Intro

14 0 0
                                    

Sabi nila sa buong buhay mo, tatlong beses ka lang makakaranas ng totoong pagmamahal.

Sa bawat pagkakataon na magmamahal ka masasaktan ka ng higit pa sa dalawang beses. Pero dito ka naman matututo at dadating sa puntong masasabi mo na lang sa sarili mong kaya ko, kaya ko pang magmahal ng pa ulit ulit kahit gaano pa kasakit.

Gusto kong i-kwento ang storya ng buhay ko sa paraan na alam ko. Yung walang mag-jujudge at walang kokontra at hindi i-invalidate ang personal feelings at experiences ko.

Maybe I am too old for this but I find feeedom in this platform. Parang kayang kaya ko magkwento ng walang takot kung sino man ang makabasa.

Sa totoolang na-enganyo lang ako kasi nakita ko ung JENLISA picture sa TikTok at yes aminado akong faney na faney ng BlackPink at ayun this led me to have this Wattpad account.

Let me have a little introduction, I'm Fatz a middle aged woman assuming na mamamatay ako ng 65 haha also a proud member of tbe LGBTQ+ Family. Eldest of three siblings, naka graduate naman ng college kahit late na.

Dati akong nag wowork sa bpo at it company, nag resign ako para magtayo ng resto mag 12 years na sana yung negosyo ko kaya lang dumating ang pandemic.

Ayun napilitan akong magsara ng resto. Daming nangyaring hindi maganda nung pandemic pero buti na lang I have my partner with me. Kung hindi baka di ko kinaya ang mental stress.

Minsan happy go lucky minsan seryoso pero madalas IDGAF type of person. Madaming bagay sa buhay kong alam kong mali ako ng choices at desisyon pero never kong pinagsisihan ang lahat ng iyon kasi yun ang dahilan kung sino at ano ako ngaun.

Pwede na bang intro yan, first time ko pa lang naman mag sulat eh. Sana magustuhan mo ang mababasa mo.

Salamat. 👍



3 Types Of Love Where stories live. Discover now