Chapter 1- Bahala na

25 5 0
                                    

Zielleiah Nathly Hellery Devillaine Point of View

"You're nothing but a burdash in this house. You wanna go? Then go! No one will stop you in fact magiging masaya pa ako na mawala ka sa buhay namin. Even once, you didn't part of this family. Hindi ka rin naging parte ng buhay niya dahil ako ang totoong mahal niya, ginagamit ka lang niya dahil alam niyang may makukuha siya sayo. Kami ang tunay na nagmamahalan, hindi mo ba nakikita?  Your life is nathless like your name, Nathly."

"Your life is nathless like your name, Nathly."

I don't know where I go, iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo.

Ngayon walang epekto ang dilim kung saan masasabi kong gamot ko sa tuwing nalulungkot nasasaktan ako.

Madilim, masukal hindi ko alam kung saang parte na ako ng kagubatan. Kung saan man wala akong pakialam. Ang gusto ko lang lumayo, tumakas sa sakit na dinadarama ko ngayon. Gusto kong mawala ang sakit, gusto kong mawala pati na rin ang aking buhay.

Sa dinami rami ng tao, bakit ako? tanong na paulit ulit, gabi gabi na lang tinatanong ko sa sarili ko. Tanong na kahit alam ko na ang sagot gusto ko pa ring may sumagot para sa akin.

I want a simple life. Life where people around me are accept who really am, care and treated like a person that have life.

Madilim man ang paligid may konting sinag naman na nanggagaling sa buwan. Hindi masyadong maliwanag dahil sa mayayabong na dahon ng mga punong nagtataasan.

Napaluhod, napaupo't ako hingal na hingal, hindi na makahinga. Ang buo kong pagkatao ay binabalot na nang sakit na gusto kong mawala na.

Ilang minuto lang ang lumipas ay napayakap ako sa aking sarili ng biglang humangin ng malakas kasabay ay ang pagtindigan ng mga balahibo ko. Tumahan na rin ako sa pag-iyak at ngayo'y balot na ako ng takot dahil sa kakaibang paligid.

Nakakatuwang isipin na kanina gusto kong mawala na, bawian ng buhay at ang tapang tapang na mamatay pero ngayon nakakaramdam ng takot.

Tunog ng mga hayop na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. May nagraragasang tubig kung saan kumuha ng aking atensyon. May takot man sa katawan ay hindi nagpatinag bagkus hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. 

Imbes na bumalik at humanap ng daan para makalabas sa gubat ay nagpatuloy para tingnan kung saan nanggagaling ang nagraragasang tubig.

Nang makalampas sa malaking  puno ay makikita ang isang malaparaisong lugar kung saan ngayon lamang ako nakakita sa tanang kong buhay. Ang liwanag ng buwan ay tumatama sa buong paligid. Nang ilibot ang paningin, ngayon ko lamang napansin na ako'y nakalabas sa madilim at masukal na kagubatan kung saan may mga punong nagsisitaasan.

Ang paligid ay mabuhangin at ang kataka taka ay kakikitaan ng iba't ibang bulaklak na namumulaklak ng iba't ibang uri ng bulaklak at nagtataglay ng iba't ibang kulay.

Napapikit ako at dinama ang paligid. Ito ang gusto ko kung saan tahimik, nag-iisa, walang ano anong iniisip, higit sa lahat walang dinadamang sakit. Paraiso para sa akin.

Nang imulat ang mga mata ganoon pa rin ang aking nakikita, sobrang ganda. "Kung panaginip ang lahat ng ito, ayaw ko ng magising." nasabi ko na lamang.

Napatingin ako sa bandang kaliwa kung saan may talon. As in waterfalls. Ngayon ko rin napansin ang isang hanging bridge na color silver, na gold ang gate at may pangalang nakaukit.

'Welcome in Midknight City'

Pagkatapos mabasa iyon ay ngayon lamang ako naliwanagan sa mga nangyayari, na kababalaghan na ang nangyayari. Binabalot na ako ng matinding takot, gusto ko ng tumakbo. Gusto kong makaalis sa lugar na iyon pero nawawalan na ako ng lakas. Wala na akong lakas para makatakbo pa.

"Panaginip lang ang aking nakikita. Panaginip lang ang lahat." Paulit ulit na ani ko sa sarili ko. Napapikit ulit ako at nang maimulat ang mata ay ganoon pa rin ang aking nakikita. Reyalidad ng buhay ang aking nakikita at sa harap ako ngayon ng lugar kung saan hindi paniniwalaan ninoman.

Dahan dahan akong napaatras kahit balot na balot na ako ng matinding takot. Nanginginig na ang aking mga paa at parang hindi na kaya na sa ano mang sandali ay babagsak na.

Tatalikod na sana ako't babalik. Pero naisip na wala na pala akong babalikan dahil I'm the one who run away and leave them. Takot man ay pilit  na lumalaban at pinapatapang ang sarili.

Isa lang ang nasa isip ko 'walang mangyayari kung walang gagawin' so dahan dahan akong lumapit sa gate and didn't think what will be my life inside of it.

"Bahala na" I uttered and entered.




          
               Probinsyanatalie_DV

Knight in DarknessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora