Chapter 14

77 7 0
                                    

Janice Pov

Papunta na akong bahay, ano kaya kailangan ni daddy, bakit bigla niya akong hinahanap.

Yes andiyan pa ang parents ko, close naman ako sa kanila, mas close lang talaga ako kay mama. Strict kase etong si papa pero mabait siya super and i used to be a daddy's girl but habang lumalaki ako lumalayo yung loob ko sa kaniya. Lalo lang lumama nung may isang situation na hinde niya tanggap.

Oo mayroon talaga, nagalit siya ng sobra sakin nun kaya simula ng pangyayari na 'yun parang medyo nawala closeness namin pero okay lang naiintindihan ko naman siya e. Alam ko naman gustong-gusto niya mag ka apo e kaso ako lang nag-iisang anak niya hinde ko pa magawa.

May sakit si papa and syempre ayun lang ang request niya pero hinde ko magawa. Paano ko gagawin kung hinde naman para sa akin yun. Gustuhin ko man pero paano, paano ko pipilitin yung sarili na gustuhin yun.

Sorry papa for the dissapoinment bigyan mo pa siguro ako ng oras baka magbago ang takbo ng mundo. Baka sa susunod na araw iba na ang gusto ko. Patawad kung sa ngayon hinde ko pa matupad ang gusto mo.

Itong mga salita ang pumasok sa aking isipan kasabay ng mga hangin mula sa labas habang nag byabyahe ako. So relaxing talaga mag drive sa gabi.

Ilang minuto lang nakarating na ako sa bahay. As usual si mama ang sumalubong. I love my mother so much. Sobrang intindihin niya at kailanman hinde ako hinusgahan kung ano at sino ako. Pero deep inside i feel na gusto niya rin ng gusto ni papa pero ayaw niya i-pahalata sa akin para hinde ko maramdamam na wala akong kakampi.

"You're finally here anak. Dinner us" ngiting sabi ni mom

"I miss you mom, how are you? Okay kalang ba?" niyakap ko siya. Yes hinde ako minsan umuuwi sa bahay, may sariling condo kase ako don ako umuuwi.

"Ayos lang, ikaw ang kumusta. Okay lang ba trabaho mo?"

"Oo naman ayos lang, punta pala kayo ha may event na gaganapin sa company namin and as usual ako ang toka pati ang designs ko"

"Galing talaga ng anak ko"

nginitian ko lang si mommy and pagdating namin sa lamesa andun na si dad, lumapit ako para yumakap kaso hinde naman niya sinuklian pero naiintindihan ko.

"Ano po pala kailangan niyo?" hinde ko na pinatagal pa para naman matapos na ito

"Yung nirerequest ko sayo sana tuparin mo na" malamig na saad niya.

i knew it, andito na naman tayo sa phase na 'to aaa bakit ba kase gustong-gusto niya edi mag ampon sila.

"But dad-" naputol yung sasabihin nung sumabat siya

"Janice i already told you na gusto ko ay galing mismo sa dugo natin. Ayoko mag alaga ng bata na hinde mula sa atin"

Sakit naman magsalita ni dad, anong masama kung mag-ampon? wala namang masama ha, masarap mag alaga ng bata wala naman sa dugo yan e. Kung mamahalin mo mamahalin mo pero bakit ayaw niya

"Sinabi ko narin sainyo hinde ko alam kung matutupad ko yang request niyo" saad ko.

Natatakot parin ako kay dad pero this time sabihin ko lang nararamdaman ko. Hinde ko na alam.

"Pag-isipin mo muna yung bata ronald" saad ni mom

Nakita ko yung mukha ni papa at hinde maganda. Aalis na ako bago pa mapunta kung saan ito.

"Alis na po ako" tatayo na sana ako nang may sabihin siya.

"Hangga't ganiyan ka, hinde ko matatanggap ang kasarian na meron ka"

This words hurt me so much. Nakatalikod ako sa kanila para hinde nila makita na naluha ako sa sinabi ni dad.

Tuloy-tuloy na ako, habulin pa sana ako ni mom pero pinigilan siya ni dad.

Sumakay na ako sa kotse and guess what routine ko na yata to sa bahay umiiyak ng uuwi sa condo ko.

Nag e-echo sa akin yung mga salita ni dad. Bakit? Bakit hirap niyang tanggapin kung ano ako.

Ginawa ko naman ang lahat. Lahat ng gusto nila ni mom sinusunod ko kahit sarili ko hinde ko na nga mabigyan ng oras.

Kailan, kailan mo ako matatanggap dad. Hinde ko na kase alam kung ano na gagawin ko.

TAKE ME WITH YOUWhere stories live. Discover now