Chapter 10

102 7 0
                                    


"Good morning" bati ko sa sarili aah it's my second day sa work, grabe kaya ko ito.

Tumayo na ako at nagready na ng pangumagahan tapos balak ko magbaon dahil napakamahal sa canteen. Hays sanaol mahal

As usual umalis na si chinny at nakita ko sa lamesa ng pagkain. Nagluto na si gaga, ang aga niya talaga umalis. Sabagay bawal ma late sa trabaho niya lalo na dragon din ang manager.

Mag bff talaga kami kase kahit sa work may mga asungot na parang ewan na hinde naman inaano na akala mo naman inaano e. Sige self ipaglaban mo yan.

kumain na ako tapos naligo, nag ready narin ng dadalhin sa trabaho. Sana hinde ko makasalubong si Juliet ayoko masira ang araw ko nang dahil sa kaniya.

Kahit si pretty girl nalang makasalubong ko at ma sosolve araw ko. Baka habang nakain ako mamaya nakangiti ganyan o kaya kahit sigawan ako, ngingiti parin ako kase wala e si pretty girl na nakita ko.

Tama na ang delulu, pumunta na ako sa work at habang nasa byahe naalala ko pala yung kahapon, jusmi i saw her with that girl. What is the meaning of that. So ouchy.

Keme lang beh, magkakilala pala silaa gosh edi ikaw na juliet na nakasama siya sa isang mall, barilin kita e.

Papunta na ako sa office namin at nakita ko tong si liza, ayun madaldal parin grabe ang energy sis, ano ito.

"Girl" ani niyaa na nakangiti ang buang

"Ano na naman, aga aga kumalma ka" pabalik kong sagot habang naglalakad kami.

"Andiyan yung hinahanap mo"

Napahinto ako sa sinabi nya at hinarap siya.

"Weehh baa? Edi makikilala ko na siya?" Nakangiti kong sabi

Curious kase talaga ako sa katabi ko, tapos sabi rin nila diba expensive tapos magaling at pride talaga ng company na'to that's why i'm so excited to work with her.

Gusto ko siya maging kaibigan, kase i want to learn something mula sa mga magagaling na designer ganiyan. What if lang naman mag work kami diba.

Sana kami rin ni pretty girl mag work if ever. Luh pumasok na naman siya sa isipan ko. Grabe naman ikaw ang laman

"Yess te" talon na sigaw ni liza

Excited ampota akala mo naman hinde niya na nakita, dinaig pa ako. Sis ako yung katabi at gusto siya makita hinde ikaw.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad malapit na kami sa opisina na namin at sa minamalas nga naman ng buhay kakasabi ko lang kaninang umaga na hinde ko ito makasalubong, nakasalubong ko. Luh tadhana hinde ako nakikipag biruan.

Kita ko agad yung tingin ni Juliet sa akin, grabe naman wala naman akong ginagawa, tusukin ko mata mo e

"Oh you're here" maarteng sabi nito

"Uhm yes? why?" walang ganang sagot ko. Ayoko makipag away kase at baka masampal ko lang ito. Sabi ko nga diba ayoko masira araw ko.

"Wala lang, sa susunod mawawala kana here" huling salitang binanggit niya.

Girl naman kakapasok ko lang sa trabaho tapos papaalisin agad ako, parang hinde naman nag gr. 2 si Juliet

Excited na ako pumasok sa opisina baka maabutan ko tong katabi ko dahil sabi ni liz, lagi kaseng umaalis dahil maraming inuutos si boss

Pumasok na si liza, nakalimutan kong kasama pala tong si babaita, nanahimik kase kanina, kaharap lang si impakta.

"AAAAAAHHH WALAA NA NAMAN SIYAA, TAGAL MO KASEE E" ani ni liza

luh ka sis parang kasalanan ko, ikaw nga tong madaldal sa daan akala mo naman armalite.

"Parang kasalanan ko?"

Kasalanan talaga to ni impakta e, sabi kase nung kasamahan namin kakaalis lang.

"Hayaan mo, pupunta naman ata yun dito mamaya pag natapos na utos ni boss" sabi ko nalang kay liza

Umupo na ako sa aking table at yess bakante na naman. Grabe naman pagka mysterious nitong babaeng 'to akala mo naman ihhh

Bakit ba kase gusto kong makita 'to, baka naman kase hinde kami meant to be na magkita.

Wala lang kase ilang beses ko na siyang gusto makita tapos di man lang nagpapakita.

Tadhana naman lahat nalang gusto ko makita lagi mong inalalayo. Si pretty girl staka etong babaeng katabi ko.

Tapos kung sino pa ayoko makita yun pa yung nagpapakita, grabe ka naman mhie. Sarap mong saksakin

Lagi nalang ako pinaglalaruan, hinde naman ako laruan aaahh

TAKE ME WITH YOUWhere stories live. Discover now