CHAPTER 5 | IKAW SI MARIA CAFE?

59 5 1
                                    

Pauline's POV

Hindi ko na kayang patagalin pa ang kalokohang sinimulan ko at hindi ko rin naman kayang panindigan. Hindi ko kayang maging masaya habang alam kong may nasasaktan akong tao.

Handa na akong umamin sa kanya kahit hindi ko alam kung ano ang maaaring kalabasan ng gagawin ko. Mahalin niya man ako o hindi, ang mahalaga ay ginawa ko ang tama. Hindi naman hinihiling ng puso ko na mahalin niya ako pabalik gaya kung paano ko siya mahalin.

Kasalukuyan akong nagmamadali  maglakad dahil malapit na mag alas-nueve ng umaga, magbubukas na ang cafe. Ang tagal kasing maligo ni Lola Remy. Kailangan niya raw maglinis nang maigi ng katawan dahil ayaw niya raw mangamoy asim kapag pinagpawisan siya sa zumba sila ng mga kumare niya mamaya sa Barangay.

Halos araw-araw na ngang sumasayaw si Lola sa Baranggay kasama ang mga kumare niyang chismosa. Hinahayaan ko lang si Lola na gawin ang mga gusto niya pero ang bilin ko lang sa kanya ay lagi siyang magdala ng gamot sa high blood, uminom ng maraming tubig, saka huwag masyado magpapakapagod.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko na pinansin ang mabahong usok, malubak na daan, at siksikang tao na nadaraanan ko. Iniiwasan ko na rin kasing malate dahil bawat piso sa akin ay mahalaga. Hindi pwedeng makaltasan ako sa sweldo ko dahil sapat lang ito para sa gastusin ko sa pasukan.

Nang makarating ako sa cafe ay naabutan kong nagpupunas ng lamesa si Happy habang sinasabayan ang kanta sa radyo at sumasayaw.

Napakunot noo ako dahil sa ginagawa ng kaibigan ko. Cafe 'to di ba? Bakit parang bar na? Kimmy! Hahahaha

"Bessy, anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko.

Halos mapalundag naman siya sa gulat. "Bessy! Ginulat mo naman ako!" Nakahawak ang dalawang kamay niya sa dibdib niya.

"Sumasayaw ka ba?" Natatawang saad ko.

"Nagsasaya lang kasi malapit na ang sweldo natin," nakangising sagot niya.

Natawa naman ako sa naging sagot niya saka ako tumingin sa brewing area.

Bumungad sa akin ang babaeng medyo may katabaan at halatang kasing edad lang namin. Morena siya at singkit. Naka pixie cut siya at light brown ang kulay ng buhok. Punong-puno rin ng hikaw ang kaliwang tenga niya.

"Czarina?" Nagtatakang tawag ko sa kanya.

"Pauline? Gulat much? Ano nakakita ka ba ng multo?" Nakataas ang isang kilay niya habang diretsong nakatingin sa akin.

"Welcome back," Natatawang saad ko sa kanya habang naglalakad papuntang cashier area.

"Kahapon lang ako hindi pumasok, 'wag ka ngang assuming na parang ilang buwan akong absent," Sarkastikong saad niya habang magpupunas ng mga baso na gagamitin para sa mga orders mamaya.

"Sana tuloy-tuloy na ang sipag mo!" Natatawang sabad ni Happy habang patuloy pa rin ang pagpupunas ng mga lamesa.

"'Wag niyo ngang batiin ang kasipagan ni Czarina, baka mamaya umabsent na naman 'yan bukas nang walang paalam." Nagulat kami nang biglang magsalita si Roby galing second floor. May hawak siyang walis tambo at dustpan na puno ng alikabok.

"Sorry naman," sarkastikong sagot ni Happy sabay irap kay Roby.

"Czarina, sa susunod na hindi ka papasok matuto ka magsabi. Hirap na hirap ako kahapon magtimpla ng mga orders dahil wala akong katulong. Alam mo naman na sa ating apat ay tayo lang dalawa ang may tansya sa bawat pagti-timpla ng mga kape." Bakas ang inis sa boses ni Roby.

Sandaling lumabas si Roby para itapon mga duming laman ng dustpan. Hindi naman siya nagtagal at agad din siyang pumasok sa loob ng cafe. Inilagay niya ang walis tambo at dustpan sa storage room bago tuluyang pumunta sa brewing area para tulungan si Czarina.

Love in a Cup (Published under KM&H Publishing House)Where stories live. Discover now