Kabanata 5

149 6 0
                                    


Bagot na bagot akong nagpahinga sa opisina ng mga pinsan ko. Wala akong ibang ginawa kung hindi humilata sa sofa.

Geoven:
I already told you.

Me:
Seryoso ka? Nakikipaghiwalay ka dahil lang dito?!

Napabalikwas ako ng bangon, tumayo at hindi mapakali. Akala ko nagbibiro lang siya! Ano iyon? kailangan lagi kaming magkasama para matawag na kami?

Geoven:
Hindi ba noong naging tayo ay magkasama naman tayo? Hindi ko gusto ang mawalay sayo, at dahil iyan ang desisyon mo sana respetuhin mo rin ang desisyon ko!

Maririin ang bawat tipa ko sa aking selfon tila katapusan na ng mundo.

Me:
This is ridiculous. Ilang ulit ko bang sabihin sayo?! Hindi ko desisyon ito!

Bumukas ang pintuan ng private room sa loob ng opisina ng pinsan ko. Nag-angat ako tingin bago binalik sa selfon.

"Oh, anong itsura iyan? Mukhang hindi maipinta!" Si Stephie ang nagbukas ng pinto kanina.

Sumalampak siya sa sofa, nagsimula naman akong maglakad-lakad. Hindi mapakali at atat na atat sa reply ni Geoven.

Baliw ba siya?! I am trying to fix our problem tapos ganito ang isusukli niya!

Geoven:
Desisyon mo man o hindi, the fact na umalis at nag-alsa balutan ka ay parang tinapos mo na rin! Ang sabi ko, hiwalay na tayo bago ka pa man din umalis. Saka lang tayo magbalikan kapag nandito kana ulit!

Sumakit lalo ang ulo ko kakaintindi sa kanyang reply. Hindi ako makahanap ng irereply sa kanya.

Noong sinabi ko pa lang sa kanya na pinapabalik ako ng parents ko rito ay tutol na tutol siya. Hindi niya ako kinausap nang isang linggo at noong araw pagkatapos ng isang raket na pinuntahan ko ay nakipaghiwalay na siya. Sobra akong nasaktan noon, iniisip ko na maiintindihan niya ako pero hindi. Kaya naglasing ako, pagod na pagod na akong patunayan ang sarili sa pamilya at dumagdag lamang siya sa sakit na nararamdaman ko. Naintindihan ko naman siya na gusto niya lagi kaming magkasama pero wala ba siyang tiwala sa akin? hindi ba pwedeng magkahiwalay muna kami ng lugar? mahirap ba ang long distance relationship para tutol na tutol siya.

Dapat ka bang pagkatiwalaan? Bumigay ka nga sa taong hindi mo kilala.

"Umupo ka nga, mahihilo lalo ako sayo!" Bulyaw sa akin ni Stephie.

Maririin pa rin ang hawak ko sa aking selfon, hindi pa rin nakahanap ng tamang salita para isagot sa mensahe ni Geoven.

"Ganito ba talaga? Hindi kayang sumugal sa isang long distance relationship?!." Hiyaw ko dahil hindi pa rin nakaisip ng pupwedeng sabihin.

"Nako, kaya ako, wala akong boyfriend kasi sakit sa ulo." Sagor niya. I glanced at her.

Siya ang pinakamagandang lahi ng Monteverde, pinaghalo ang katangian niya. Both of her parents are half Chinese and Filipino.

"Anong nangyari sa manliligaw mo? Halos limang taon din iyon?!." Hindi makapaniwala kong tanong.

"Feelings fade, hindi na ako nahintay at nanligaw na ng iba."matabang nitong sagot.

"Kaya hindi mo ako dapat tanungin sa mga ganyan, si Luis ang perpektong taong makakasagot niyan." She said.

Ngumuso ako at ipinagkibit-balikat na lamang ang problema. Hindi ko tatanungin si Luis dahil aasarin lang ako no'n!

A Night To Remember  (COMPLETED)Where stories live. Discover now