Chapter 3- Midknight Academy

24 4 0
                                    

I feel like I'm living in a paradise where in have a peace in my surroundings. The view, the people I feel like I've been part of all this before so I'm a little bit familiar and comfortable.

Ibang mundo man, ibang iba sa mundo kong kinalakihan at kinamulatan pero alam at ramdam ko ang kaibahan ng dalawang mundo na naging parte, bahagi ng buhay ko.

Ramdam ang tunay na kaginhawaan. Paligid na kay payapa. Mga bulaklak na hinahawi ng katamtamang lakas ng hangin sa hardin mayroon rin sa lawa at ang ilan ay katabi ng ilog. Mga punong may tamang taas na may mayayabong na dahon, nagsasayawan at ang ilang mga dahon ay nagsisiliparan.

Mga ibon at paruparo na malayang lumilipad. Minsan ay hindi ko maiwasang mainggit, iniisip na mabuti pa sila't may kalayaang gawin ang lahat ng gusto nila. Namnamin ang ganda ng paligid, oras ng pananatili.

Kami kami na lamang ang naglalakad matapos makapagpaalam at iwan ng tinatawag naming Head Acad Dame.

Ang aking isipan ay naglalayag. Laman ang kaninang lalaki na ngayon lamang nakita pero parang kilalang kilala na. Ang kaniyang mga sinabi tungkol sa mahika. As in magic? Kung ang mga tao dito ay may mga magic bakit dito ako napadpad gayong wala naman akong magic na taglay. Sa marami nang isipin ay hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi siya dumating at akuin ang kasalanang hindi ko alam kung gawa talaga niya iyon.

Iilan lamang kaming naglalakad. Isa isa kong tiningnan ang mga kasama kong nakasuot ng simple pero magagarbong damit na nagkakaroon ng iba't ibang kulay. Halatang may mga kaya sa buhay. Iba iba man ang damit namin pero may isang bagay na sa lahat nag-uugnay. 12 letters, 2 words nakalagay banda sa kaliwang dibdib namin at isang bracelet na ngayon ko lamang napansin na maging ako ay suot suot. Bracelet na tulad sa bandang kaliwang dibdib namin ay may salitang Acad Schooler . Bracelet na iba iba ang design. Pinag hambing ko ang isa sa isa at ang lahat ay iba iba. Hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin, isinawalang bahala ko na lamang. 

"Ang ganda ng paligid." napatingin ako sa gilid ko ng may magsalita at hindi nga ako nagkamali, siya na naman, ang babae kanina.

"Oo nga, kay gandang mundo." pagsang ayon ako.

"Alam mo bang bata pa lang ako pangarap ko ng makapasok at makapag-aral sa akademyang ito?" pagpapatuloy niya na sa halip ako'y sumagot tumahimik na lang. "Hindi ko akalaing narito na ako ngayon at may kinakausap. Sobrang saya ko talaga."

"Ano ano ba itong sinasabi ko. Bakit ba ako nagku kuwento."

"Hindi. Ayos lang." pagtanggi ko dahil baka isipin niya na may kakaiba sa akin or a little bit change. Ayaw kong magtaka siya. Tsaka gusto ko rin na may makakausap dito.

Sandali siyang napatitig sa akin. Maluha luha "Salamat, Zielle. Natutuwa akong handa kang makinig sa akin." madamdaming ani niya, hindi ko alam kung siya ba ay may dinadaramdam na problema. Minuto ang lumipas at kami'y nagpatuloy sa paglalakad. Hindi talaga niya hilig ang manahimik dahil bawat minuto ay talagang may masasabi siya.

Bawat bagong makikita ko ay napapa amaze talaga ako. Lalo na nang tumigil kami sa isang talon at makakita ng maraming siren na nagbabantay dito. Kay gandang nilalang.  Pumasok ang isa sa amin sa pintong pinapalibutan ng tubig at bigla na lang naglaho. Sumunod rin ang ilan hanggang sa kaming dalawa na lang ni Serenellyn, pangalan ng kasama ko ang natira.

"Gusto mo sabay tayo?" nakangiting tanong niya na mabilis ko namang tinanguan. "Tayo'y maghawak kamay nang sa ganoon siguradong sabay!" sigaw niya dahil ang ingay ng nagraragasang tubig galing sa talon. "Pagbilang ko ng tatlo sabay tayong humakbang! Isa! Dalawa! Tatlo! Tayo na!" sabay kaming humakbang na magkahawak ang kamay. Ang saya ko dahil nakilala ko siya rito.

Kung kanina kami ay iilan lamang ngayon ay marami ng mata ang nakatingin sa amin lalong lalo na sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Imbes na salubungin ang mga titig nilang tagos ay napayuko na lang ako. Napahigpit ang hawak ko sa kamay naming magkahawak pa rin, pansin niya siguro kaya hinila niya ako. Hindi ko alam kung saan patungo.

"Lahat ng Acad Schooler ay narito na!" sigaw ng isang lalaki, banda sa itaas na nakakasigurado akong tagapagpaalam sa lahat.

"Iiwan na muna kita rito, kukuha lang ako ng maiinom natin." ayaw ko sanang magpaiwan, gusto kong sumama sa kaniya dahil sa kaniya lamang panatag ang loob ko pero napatango na lang ako dahil mas mabilis kung siya na muna ang kukuha at ako'y panandalian na hindi sumama.

Kayraming tao, kay gandang mundo. Kung kanina ay iisang lalaki lang ang aking nakikita ngayon ay marami na sila. Hindi maipagkakailang nagpapagwapohan sa mga suot lalo na sa kakisigan ng pangangatawan. Nang ilibot ang paningin isang napakalawak na verandah ang kumuha agad ng aking atensyon, dali dali akong naglakad papunta roon nang sa ganoon makalayo sa napakaraming tao at isa na doon ang matingnan ang paligid.

Nang makarating sa verandah ay isang
napakagandang paligid agad ang bumungad sa akin. Paligid na sa sobrang lawak at ganda talagang ika'y mapapanganga.

"Midknight City" isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa akin sa pagpapantasya. Wala sa sarili akong napalingon at narito na naman siya, ang lalaking nagpapagalaw sa lahat ng aking sistema.

"Ha?" ngumiti siya ng kaunti, labas ang konting dimple niya. Sobrang gwapo.

"Midknight City.. at narito tayo ngayon sa Midknight Academy." the way he said those words mukhang may alam siya. Mukhang may laman bawat salitang sinasabi niya. Alam ba niya kung sino ako't saan ako galing? O ako lang ba itong magaling magbigay ng conclusion, ending o napa praning?

        

     ~~~••• Probinsyanatalie_DV •••~~~

Hi! DaachieVers. Comments sa gusto niyong sabihin pero huwag naman sana iyong mga masasakit na salita.

Today is June 1, 2023. My 18th birthday is waving and this month it will be celebrated. A simple yet memorable celebration with my family.

Knight in DarknessWhere stories live. Discover now