Chapter 10- Kaliwanagan ng isipan

23 1 0
                                    

Namalisbis ang aking luha, hindi akalain. Naiiyak ako. Sa sobrang saya na naiyak na lang ako bigla.

"Hoy! Ayos ka lang?" dali dali kong tinuyo ang aking luha.

"Ayos lang ako. Masaya lang ako na sa sobrang saya hindi ko na mapigilan ang aking sarili na hindi mapaiyak."

Niyakap niya ulit ako at hindi na ako nagdalawang isip na yakapin rin siya ulit.

"Sa totoo lang.. nakakahiya kang kasama, alam mo ba iyon?" ani nito na nagpangiti sa akin.

"Talaga lang ah! Eh bakit 'akap yakap mo ako ngayon?"

"Gusto ko eh." she's a little bit chuckled. "Masaya kasi ako kaya kahit nakakahiya ka ay isasawalang bahala ko. Wala akong pakialam."

"Alam mo bang center of attention tayo?" nagbaba ako ng tingin ng makitang halos lahat ng mata ay sa amin.

"Hayaan mo sila. Wala akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga sa akin ngayon ay yakap kita. "

"Pero.. nakakahiya pa rin kaya bitaw na umupo na lang tayo." kumawala ako sa yakap at hinawakan ang kamay niya at iginiya paupo. Umupo rin siya kahit na nakapoker face, ang cute niya.

Hay.. Serenellyn. Kapag ako nakabalik talaga sa tunay kong mundo mami miss ko talaga ito. Mami miss talaga kita.

"Ang ganda niyo tignan."

Napabaling ako kay Edzell ng purihin niya iyon, puri nga ba iyon? Basta ng sabihin niya iyon.

"What do you mean?" I asked but he shrugged. That personality of him starting to irritate me. Bigla bigla na lang siya magsasalita tapos hindi sasabihin ang dahilan kung ano ang laman ng kaniyang isipan. Kaunti na lang talaga ang pasensya ko sa kaniya.

Hinayaan ko na lang siya at napabaling na lang ako sa magsalikop naming kamay ni Serenellyn.

"Zielleiah, malapit na ang Acad Schooler Masquerade. Kinakabahan ako." bulong ni Serenellyn sa akin, ramdam ko nga ang medyo panlalamig at panginginig niya.

"Paano naman ako na walang ibabalatkayo?" bulong ko sa kaniya na ikinalaki at ikinaawang ng labi niya.

"Totoo?" hindi makapaniwalang paninigurado nito. Tumango naman ako sa kaniya dahilan para bitawan niya ang kamay ko at mapatakip sa kaniyang bibig. "Hindi pwede.." hindi makapaniwalang ani nito.

"Anong ibig mong sabihin? Anong hindi pwede?"

"Walang nakakapasok ng akademyang ito ng hindi nagbabalatkayo. Are you for real? Don't play around, it's making me insane." nangunot ang noo ko sa kaniya, hindi ko siya gets. Hindi ko makuha ang pinupunto niya. "Unless.." nagsisimula na rin akong kabahan. Patay! Baka malaman niya na hindi ako taga dito, na hindi ako taga Midknight City. Na bigla lang akong pumasok at nakita't nakilala sila.

"U-Unless what?"

"You're not ordinary." napasapo ako sa noo at bahagyang natawa tsaka  bumaling ulit sa kaniya.

"Serenellyn, lahat naman ng nakikita mo ngayon rito ay hindi ordinaryong tao. So, what's new?" napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng makitang seryoso siyam. She's serious like hell. Nagbaba na lang ako ng tingin.

"Alam mo bang nakapasok ako sa akademyang ito dahil nagbalatkayo ako bilang isang sirena?" nakikinig lang ako sa kaniya. Ngayon nagsisimula na naman siyang magkwento.

"Ngayon ko lang narinig iyon." nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

"Totoo iyon at sabi noon ng ating Head Acad Dame na kailangang magbalatkayo para ipakitang karapat dapat ba talaga ako rito sa akademyang ito." nakatitig lang ako sa kaniya. "Eh ikaw naman."

"Ako?" turo ko sa sarili ko. Tumango siya. "Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako narito." binigyan niya ako ng isang hindi makapaniwalang tingin na isinawalang bahala ko na lang.

"Dumating na ang oras kung saan magbabalatkayo at magpapakitang gilas ang lahat ng may kasanayan sa kanilang mga kakayahan maging kapangyarihan." napahawak ako sa kamay ni Serenellyn at hindi inaasahang hawakan ni Edzell ang aking kaliwang kamay na ikinatingin ko sa kaniya.

"Lady Head Acad Dame ang tawag sa kaniya ng nakararami." tumango ako sa kaniya pero ang mga mata ay nakatingin sa magkasalikop na naming kamay.

"Bakit ba ang dami mong alam? Pareho lang naman tayong Acad Schooler dito?"

"Sabihin na nating Acad Schooler nga ako rito pero may kaibahan ako sa inyo." nangunot ang noo ko.

"Lahat naman tayo may kaibahan." nasabi ko na lang na ikinatango niya. Mahabang sandali na walang nagsalita. Napatingin lang ako sa Lady Head Acad Dame na salita ng salita pero hindi ko maintindihan. Hindi ko masabayan dahil patuloy na lumalakbay ang aking isipan sa kawalan.

"Ito na ang oras at pinakahihintay ng lahat. Lahat ng Acad Schooler na naririto ngayon ay isa isa nating makikilala at malalaman ang kakayahan."

Napabalik ako sa ulirat kasabay ay ang pagkunot ng aking noo ng biglang tumayo ang dalawang katabi ko at dahil sa hawak nila ang aking kamay ay napatayo rin ako.

"Mag-uumpisa na!" Serenellyn exclaimed, she seemed happy and excited.

Sa kabila niyon ay dobleng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko sobrang layo ko sa kanila. Pakiramdam ko talaga na hindi ako karapat dapat na kasama nila.

"Hindi mo naman kailangang i pressure ang sarili mo. Basta magpakatotoo ka lang ayos na iyon." bulong ni Edzell sa akin. Mariing napapikit ako at isang alaala na nangyari kanina ang namutawi at bumalik sa akin.

Ang nangyari kanina habang kasama ko si Edzell sa Enchanted Forest. Kung saan natuklasan ko ang isang hindi inaasahang bagay na mangyayari sa akin. Na akala ko normal na tao ako pero mali pala dahil ang totoo ay hindi. Na isa ako sa kanila. Na tulad rin nila ako.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili kasabay ay ang dahan dahan kong pagdilat at sa ngayon ay masasabi kong naliwanagan na ako sa bago kong mundo. Ngayon may tapang na akong taglay at handa na sa mangyayari ngayon at sa susunod na araw habang narito ako.




                   Probinsyanatalie_DV

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Knight in DarknessWhere stories live. Discover now