Chapter 7- Realization

26 4 0
                                    

I realized that problem is part of life. We need to be alone in order for us to end up what we feel but the feelings that we are with someone, it's really different.

Ilang oras pa ang inilaan namin para sa isa't isa. Puro kulitan, kwentuhan, tawanan, ang saya niya kasama. Sa ilalim ng tatlong buwan, maraming nagniningning na bituin, kaygandang paligid na saksi sa aming dalawa. Masasabi kong ngayon ay magiging kaibigan ko na rin siya.

May nakapagsabi nga sa akin noong bata pa ako na hindi ako mahirap lapitan lalong lalo na maging kaibigan. Kaya pala ang gaan ng loob ng mga taong lumalapit sa akin pero sa tingin ko piling tao lang ang nakakaalam at nakakapansin.

Napagdesisyonan ko ng bumalik nang maging buong maayos na ang aking pakiramdam. Napagaan niya ang pakiramdam ko buti na lang at hindi siya umalis sa tabi ko, hindi niya iniwan, hinayaan lang sa lahat ng kakulitan at pambabara.

Hindi ko alam kung papaano kong nagagawang paamuhin ang unicorn basta't lumapit ako sa kaniya't hinipo siya at kinausap sa isipan at kaniyang naintindihan. Yumuko naman siya at pagpasakay niya sa akin. Siya ang nagsabi sa akin na subukan ko raw na gawin iyon. Kaya humanga siya at grabe ang kaniyang tuwa ng mapasunod ko ang unicorn. Napansin ko ring nakaayos na siya at hindi maitagong ang gwapo niya sa kaniyang porma na sa ilang oras naming pagsasama ay ngayon ko lamang napansin na bumagay sa kaniya ang kaniyang suot.

"Malapit ng dumating ang itinakdang oras para sa Acad Masquerade ball, daliang pag-aayos ay ayos na sa iyo. Konting ayos ay mukhang ikaw na ang magiging pinakamagandang nilalang mamaya."

"Diyan ka na naman." natawa kaming dalawa. "Kung pwede lang sana tayong magsabay pero tumakas lang ako eh at dadaan na lang siguro ako sa verandah." bahagyang nagulat siya pero hindi niya lang pinahalata.

"Mag-iingat ka. Hindi ko alam ang aking gagawin kung may hindi magandang nangyari sa iyo."

"Salamat pero huwag ka ng mag-alala. Kaya ko ang aking sarili. Isa pa nakakasiguro akong nag-uumpisa ng umaalis ang mga Acad Schooler sa Academya at kung tayo ay magkasama, baka mapahamak pa tayong dalawa."

"Naiintindihan ko. Kaya mo bang sumakay diyan?" tumango lang ako kahit hindi sigurado. Hard in the first time, pero masasanay rin ako.

"Kaya ko ito."

"Basta kapit ka lang ng mabuti. Nakakasiguro naman akong hindi ka pababayaan ng iyong pinili."

"Sige na. Magkita na lang siguro tayo mamaya doon."

"Siguro? Huwag mong sabihin iyan. Makakarating ka." siguradong siguradong ani niya. "Huwag mong gawin sa akin ang hindi ko pa nagagawa sa tanang kong buhay." na curious naman ako bigla.

"At ano naman iyon?"

"Basta. Sa akin na lang iyun."

"Hindi ako aalis kung hindi mo sasabihin."

"Hayan ka na naman sa kakulitan mo. Bakit ba ang tigas niyang kokoti mo?"

"Para maiba naman." walang kakwenta kwentang sagot ko. Hindi na maipinta ang kaniyang mukha, pero tinawanan ko na lang. "Bahala na sa parusa, baka hindi ako makarating."

"Oo na, talo na ako at ikaw na ang panalo. Sasabihin ko kung makakarating ka mamaya. Pangako."

"Aasahan ko iyan mamaya."

"Uulitin ko huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Sige na, humahaba lamang ang ating usapan. Baka pareho tayong hindi makarating at sabay na maparusahan."

"Ayaw mo nun? Pareho tayong happy. Nagsama kasi ang naughty."

"Nakakahiya." bulong niya, pigil ang ngiti ko kanina pa.

"Magkikita pa tayo mamaya kaya hindi kita mamimiss. Paalam, kakikilala ko lamang pero akin ng naging kaibigan." ngumiti ako sa kaniya, hindi na nakita kung anong awra mayroon siya. Nakayuko siya, sakay ng Unicorn ako'y lumipad na. Sa ikalawang pagkakataon ay iniwan ko na naman siya.

Madali rin akong nakarating sa aking paroroonan. Buti na lang at matalino ang aking nasakyan kaya wala man lang nakapansin sa amin sa harapan. Ipinagpapasalamat ko rin na medyo madilim sa aking verandah at medyo sa likod ito kaya walang makakakita. Buti at malawak rin ang aking verandah kaya mabilis na nakapasok kaming dalawa.

"Maraming salamat, tunay na maaasahan kang kaibigan. Hanggang sa muli, paalam." nakangiti kong hinipo hipo ang mukha ng Unicorn at tunay ang pagpapasalamat. Nakatanaw ako sa kaniya habang lumilipad, palayo sa akin.

Sa mga picture at movies lang ako nakakakita ng Unicorn, deer may pakpak man o wala maging dragon kaya grabeng pagkagulat nang makita ko sila kanina. Since before, I really believe that they doesn't exist. Na kathang isip lamang sila at gawa gawa.

Sa buhay natin ay may matutuklasan tayong kakaibang bagay. Mga bagay na nag e exist pa pala marahil ay sa ibang mundo o nagtatago at ang lahat nang nangyayari ay atin lamang akala.

Sa buhay ay may maiiwan, iiwanan, at mag-iiwan na isa lang ang gustong iparating walang nanatili kaya gaano man kasakit kailangan nating tanggapin at mas lalo pang patatagin ang damdamin.

Now, I realized that reality of life is not easy. May iiwanan ka at may mag-iiwan sa iyo and in the end that two are both painful.




~~~••• Probinsyanatalie_DV •••~~~

Knight in Darknessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن