Chapter 4

78 6 0
                                    


As usual wala parin yung tawag, nawawalan na ako nang pag asa

"Hoy, nakakainis bakit hinde pa tumatawag" iritang sabi ni chin

Kahit siya naiinis narin kase wala parin yung tawak e weeks na nakakalipas. Paano kaya kung hinde talagaa ako natanggap diba.

"Hinde ba nila nakikita yung potential mo, bobo naman nila kung ganun"

Pinapakinggan ko lang mga rants ni chin, parang mas stress siya kaysa sa akin.

Natanggap napala si chin sa trabaho na pinasukan niya, kailangan kase talaga dun sa pinasukan niya ng trabaho kaya grinab niya para habang nag aaral ng law may income siya. Coffee shop siya nagtratrabaho.

So proud to her kase kahit ano hinde niya talaga pinapalagpas, strong personality niya kaso i know na may hinanakit din ito sa buhay lalo na sa pamilya niya.

Dumaan na weeks wala parin akong natatanggap na tawag hanggang sa may tumawag at sinagot ko.

"Hello po" sagot ko

"Hi, is this Ms. Andrea Dela Fuente?

"Yes po, why?"

"I just want to inform you na natanggap ka sa trabaho, i am the secretary of the boss and sinabi niyang tanggap kana at pwede kana mag umpisa bukas" sabi ng kabilang linya

Hinde pumapasok una sa isip ko pero nung narealize ko, bigla akong sumigaawww

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH! THANK YOUU SO MUCH MO" galak na sabi ko

Pinatay na ang tawag at nag talon-talon ako, bumukas yung pinto at bungad si chin na mukhang nag aalala. Lumapit ako sa kaniya at sinabing tanggap na ako at pwede na akong mag umpisa bukas.

Tuwang tuwa ang baliw at mas nag wawala pa sa akin. Beh happiness ko to oh kalma lang.

"SABI KO SAYO E, DASAL LANG" nagsisigawan parin kami sa loob hanggang sa nag aya itong si baliw na kumain daw kami 7/11 treat niya dahil may nakuha siyang tip sa coffee shop.

Pumayag ako syempre, tatanggi ba ako sa biyaya

10:00 pm na, eto naglalakad kami papuntang 7/11, aah sobrang lamig kakain nalang akong noodles.

Bigla ko naisip na sasabihin ko pala kay mommy lita ito, I'm sure magiging masaya siya.

Andito na kami at inorder ko lang coke at noodles. Ganun din si chin kaso gulat ako may dala siyang soju, grabe may pasok ako bukas tas ganiyan to. Isa lang naman siguro pwede na

"Hinde kona ulit nakita si pretty girl" biglang sabi ko. Mukhang tinamaan talaga ako sa kaniya, bakit kasee ganun siyaa.

" Tumahimik ka, ano ka na love at first sight?" Sungit na sagot neto

"Eh, hinde naman. Nagagandahan lang talaga ako at straight ako remember" pagsisinungaling ko at hinde ko pa maamin na nagkakagusto na talaga ako sa babae. Sexuality is not for clout kaya sisiguraduhin ko muna itong nararamdaman ko.

"Suss, huwag ako andeng"

Kilala talaga ako nito pero hinde ko parin aaminin bahala siya riyan.

"Aayy ayun yung babaeng masungit na hinde man lang nagsorry sa akin" turo niya sa likuran ko. Nasa labas kase kami para sariwa hangin

"Asan" paglingon ko nakita ko lang yung likod

"Ayan nakatalikod, andali puntahan ko" sabi ni chin na tatayo na sana

"Huwag na, hayaan mo na" bawal ko sa kaniya at inaya na siyang umuwi dahil maaga pa ako bukas at hinde naman ako excited hinde talaga

12:00 am na ng nakauwi kami ni chin, dumiretsyo na kami sa bawat kwarto.

Sobrang saya ko na may kaibigan akong nag cecelebrate sa mga small happenings sa life ko.

Hinde sana mawala ang kaibigan ko at maging maayos ang first day ko bukas.

TAKE ME WITH YOUWhere stories live. Discover now