CHAPTER 4 | ANG ANGHEL

66 7 6
                                    

Kervin's POV

Ano bang kailangan kong gawin para malaman ko kung sino yang Maria Cafe na 'yan? Kung hindi siya si Pauline, sino siya? Napaka sakit sa ulo mag isip!

Ang buong akala ko talaga si Pauline ang naglalagay ng sticky note sa mga order ko. Sa ikinilos niya kanina, malakas ang pakiramdam ko na siya talaga 'yon. Kaso hindi ko siya nakahuli sa aktong nagsusulat at nagdikit ng letter sa cup ng order ko.

Sa totoo lang, matagal ko nang kilala si Pauline Romero - isang sa pinakamatalino at magandang babae sa buong St. Martin Academy. Imposibleng hindi ka mapapatingin sa kanya kapag dumaan siya sa tabi mo. Morena siya, hanggang balikat ang unat na buhok, bilugan ang mukha, perfect fit para sumali sa beauty pageant, o modeling competition.

Nakuha niya ang atensyon ko noong dumayo ako school nila. Kaibigan ko kasi ang ka schoolmates niya at basketball varsity player ng school nila na si Taurus Macaraig at Rayden Patter.

Si Taurus ang captain ball ng basketball team ng campus nila. Siya rin ang dahilan kung bakit ang bilis ko nakapasok sa facilities nila. Matinong lalaki si Taurus, at siguradong lahat ng babae sa campus nila ay nasa kanya ang mata. Bukod kasi sa malalaking biceps at sixpack abs niya ay maganda rin ang humor niya. Sabi nga ng iba ay kahawig niya ang kabataan days ni Isko Moreno.

Si Rayden naman ay ang campus hakutero ng babae. Napaka babyface kasi ni Rayden na akala mo di makabasag pinggan. Pero ang totoo babaero naman. Nakakailang palit siya ng babae sa loob isang buwan-hindi mabilang. Pero hindi ko naman sila masisisi, gwapo naman kasi talaga si Rayden. Half Australian kasi ang loko at gaya ni Taurus ay may malalaking biceps at may sixpack abs din siya.

Habang naglalaro kaming tatlo sa court ng campus nila ay napansin ko ang pagpasok ng isang nagliliwanag na babae sa court. Para ba siyang isang anghel na biglang bumaba mula sa langit para sunduin ako.

Habang nakikipaglaro kay Taurus at Rayden ay napako ang paningin ko sa babaeng anghel. Hindi ko na rin alintana ang ingay ng paligid dahil para bang siya lang ang nakikita ko noong mga oras na iyon.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili kong katawan dahil kahit gusto kong bumalik sa paglalaro o lumingon man lang sa ibang direksyon ay hindi ko magawa. Para ring bumabagal ang bawat pag galaw ng lahat habang nakatingin ako sa kanya.

Ako itong nakatayo sa gitna ng court habang siya ay nasa pintuan ng court at palinga-linga na parang may hinahanap habang may dalang mga libro sa kanyang bisig.

Patuloy lang siya sa ikot nang kanyang paningin sa court hanggang sa magtama ang mga paningin namin.

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng parang mabilis na kurtenyeng dumadaloy sa buong katawan ko. Nanghina rin ang mga tuhod ko at parang nawalan ng lakas ang katawang lupa ko. Parang may sariling buhay din ang labi ko dahil kusa itong kumurba at ngumiti.

Habang nakatingin ako kay Pauline at ninamnam ang kakaibang emosyong nararamdaman ko, nagising ako sa isang magandang panaginip dahil sa pagtama nang magtigas na bagay sa ulo ko.

"Aray ko!" Singhal ko sabay harap kay Taurus at Rayden na kapwa tumatawa nang mahina.

"Kanina ka pa namin tinatawag, Pre!" Natatawang sabi ni Taurus.

"Bakit natutulala ka riyan? Sino bang tinitingnan mo?" Agad tiningnan ni Rayden ang lugar kung nasaan si Pauline.

"Si Pau ba yan, Pre?" Kunot-noong tanong ni Taurus kay Rayden habang sinisiko ito.

"Si Pau nga, Pre! Bakit nandito siya?" Nilingon ni Rayden ang paligid.

Iilang estudyante lang naman ang nandito sa court kaya hindi mahihirapan si Pauline hanapin kung ano o sino ang hinahanap niya.

Love in a Cup (Published under KM&H Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon