Kabanata 11

103 4 0
                                    

Alas diez na nang makarting ako sa building. Pinarada ko ang Sedan ni Tita Ellaine malapit sa elevator ng basement. Hindi na ako nagmadali dahil kahit anong gawin ko ay talagang late na ako. Papalapit na ako sa elevator nang sitahin ako ng isang guwardiya.


"Ma'am, restricted po iyan." Anito, tuluyan nang nakalapit ang guwardiya. Tinuro ko ang ilan pang elevator pero parehas lang ang sinabi ng guwardiya.




" Hindi naman po yata sira, guard?" taka kong tanong dahil wala namang nakalagay na restricted, ano under maintenance.




" Naku ma'am, may pagkakataon po talaga na hindi pinapaggamit ang basement, lalo na ngayon na halos lahat ng big bosses ay nasa building." Lito akong liminga sa paligid, nakita kong pare-parehas ang mga sasakyan na naroon.



"Saan po ba kayo? hatid ko na kayo sa main entrance" tinuro niya ang isang pasilyo na sa tingin ko ay para sa mga utility. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at lalo lang ako natatagalan sa sitwasyon ko ngayon kaya sinagot ko na ang guwardiya habang naglalakad kami palapit sa elevator na tinutukoy nya.



"Bagong sekretarya po ako ni Mr. De Vera" sagot ko, napahinto ang guwardiya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. KInunutan ko siya ng noo dahil sa inasal niya.




"Naku, akala ko po ay admin kayo. Ngayon lang po may na-late na sekretarya at babae pa." Nagpatuloy ulit siya maglakad kaya ganoon din ang ginawa ko.





"Tsaka hindi po ba kayo sinita ng guwardiya sa entrance ng basement?" I felt guilty when he ask that question. I didn't wait for the guard to say something, nagdire-diretso lang ako.




" Lagot, hindi ko po kasi alam. Pakiramdam ko hindi ako tatagal sa trabaho kung ganito palagi akong nahuhuli sa trabaho, ang traffic pa." Sagot ko, alam ng guwardiya kung saang floor ako kaya siya na ang pumindot ng button.








" Good luck na lang po," pinigilan ng guwardiya na matawa sa sariling sinabi. Humugot ako ng malalim na hininga at hinanda ang sarili. Nagpasalamat ako sa guwardiya nang nasa tamang palapag na. Paglabas ko pa lang ng elevator ay sinalubong na ako ng lamig sa hallway, inayos ko ang blazer na suot at ang cellphone ko ay ibinulsa ko na rin bago nag-angat ng tingin. Tuloy-tuloy ang lakad ko at bumagal lang nang nakita ko ang mga taong sa hallway. Matikas ang tindig at hindi man lang lumingon sa gawi ko.









Tumuwid ako ng tao at taas noong nilakad ang distansya ko sa mga lalaking nakahilera sa labas ng opisina ni Mr. De Vera. Huminto ako sa opisina kung saan ako mamalagi, ang mga nakahilerang lalaki ay hindi pa rin ako nililingon kahit na para akong tanga sa harap ng opisina at nanghuhula na lang ng passcode. My bag isn't with me and the access card Mr. Dela Cruz gave me was in it, and without that thing I can't get inside. Sumuko ako nang sa huli ay hindi ko pa rin nahula ang passcode, lumayo ako kaunti at sumandal sa pader, kahilera ko na ngayon ang mga lalaki na sa tingin ko ay dalawang metro ang layo sa akin. Nilabas ko ang cellphone ako at sampung beses na inisip ang gagawin. 




Me:
Hello, Sir. I am really sorry. Nasa tapat na po ako ng opisina pero hindi po ako makapasok... 




Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa sariling cellphone, nag-aabang ng reply ni Mr. De Vera. 



" Miss Monteverde?" nag-angat ako ng tingin nang marinig ang tawag na iyon. Naglapat ang tingin namin ng isang babae, na sa tingin ko ay nasa 40's. 






" Yes po, ako po iyon."
Sagot ko naman at nahihiyang tumungo nang kaunti bago ko siya hinarap. Nakita ko ang pagsulyap ng isang lalaki sa gawi namin at kaagad naman din umiwas. 





" Sumunod po kayo sa akin, Miss." Anito at hindi na ako hinintay pang makapagsalita. Sa gulat ko ay muntikan pa akong maiwan ng babae kaya nagmadali ako sa paglalakad. Inisa-isa ko ang mga nakahilera at isa lang ang masasabi ko. Para silang mga matitigas na pader, napakagandang pader. 






Sinarado ko ang pintuan dahil ako ang huling pumasok, dahan-dahan iyon at maingat. Bukod doon ay nagtagal din ang tingin ko sa isang lalaki, parang nakita ko siya noon pero hindi ko alam kung saan. 





"  I don't think it's profitable, not mentioning the areas that we are considering." Napatikom ako ng bibig, iniwasan kong mapanganga sa nakita. Hiyang-hiya ako sa kinatatayuan ko dahil halos lahat ng nakaupo ay bumaling sa akin. Naalala ko ang sinabi ng guwardiya na narito ang mga boses kaya awtomatiko akong tumungo at nagbigay ng galang. 





"Good morni----" nabitin sa ere ang bati ko nang pinutol iyon ng nagsasalita sa harapan. Napalunok ako, hindi dahil sa hiya kung hindi dahil sa mga mata niyang galit na galit. 





Nasa kanya na ngayon ang lahat ng atensyon, nagsimula siyang magsalita at maya't maya naman ang mga tanong na nanggaling sa mga nakaupo. Isa sa mga nakaupo ang tumayo at nagsalita, si Mr. De Vera naman ay kunot ang noo at parang kalaban ang turing sa sariling cellphone sa tindi nitong tumitig. Bago siya sumagot sa nagtanong ay tinapunan niya muli ako ng tingin. Naramdaman ko naman ang pagtunog ng cellphone ko kaya tiningnan ko iyon. Umawang ang tikom kong bibig sa text na nabasa. 





Mr. De Vera:
What the hell are you standing there? Find a seat and do your job.








Naghanap kaagad ako ng bakanteng upuan, ang tanging bakante ay ang upuan sa tabi niya. Luminga-linga pa ako sa paligid, umaasang may ibang upuan. Pinigilan kong huminga nang dahan-dahang lumalakad palapit sa bakanteng upuan, nakakahiya dahil nagmumukha akong tanga habang matipid ang kilos. Hinila ko ang upuan at sa sobrang ingat ko ay nakalikha pa rin ako ng ingay dahil sa paghila ko. Kaagad naman akong humingi ng dispensa at nang inangat ko muli ang tingin ko ay dumapo ito sa pares ng mata na kilala ko. 







A Night To Remember  (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora