First Love, Tannie

13 0 0
                                    

Lets call her Tannie, nakilala ko siya noong 2001 napaka bata first year high school lang siya sa isang all girls school sa Quezon City. Classmate siya ng sister kong si Quin.

Wala naman siyang dating nung una kasi nga siguro sa paningin ko bata at tropa ng kapatid ko. I never thought anything na special maliban sa cute ang mata niya at chubby.

Tawag pa nga sa akin ay ATE kasi pag sinusundo ko si tol eh bumabati pag uwian or pag may mga school activities na pumunta ako sa school nila nag-hi or hello lang ang batian ganun ka simple.

Saka I was older ng 5 years sa kanila, and that time may girlfriend at boyfriend din ako kaya ang layo niya sa radar ko.

Fast forward to year 2005, nagpaalam si tol kay mama na may pupuntahang gimikan, kaso hindi papayagan ng walang kasamang chaperone. Sino pa bang hihilahin sumama malamang ako.

Second year college na ako, naka focus sa studies kasi nag stop ako mag aral at naging pasaway disappointed parents ko kasi almost 4 years akong huminto, tapos maabutan na ako ni tol first year college na siya.

Nagbisyo, nag barkada, nawala sa landas, na depress lahat na yata nagawa ko. Tapos nung nakunan si mama sinisi ko ang sarili ko na kung hindi siguro ako nag gago lima sana kaming magkakapatid hindi nawala yung dalawa.

I was on the right path of fixing my life, consistent dean's lister, active sa sports, iwas na sa bisyo at halos kakalabas ko lang ng kursillo sa term ngaun ang tawag dun spiritual rehabilitation.

Yun yung ikukulong ka sa kumbento walang relo, walang gamit, walang pera, walang cellphone at walang contact sa outside world.

Hindi ka lalabas hanggang hindi mo naiisip at napag sisishan ang lahat ng nagawa mong mali. Goal neto na kelangan mong maibalik yung relationship mo with God spiritually,

I-cleanse mo yung mind mo out of any guilt na nararamdaman mo. I-set mo yung physical mong katawan na hindi mo naman kelangan ng mga materyal na bagay.

Pero ang higit sa lahat dapat buong puso kang papatawarin ng family mo at literal na susunduin ka nila ng kursillo para makalabas ka at ma-rekindle din ang relationship mo sa family at sa lahat ng taong nasaktan mo.

Baka tanungin mo, bakit at paano ako napunta sa ganun?. Napunta ako dun kasi I met a girl si Chai isa siyang facillitator ng kursillo.

Minsan na wrong send siya sa text tapos ako na mejo bastos at walang magawa ni-replyan ko akala niya, she was texting ang co-facillitator niya hanggang sa tumawag siya dahil sa mga non sense kong reply at nadiscover niyang hindi pala ako ang dapat na kausap niya.

Pero with a good heart nakinig siya sa mga hugot ko sa buhay. I mean she was a stranger and hindi naman ako nahiyang mag open sa isang tao na hindi ko pa nakikita in the first place, ayun naging text mate kami tapos nung tumagal naging chat tapos calls tapos ganun.

Nagwowork si Chai sa bpo nung time na yun kaya parang ang dami naming napaguusapan. Napaka positive ng personality niya. Ang dami niyang life lessons kasi siguro sa mga nafafacilitate niya sa kursillo kaya ang dami niyang naisha-share.

Masarap kausap si Chai tapos ang galing pang kumanta, ang ganda ng boses isa yun sa weakness ko taong magaling  kumanta.

Family oriented, nakakatuwa na malaman na close siya sa mama niya tapos bunso siya sa tatlong magkakapatid at papa's girl. After ilang months ng puro text, chat, tawagan bigla na lang akong pumunta ng bahay nila at nagkita kami face to face.

Nagulat pa siya nakapambahay sabay sabi "anong ginagawa mo dito at paano mo nalaman ang bahay ko?" Sabi ko sa totoo lang hindi ko alam basta nakadating ako sa bahay mo yun na yun.

3 Types Of Love Where stories live. Discover now