Chapter 1

1.8K 27 3
                                    

#LGS1SetUp #LGS1chapter1 #LaGrilla1

Warning: 🚫
Manipulation

***

NAGKALAT ang mga papel sa desk. Nagmamadaling sinamsam at sinuksok ni Leo ang mga ito sa nararapat na folder para sa mga ito na nagkalat din sa mesa. Pagkatuktok sa mga folder na hawak sa ibabaw ng mesa, nakarinig siya ng malakas na katok sa pinto.

His downturned, ebony eyes shot a glare at the door. His flat, thin eyebrows slightly furrowed. Sinabihan na kasi niya kanina ang katulong na gusto niyang mapag-isa; iyong walang iistorbo sa kaniya dahil marami pa siyang mga kasong pag-aaralan.

Dinedma ni Leo ang mga katok. Maybe, Yaya Lumeng would get a hint that he still didn’t want to be interrupted from what he was doing. Posible kasing nakalimot ito sa habilin niya. Matanda na rin kasi ang katulong kaya sanay na siya tuwing nakalilimot ito. He didn’t have the heart to fire the old  maid too, so he was being patient with her small mistakes.

Leo resumed what he was doing. May hahanapin pa siyang file dahil wala iyon sa mga folder na nagkalat sa desk . . .

Kumatok na naman ang katulong.

‘Hay.’ Leo left the folders on one side of the sole desk in his office room and marched straight to the door. He tried to stay calm. ‘Baka naman dinalhan ka lang ni Yaya Lumeng ng kape, Leo.’

Pagkabukas ng pinto, bumungad si Yaya Lumeng, ang matandang katulong na nasa sitenta anyos na. Alon-alon ang puting buhok nitong sumasayad sa mga balikat. Malapad ang katawan nito na komportable sa suot na maluwag na maid uniform na puting pants at puting round neck shirt na may maikling mga manggas.

“Sir Leo,” nagsimula na itong magpaliwanag, “sinabi ko naman po na ayaw n’yo muna maistorbo sa trabaho pero—”

Sa totoo lang, hindi na kailangan ni Leo ng paliwanag mula sa katulong. Nakita na niya kasi sa likuran nito ang dahilan ng pag-abala nito sa kaniya—isang bisita.

Kilala ni Leo ang ugali ng kaniyang bisita. Wala itong pakialam sa priorities ng ibang tao. She’s the type of person who puts so much importance on herself, on nothing but her own wants and needs, which made him consider her to be insensitive toward other people; a very self-entitled person.

Maputi ang babae. Maarteng nakahalang ang isang braso sa ilalim ng dibdib nito habang nakapatong dito ang siko ng kabilang braso na pinagmulan ng nakaangat nitong kamay na nagsilbing patungan ng baba nito.

His guest was Melissa Milano.

The woman didn’t seem to age that much. She looked glamorous at 57—as she should after spending thousands of pesos on beauty products, skin care, and cosmetic sessions just to maintain a youthful glow. Nakasuot ang ginang ng puting button-down blouse at puting pencil skirt. Both clothings tightly hugged her body, accentuating her slender shape. May nakapulupot na puting kuwintas ng perlas sa leeg nito at maging ang mga hikaw sa magkabila nitong tainga ay gawa sa perlas. Her short black hair hung over her shoulders in loose curls.

Tumaas ang sulok ng mapupula nitong mga labi. Judging by his stunned silence, she instantly knew she will be accommodated. “Let me in.”

Dahil nagsalita ito, tumabi na si Yaya Lumeng para bigyan ito ng daan.

Leo seemed composed, but deep inside, he cowered in her presence. The mere sight of her already made him feel clutched tightly around the throat like a snake’s body coiled around the body of a helpless rabbit.

Humakbang si Leo para bigyang-daan ang babae. “Please, come in.”

Pagkapasok ng babae sa office room, tinanguan ni Leo si Yaya Lumeng, hudyat na puwede na itong umalis. Ngunit katulad ng nakaugalian nito, hindi umalis ang matandang katulong hangga’t hindi nakasisiguro na hindi na ito kailangan.

La Grilla #1: Come HereWhere stories live. Discover now