Chapter 7

80 6 0
                                    

Basic na trabaho palang ginagawa dahil kakaumpisa ko palang daw, wait daw ako ng ilang weeks, hell na raw mararanasan ko.

Grabe ang love language nila no, words of affirmation kaso nakakaba naman mga sinasabi.

Kanina ko pa napapansin na hinde parin bumabalik yung katabi ko, ano kaya inutos sa kaniya? Curious ako sa kaniya tapos ang tagal niya.

"Bakit hinde pa siya nabalik?" Tanong ko kay liza

"Baka kase maraming inutos si sir o kaya umuwi na yan dahil badtrip HAHAHAHAHAHA" tawa ulit ni liza

Grabe naman pagka happy face nitong babaita nato.

Bumalik nalang ako sa ginagawa ko at bigla ulit sumagi sa isip ko si pretty girl, sayang hinde ko siya nakausap, tagal ko kaya hinde siya nakita tapos ganun lang? Hinde ako papayag syempre. Mamaya pag lunch titingnan ko siya baka andito pa. Tapos kasama niya yung lalaki na mukhang pusod.

Joke lang, napakasama ko at bakit ba ako nagagalit, ako naman kung kasama niya diba. Ano naman kakakilala nga lang diba, hays walang karapatan andeng ha.

Bawal ko sa sarili at tila nakita ata ni liza at ayun siya gumawa ng sign na baliw ako habang may mapang asar na mukha. Wala nga pala ako sa bahay at hinde ko pwede gawin mag isip ng ganun dito, mahirap na kakapasok mo lang lalabas ka agad diba.

Nararamdaman ko ng kumukulog ang akin tiyan. Atleast hinde bata ang laman. eme

Nagugutom na ako, hinde paba lunch jusmi maman pakainin niyo muna po ako. Kanina pa kase ako here, ang ginagawa ko nag titingin ng designs, inaaral bawat parts and nag iisip rin ng mga theme na pasok sa mga idedesign.

"Tara lunch muna" aya sa akin ni liza, wow napaka approachable naman pala talaga neto. Pero i'm happy naman kase first palang may nakakagaan na ako ng loob.

"Sige, tara. Saan ba?" tanong ko

Sinabi niya naman sakin na mayroon mabibilhan sa loob ng building na ito. Shala diba may paganon ang.

Sumunod naman na ako dahil guton na talaga ako. Hinde parin bumabalik yung katabi ko. Baka tama nga si liz nabadtrip.

Pumasok kami ni liz sa isang pinto tapos nakita ko wow ang laki tapos ang daming pagkain, para siyang food court ganyan sa mga sm. Mukhang expensive pa ng mga paninda. Dukha ako paano na.

"Ayan pumili kana bibilhin mo" ani ni liza

Tumango nalang ako nag hahanap ng makakain. May nakita akong chicken with rice and drinks kaya ayun nalang binili ko. Sakto naman yung presyo for me, kaso maliit nga lang serving. Keri na to pampatawid gutom.

Naghanap kami ng mapwepwesto ni liz, habang naghahanap ay may nakabunggo ako. Isang girl at matangkad.

"Sorry, hinde ko sinasadya" sabi ko

"TANGA KABA? HINDE MO BA NAKIKITA DINARAANAN MO?" Sigaw ng babaeng nakabangga ko.

Nagulat ako sa inasta niya, hinde ko naman sinasadya pero bakit naningaw siya.

"Oh, the bago here. Nagmamatapang kana?" ani niya at tinulak ako. Woww pag eto pinatulan ko tamo.

Magsasalita na sana ako kaso bigla ako hinila ni liz sa isang upuan.

"Okay kalang? Hayaan mo na siya"

"Sino ba siya? Sinabi ko naman na hinde ko sinasadya, bakit naninigaw?"

"Siya si juliet, isa rin na pride ng company na ito. Mayabang at nagmamataas sa sarili, palibhasa favorite ng boss"

"Kaya pala, sayang ganda paman sana masama lang ugali" sabi ko at sinubo na pagkain na binili ko.

Buti nalang talaga hinde natapon ito, dahil wala na akong pambili.

Grabe ang ganda niya naman, matangkad at halata na magaling siya kaso napakasama ng ugali.

AHHH AKALA KO NAMAN WALANG MAGIGING ASUNGOT SA FIRST DAY KO. ANG MAGANDANG NANGYARI LANG ATA NAKITA KO SI PRETTY GIRL NG 5 SECONDS.

TAKE ME WITH YOUWhere stories live. Discover now