wala na akong mabibiro sa mga susunod na araw"

I don't think letting out my feelings in a joke way is a good idea, I'm not freaking good at this!

"Alam ko namang mamimiss mo talaga ako Jean, but please don't be that emotional, baka mahalikan kita" he said while rubbing my back.

"Gago ka talaga Wayne eh, that's not even funny!" reklamo ko.

Tumawa siya. "Fine, sorry joke lang eh"

Bahagya ko siyang tinulak palayo. "Luto na yung ulam, tawagin mo na si Emarson at ng makakain na tayo."

"Sa'n ba 'yun?"

"Umalis siya kanina, hanapin mo"

"Sige baka nagpahangin lang siya sa labas"

Hindi na ako sumagot pa at hinayaan nalang siya na umalis. Hinanda ko nalang ang pagkain sa lamesa saka kinuha ang cellphone ko sa kwarto habang hinihintay sila.

My notifications were full of missed call from Audrey. Hindi ko kasi ito narinig dahil nakacharge lang ang phone ko sa kwarto. Tinawagan ko siya pabalik pero hindi naman sumasagot.

Maya maya pa ay nag vibrate ang cellphone ko, akala ko ay message iyon mula kay Audrey pero hindi. It was a text message from a anonymous number.

I viewed it.

Under the same skyWhere stories live. Discover now