23 - Mall

839 39 12
                                    

Kira's POV


"Ang BABAE ay para lamang sa LALAKI. At ang LALAKI ay para lamang din sa BABAE. Masama ang umibig sa kapwa natin kasarian! H'wag na natin dagdagan pa ang kasalanan sa mundo! Mga kapatid may panahon pa para magbago!" Bungad ng lalaki sa harap ng mall.


Awit! Namasyal lang ako, naging makasalanan pa.



Nagyaya kase si Sam na mamasyal dahil ice-celebrate daw namin ang birthday ko at napagpasyahan niyang sa mall na lang nila kaya andito kami ngayon para mamasyal kaso mukhang mapapaaway ata kami dahil para nang manglalapa ang mukha ni Sam ngayon.



"Sang-ayon ka ba ron, binibini?" Tanong ng lalaki at nakatingin sa gawi ko at tsaka ako tinuro. Luh!



Napatingin naman ako sa hawak nyang karatula na may nakalagay na 'TAGA-PUKSA NG MGA BAKLA AT TIBO'.




"I'm sorry, I'm listening to 'ako'y bading' by: me." Nakangiwing sabi ko at tumingin naman sya sa akin ng dismayado kaya napunta ang tingin nya kay Sam.



"Bading din ako." Walang ganang sabi ni Sam sa lalaki at napunta naman ang atensyon nya kay Danica.


"Ah! Undecided pa po ako." Pakamot kamot na sabi ni Danica.



"Hey! Bading ka rin, ako nagsabi kaya bading ka." Sabi ko nang mahina at saktong sya lang ang nakakarinig.



"Ay! Bading na rin po pala ako." Nakangiting sabi nya at nag thums up pa ang boang.



"Hindi ba kayo takot sa Diyos, dahil sa ginagawa ninyo?! Kasalanan ang umib-"



"Sino ka ba para diktahan kami kung sino ang mamahalin namin o hindi?!" Nagulat ako nang bigla na lang sumigaw si Sam at pinutol ang sinabi ng lalaki.




"Bakit?! Sinabi ba ng Diyos sa'yo na bawal bading, bakla at tomboy sa mundo?!" Nanggagalaiting sigaw ni Sam. Hinayaan ko na lang sya dahil ayaw magpa-awat nyan lalo na kapag galit sya.



Well, sang-ayon din naman ako sa kanya kaya 'di ko na sya pinigilan at isa pa ayokong masapak no!



"Tama! Tama! Tama!" Panggagatong ni Danica at binubulungan nya pa si Sam nang kung ano-ano. Siraulo.


"At tsaka kuya, kung kayo may motto, kami rin no!" Sabi ni Sam at siniko kaming dalawa ni Danica kaya pumwesto na kami at pinagitnaan namin sya.



"Ang MAGANDA ay para lamang sa MAGANDA. At ang POGI ay para lamang din sa POGI!" Sabay na sigaw naming tatlo at yung ibang tao namang nakikinood ay pumalakpak ng mahina.




"Hindi ba kayo nandidiri sa pinanggagawa ninyo ha?! Hindi ba kayo nahihiya?!" Ganting sigaw ng lalaki at ibinaba ang karatula.



"Bakit kami mahihiya?! Anong dapat naming ikahiya?! Ang umibig sa kapwa namin babae at lalaki?! Wala naman kaming naaapakang tao kaya bakit kami mahihiya?! Palibhasa kase kayong mga bulok ang mindset ang kikitid ng utak nyo." Sigaw ni Danica.



Wala sa sariling pumalakpak ako at hindi makapaniwalang tinignan si Danica. Woah!



"Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon! Nakukuha nang sagot-sagotin ang mas nakakatanda sa kanila. Hindi ba kayo tinuruan ng mga magulang nyo rumespeto?! Dinaig pa kayo ng anak kong lalaki dahil kahit bata pa lang ay marunong ng gumalang." Pagsisingit naman ng isang babae sa likod ng lalaki, mukhang kasamahan ata 'to ng lalaki.



"Sorry po wala na akong magulang." Nakayukong sabi ko at umatras ng kaunti at tinulak si Danica sa harap. Total kaseng toxic naman ng Mama nya yung babae.



My Runaway Love [gxg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon