23

12K 283 2
                                    

"Is it true na mag asawa kayo ni Mr. Grauder?" Tanong ni Cixan gamit ang mababang tono, kunot noo naman akong napatingin sakanya at nagtataka siyang binalingan. Hindi ako nagtataka sa tanong niya dahil nandoon naman ako ng sabihin yun ni Devin Chase, ang pinagtataka ko ay ang bigla niyang pagtatanong sa akin.

"Hindi," Naiilang kong sagot sabay iwas ng tingin, hindi ako sanay makipag usap sakanya lalo na at ngayon kolang naman siya nakasama, accident lang ang pagkikita namin kaya medyo nahihirapan pa talaga akong makisama at makisabay sa mga tanong niya.

He groaned. "You feel awkward, hmm?" Anito at maliit akong nginitian, pakiramdam ko naman nag froze ako sa pwesto ko habang nakatingin sa mata niya, para kasing ang daming sinasabi ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi mo maikakaila sakanya ang saya.... nakakatuwa siyang tignan sa totoo lang.

"Pasensya na," mababang sambit ko at bahagyang niyuko ang ulo ko. "Hindi kasi ako malapit sa mga tao kaya....kaya hindi kita maharap ng maayos." Totoong pagdadahilan ko habang naiilang parin na nakatingin sakaniya. Kusang nanlaki ang mga mata ko ng marahan niyang ilagay ang palad niya sa ulo ko at marahang ginulo ang nakaayos kong buhok.

Tumawa siya na animo'y close kaming dalawa. "Para kang bata umasta...kung ganiyan ka hindi ka makaka survive sa College." Mahihimigan ang kaniyang pagbibiro habang sinasabi ang mga bagay na'yun.

"Hindi naman sa para akong bata umasta! Hindi lang talaga ako sanay kaya sorry!" Angil ko sakanya at pasimpleng tinanggal ang kamay neto sa ulo ko, feeling close ang lalaking 'to, mas lalo tuloy akong naiilang sakanya.


"I know that you already know my name...but you, auhh, I forgot about yours."  Tumawa siya at nahihiyang nakamot ang kaniyang batok.

"If you don't mind, can I have your name?" Marahan naman ang naging pagtango ko sakanya bago marahang tinaas ang ID na suot ko, siya na kumuha no'n sakin at muli nanamang ngumiti bago ako tinawag sa pangalan ko.


"Armelle Royce Medilla" He said while flashing his innocent smile. "Too long." He continues and looks at my face, I feel awkward while forcing myself not to meet his gaze.

"AR," anito dahilan para nagtataka akong mapatingin sakanya, ngayon palang may tumawag ng ganon sakin kaya sobra akong nagtataka sa mga inaasta at sinasabi niya. Hindi niya ba kilala kung sino ako? Tsh, ako lang naman yung babaeng kumalat sa mundo ng pagnanasa kaya nakakapagtaka talagang hindi ko manlang siya kakitaan ng pagkadismaya.

"You don't like it? It's okay if you're not comfortable about it...I will respect your decision—"

"Hindi! Hindi sa ganon.... sobra lang kasi akong nagtataka sa mga inaasta mo, sa mga sinasabi mo....ikaw lang ang nagagawa akong tignan ng walang pag-aalinlangan." Pahina ng pahina kong sambit sabay yuko ng ulo ko hanggang sa wala na siyang marinig.

"Huh? Pardon, AR, but can you please repeat what you've said? I didn't hear it clearly, eh." He looked at me closely.

"Ahh, wala, sabi ko ikaw na ang bahala kung anong itatawag mo sakin," Pagbabalewala ko sa usapan at matamis siyang nginitian.


Ngumisi siya. "Sige, baby." Aniya dahilan para muling kumunot ang noo ko, malinaw ang narinig ko sakanya.


"Hey, I'm just kidding! Stop giving me that look, haha." He chuckle.

"Sabi mo kasi itawag ko sayo lahat ng gusto kong itawag kaya ayun, natawag tuloy kitang baby but wala namang malice yon." He said then do a flip on my forehead, nagulat ako sa ginawa niyang yon but instead of minding it tinutok ko nalang ang buong atensyon ko sa ginagawa kong pagsusulat. Sa totoo lang hindi ko siya maintindihan, is he doing this because he needs something or is he just that type of playboy who wants me because I'm new in their eyes? Prejudice, I'll go along with no malice, maybe it is just his purpose so why am I bothered by unreliable settings of me about his personality. Baka mamaya gusto niya lang palang makipagkaibigan, hinusgahan kopa.

FMHBWhere stories live. Discover now