33

9.5K 298 20
                                    

"Devin Chase, you love pussy, right?" Nakanguso kong tanong sakaniya at inakmang aabutin ang kaniyang kamay pero agad na siyang umiwas. Matalim niya akong tinignan at basta nalang naglakad bago siya pabalang na nahiga sa kama niya.

"I love pussy, but not that one." Bulong niya habang matalim na nakatingin sa pusang hawak ko, ano bang kaso sakan'ya kung nasa akin ang pusang ito? Napaka cute kaya ng persian cat na'to.

"Wala namang masamang ginagawa sayo si Amber. Inosente siya kaya huwag mo siyang idamay sa inis mo, at isa pa ayaw moba siyang maging ana—"

"I don't know if I can accept that pussy of yours. I am not her father, so, stay away." anito. "Give her back to her real father, kung gusto mo pati ikaw ay doon nadin tumira." Malamig niyang sambit sabay talakbong ng unan sakaniyang mukha.

"Create one happy family with your Cixan, tss." Pabalang niyang sagot dahilan para agad mapamaang ang labi ko. Marahan ko munang binaba si Amber bago ako naglakad papunta kay Devin Chase at naupo sa tabi nito.

"Napaka malisyoso at seloso mo.."

Mababaw kong diin sakaniyang tainga bago siya inirapan matapos non ay tumayo na ako at iniwan siya.

{Past 9:30 in the morning}

"Armelle gusto kadaw makausap ni Cixan." Agad akong napatingin kay Amara matapos kong marinig ang sinabi niya, mababa lang ang kaniyang tono sapat na para marinig ko.

"Nasaan siya, Amara?" Nagtatakang tanong ko dito dahilan para agad siyang mapanguso at marahang tinuro ang kinaroroonan ni Cixan, maliit nalang akong napangiti bago nagpaalam sakan'ya at nilakad ang pwestong kinatatayuan nito.

"Cixan gusto modaw akong makausap?" Tanong ko dito at maliit siyang nginitian, alangan naman siyang tumango at akmang hahawakan ako pero agad ding nahinto sa ere ang kamay niya at nahihiya nalang ngumiti sa akin.

"Medyo matagal na simula ng mag-usap tayong dalawa. Pwede ba kitang makausap ng tayong dalawa lang kahit sa maikling oras?" Mahinahon niyang tanong sa akin dahilan para sunod sunod akong mapatango. Nauna na siyang maglakad sa'kin samantalang naka-sunod lang naman ako sakanya. Nakarating kaming dalawa sa labasan kaya naman agad akong pumunta sa isa mga benches at agad na naupo dito, ganon din ang ginawa niya pero pinanatili niya ang distansiya sa aming dalawa.

"I just want to say sorry for everything that happened." Panimula niya at sinalubong ang aking mga mata, puno ng sinseridad ang kaniyang boses at nababasa kodin ang kakaibang emosyon matapos kong marinig iyon mula sakanya.

"I won't tell you that I didn't mean everything I said that night, I mean everything about it, AR. I really like you." Pagpapatuloy niya sakanyang sinasabi dahilan para agad kong makagat ang pang ibabang labi ko at puno ng guilt na nag iwas ng tingin sakaniya.

"I won't ask you to like or love me back but I talked to you because I want to say this." Napatingin ako sa kamay niya ng maramdaman ko iyong pumatong sa balikat ko. "Please, let me be your friend, let remain our friendship. Kahit iyon lang, Armelle."

Napamaang ako matapos kong makita ang malungkot niyang mukha. Simple lang naman ang hinihingi ni Cixan, pagkakaibigan lang ang hinihingi niya sa'kin kaya sino ako para pagbawalan pa siya. Wala namang problema sakin yun lalo na at magkaibigan naman talaga kaming dalawa pero may isang tao akong problema, at iyon ang abnormal na bilyonaryong lagi nalang nakasibangot sa lahat ng bagay.

"Kahit naman hindi mo sabihin ‘yan kaibigan padin ang tingin ko sayo, wala namang nagbago sa tingin ko para sayo, Cixan. Kaibigan kapa din para sa akin." Totoong sagot ko sakanya at malawak siyang nginitian, tiyaka kona iintindihin si Devin Chase, alam ko namang maiintindihan niya kung muli akong papayag sa gusto ni Cixan para saming dalawa.

FMHBWhere stories live. Discover now