Unconditional Love, Yannie

5 0 0
                                    

September 2012 anniv ng resto, nagpuntahan buong barkada. Dumating yung pinsan kong si Annie kasama niya yung classmate niya sa interior design si Nica na may kasamang jowa si Meann.

Pakilalahan, kain ng handa, inom, kwentuhan, bonding with new friends ok lang. Ilang linggo din na laging sila ang kasama ko. Ayos lang naman mga kwela, walang arte, di nag aattitude gaya ng akala ko. Pero na interesado ako ng konti kay Meann.

Older siya sa akin ng 2 years tapos animal advocate dami niyang mga dogs. Ang lawak ng kaisipan niya nakaka aliw. Akala mo napaka dami na niyang napagdaanan sa buhay.

Kaya lang kapansin-pansin na sunod sunuran siya sa jowa niya. Minsan nakakagulat kung paano siya pagsalitaan, utusan ang rude ng trato sa kanya pero ok lang siya hindi nagagalit sobrang mapag pasencia.

Napaka bossy ni Nica pasigaw na kung magsalita, one time nanapik ng malakas dahil lang di naiabot agad yun bag. Kung minsan ako na ang nahihiya para kay Meann pero deadma lang hindi nako nagrereact sa kanilang mag jowa.

Natanggap na rin ako sa accenture, masaya ako kasi for me new start bagong lugar bagong work. Iniisip ko kailangan ng mag move on, need ko na kalimutan ang lahat ng may kinalaman kay Dannie. Saka nami-miss ko ng maging masaya gusto ko ng bagong buhay dahil muntik na kong mamatay sa pagiging alcoholic ko.

Nag start na yung training, fifteen kami na mga trainees natuwa ako kasi meron akong mga bagong makikilala. Typical na bpo setting training day one introduce yourself and tell something unique about you.

Lahat sila take turns na nagpakilala pansin ko halos lahat may asawa na, meron ding single mom, meron din naman may edad na, merong in a relationship, sa batch namin ng mga co-trainees ko may nag iisa at  bukod tanging single si Yannie.

Ako yung last tapos turn ko na para magpakilala. Pagdating sa part na something unique sabi ko "I had a 3 years relationship with a girl" yun ang naisip ko kasi nga itsurang straight naman mga tao dito at yung iba may mga anak pa.

Nag butt in si Yannie, its not unique I had one too. Ay talaga ba ang epal naman nito hindi na lang tumahimik yan pinaulit pa tuloy ang something unique ko.

Pinalitan ko ng isang hand gesture, potah kinontra nanaman niya "I can do that, see" kamoteh at kaya niyang gawin buset. Ika 3rd na something unique ko eto nga at mag squirrel face ako, haha oh loko ano di niya kaya.

Lumipas ang mga araw tuloy tuloy lang ang training. May naka close ako sa batch namin si Lyka, may asawa at 1 year old na ung baby niya saka mejo veteran na sa bpo. Ang daldal at ang likot niyang kasama nakakatuwa.

Ayos naman ang mga ka-workmates ko sabay sabay kami nag lulunch, minsan nag eat out, nagplaplano na magdala kaming lahat ng baon mga ganung bonding.  Although nakakasama ko si Yannie as co-trainee walang dating katrabaho lang talaga.

October 2012 birthday month ko na, naka adjust nako sa work naiiwasan ko narin mag inom hindi nako ganun kalungkot. Ang laking tulong na divert yung utak ko sa ibang bagay. Hindi ako nag aasikaso ng resto pero pumupunta parin ako dun paminsan-minsan.

May mga araw na kasama ko ang barkada, napapadalas sumasama si Meann. Mejo naging ka close narin kung minsan may mga lakad sila ni Annie ang magkasama tapos wala yung jowa niya.

Birthday week ko, isang linggo yung celebration sa resto iba ibang set of friends ang kasama ko sa iba ibang araw. May isang gabi na pumunta si Dannie nagkataon may pasok kinabukasan maaga akong umuwi di kami nagkita.

May isang gabi si Meann nagpunta sa resto sabi ko "oh aloner, may pinagdadaanan?" Sabi niya "alam ni Nica andito ako pero hindi niya ko pupuntahan" Naawa naman ako na hala uuwi pa to ng alabang magisa, ihatid ko na lang maya maya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

3 Types Of Love Where stories live. Discover now