Intense Love, Dannie

10 0 0
                                    

After Tannie and I broke up in 2008, sobrang nag focus ako sa work. I was an employee of this IT Company sa Ortigas. Mag 2 years na rin ko dun at meron akong office best friend si Ivan na kagaya kong LGBT din.

Meron siyang laging ni spot-an na officemate namin kaya lang iba yung team niya at naka station sila sa east wing ng building. Kaya madalas after lunch long way talaga kami pabalik ng station para lang makasulyap siya kay Viel.

It was around February 2009 nung nakita ko si Dannie, walang kahit anong attraction walang feelings or kahit ano. Hindi ko siya nakilala ng personal basta alam ko lang na tropa sila ni Viel kasi lagi ko silang nakikitang magkasama sa smoking area.

Dumating ang March 2009, nag re-shuffle ng teams naging ka-team ko si Viel, nagkahiwalay kami ng team ni Ivan pero no effort shempre tambay galore naman siya sa station ko kasi nga literal na katabing station ko si Viel.

Magkateam kami ni Viel naging friends, no choice eh may mga team building pang pa ek ek na ganun. Eventually nakilala ko din si Dannie thru Viel tapos pinakilala ko din si Ivan ayun naging magkakakilala kaming apat.

Kung nag work ka sa ortigas nung mga panahon na yun sigurado alam mo yung muchos or kuys na restobar, minsan nagkakayayaan kaming apat. Tapos dun ko nalaman na off limits pala si Dannie kasi jowa niya yung tibo na senior manager ng department nila.

Na surprise ako na shivoli pala ang jowa niya at magka live in na sila. Alam sa team nila yung relationship pero shut up na lang ang lahat. Madalas kaming nasama ni Ivan sa after shift na shot puno at videoke dun ko nakita na magaling pala kumanta si Dannie.

Gaya nga ng sabi ko weakness ko talaga ang maganda ang boses. Pero pa tingin tingin lang kasi nga off limits. During this time I turned my attention to Acie isa sa mga newbies sa office, mabait siya sweet, madaldal, kalog kasi siguro mejo bata pa.

We are cassually dating atleast sa pov ko nasa dating status kami ha. This was on going for months na madalas kaming dalawa lang lumalabas after shift, nanunuod ng sine, eat out mga ganun.

Nagtampo na nga isang beses si Ivan kasi hindi na kami sabay umuuwi, habang pareho naman kaming taga mandaluyong. After shift mauuna pang pumunta si Acie sa station ko para sabay na kami lumabas pauwi.

Minsan nagiinom kami sa bahay, minsan nagiinom sa labas, minsan maglalakad-lakad tambay sa mall. Hindi siya nauubusan ng kwento kaya kilala na siya sa bahay na sobrang kalog kahit mga kasambahay namin nakaka chikahan.

Weekly kasi yun nauwi ng batangas pag tinamad minsan nag sleep over siya sa bahay. Although nakikitira siya sa tita niya sa qc, gusto niya ng libre lang siya walang curfew walang bantay kaya kumuha siya ng maliit na apartment malapit sa akin.

Akala ko yung paglipat niya ng apartment may meaning kaso parang wala naman.We call each other baby, nag share kami ng gamit kinukuha niya yung jacket ko sa locker.

Minsan pumunta siya sa station ko para bungangaan  kasi pumasok akong nabasa ng ulan. Ginagalaw niya mga gamit ko sa drawer at pedestal. Hindi siya sinasaway o tinatanong kahit ng boss ko. Kasi nga parang kami na.

Magiiwan yun ng food, minsan sabay kami mag lunch, alam niya password ng pc ko alam niya combination ng locker ko, alam niya pin ng phone ko, ang dami na nga nag akala sa office na jowa ko si Acie.

Aaminin ko naman I really liked her, na appreciate ko kung ano man yung meron kami saka ang ganda din ng boses nun magaling kumanta eh kung tutuusin para sa akin I'm falling for her, mahal ko na nga yun eh.

I even tried kissing her one time nung nag inom kami, kaso lang kinulang sa matinong paguusap. Hindi ko naman alam na she was waiting for me to officially asked her to be my girlfriend but I never did.

3 Types Of Love Where stories live. Discover now