CHAPTER 41 | OUTLAWS

27 3 0
                                    

Taurus's POV

Grabe ang ganda ni Pauline. Hindi ko inaasahan na ganito siya kaganda sa suot niya. Noong una ay nag alala ako sa suot niya dahil baka mabastos niya ng mga tao pero noong nakita ko naman na masaya si Pauline sa suot niya at kumportable naman siya ay hinayaan ko na lang. Nandito naman ako para protektahan siya kung salaking may mambastos sa kanya. 

Nako, kung meron sigurado akong uuwi siya na bura ang mukha niya. 

Nandito kami ngayon sa dalampasigan at sama-samang nagtatampisaw sa dagat. Para kaming mga bata na sabik maglaro at magbasaan sa dagat. Si Kiezer nga ay na pansin kong nakatingin kay Tamara na maarteng hinaharang kamay niya sa mukha  para hindi matalsikan ng tubig. Paminsan-minsan ko ring nakikita ang masayang pagngiti ni Elle habang nakatingin kay Nethaniel. Lalong gumanda si Elle simula noong tinggal niya ang black make-up niya. Simula rin noon ay napansin ko ang paminsan-minsang pagsulyap ni Nethaniel kay Elle. 

Si Roby naman ay umalis kasama si Alexa. May hihiramin daw sila kay Gilbert para mas lalong sumaya ang aming araw. Si Sir. Joel ay nag e-enjoy mag surfing mag isa. Mukha ngang na iingit siya sa main dahil siya lang ang walang partner sa aming lahat. Minsan nga gusto ko siyang asarin na gawin niyang partner si Gilbert, mukha pa namang may gusto sa kanya 'yon. Kaso hindi ko siya magawang asarin dahil siya ang nagsama sa amin dito. 

"Ano ba, Kervin," natatawang saad  ni Happy habang bitbit siya ni Kervin sa dagat at pilit na dinadala sa malalim na parte. 

May iba akong pakiramdam sa ikinikilos niya Kervin kanina. Noong makita niya kasi Pauline kanina ay hindi niya mai-alis ang tingin dito. Hanggang sa makarating sa dagat si Tamara at Pauline ay nakasunod ang tingin niya. Iba rin ang paraan nang pagtingin niya, may kinang sa mga iyon, at napansin ko rin ang dahan-dahang pagngiti niya habang diretsong nakatingin kay Pauline. Nawala lang ang ngiting iyon nang bigla siyang basain ni Happy ng tubig dagat. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may gusto rin siya kay Pauline. Pero paano? May Happy na siya. 

Sabihan niyo na akong selfish pero hindi ko hahayaang malaman ni Kervin kung sino ang totoong Maria Cafe. Bukod sa maaring maagaw sa akin ni Kervin si Pauline ay baka mas lalong magkagulo. Kung mangyari 'yon paano na lang si Happy? Paano ako? Paano si Pauline? Sigurado akong masasaktan siya. Paano nila itatama ni Happy ang pagkakamali nila? Anong gagawin ni Kervin? 

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa buhanginan habang pinapanood sila magtampisaw at magbasaan sa dagat. 

"Guys," biglang tawag sa amin ni Alexa. Naglalakad siya papalapit sa amin habang nakataas ang kaliwang kamay na may hawak na mic. Inaalalayan siya ni Roby na may hawak na speaker sa kanang kamay. 

"Karaoke time." Tinaas rin ni Roby ang speaker. 

"Omg, I love it." Napalingon ako kay Tamara. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa pisngi niya habang nakanganga ang bibig niya. Nalipat ang tingin ko kay Pauline na katabi lang ni Tamara. Nang magtama ang tingin namin ni Pauline ay pareho kaming natawa nang mahina. 

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Sila Pauline naman ay umahon na dagat at naglakad papalapit sa amin. 

"Tara kanta?" Bakas ang pagkasabik sa mukhan ni Alexa na parang matagal siyang hindi kumakanta. 

"Game," sabik na sagot sa kanya ni Happy. Nakita kong nakakapit si Happy sa braso ni Kervin. Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla kong nilingon sa kanan ko si Pauline. Katabi niya pa rin si Tamara pero nakatingin siya kay Happy at Kervin. 

Aray naman, bakit nasa kanya ka pa rin nakatingin. Ako na yung nandito, ako na yung pinapasok mo sa puso mo. Hindi pa ba ako sapat? Hinahanap pa rin ba ng puso mo yung lalaking nauna mong sinulatan ng anonymous letter? 

Love in a Cup (Published under KM&H Publishing House)Where stories live. Discover now