EPILOGUE | ANG WAGAS NA WAKAS

24 3 0
                                    

Limang taon ang nakalipas

Dahan-dahan akong naglalakad papasok ng simbahan. Kasing lakas ng pagtunog ng takong kong tumatama sa sahig ang kabog ng dibdib ko. Para bang may tinatambol ngayon ang puso ko dahil sa kaba. Nanginginig din ang mga kamay kong may hawak ng bulaklak. Hindi ko rin maipaliwanag ang nangyayari sa loob ng tiyan ko dahil parang may kung anong tumatambol sa loob nito. Nanghihina rin ang mga tuhod ko pero syempre kailangan ko ituloy 'to. Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko dahil sa lapad ng ngiti ko. Nangingilid din ang mga luha ko dahil sa sobrang saya.

Nakasuot ako ng mahaba at puting damit habang dahan-dahan kong tinatahak ang gitnang daan ng simbahan. Bawat taong nadadaanan ko ay nasa akin ang tingin. Nakangiti sila at para ba akong artista o prinsesa na dumadaan sa harap nila dahil nakapako sa akin ang mga tingin nila.

Una kong nakita si Sir Joel, nakaputing americano siya. Malapad ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Lalong naging makisig ang katawan ni Sir Joel. Simula kasi nung umalis ako sa Cafe ay bihira ko na lang makita at makausap si Sir. Ang huli kong balita sa kanya ay may girlfriend na siya. Oo, after ilang taon may girlfriend na siya.

Binago na rin pala niya ang pangalan ng cafe. Hindi na Maria Cafe at Ibarrako, Perfect Blend Cafe na ang ipinalit niya. Masarap nga raw ang mga bagong menu doon sa cafe pero hindi ko pa natitikman.

Sunod kong nakita sa kaliwa ko si Elle, hindi na siya lady in black. Marunong na siyang maging mukhang tao. Nakangiti siya at nangingilid ang luha habang nakatingin sa akin. Nakita ko ang marahan niyang pagtango sa akin. Katabi niya si Tamara na ngayon ay mukha ng super model. Lalo silang dalawa gumanda at sumexy. Ang balita ko ay nananatiling nagta-trabaho si Elle kay sir Joel sa perfect blend pero si Tamara ay nagtayo ng clothing boutique.
Malapad ang ngiti ni Tamara at marahan pa siyang pumapalakpak habang nakatingin sa akin.

Nakita ko rin si Czarina na nangingilid ang luha at matipid na nakangiti habang nakatingin sa akin. Nagthumbs up pa siya sa akin saka tumaas baba ang dalawang kilay. Lahat sila ay naka white dress na hanggang tuhod.

Huli kong nakita si Happy na malawak ang ngiti sa akin. Katabi niya ang batang babae na naka white dress din tulad niya.
Biglang gumuhit lalo nang malawak ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Happy at ang batang hawak niya. Nasa akin din ang tingin ng batang babae at tulad ni Happy ay malawak din ang ngiti niya. Hawak ni Happy ang kamay ng batang babae dahil baka maglikot ito.

Ibinaling ko muli ang paningin ko sa kaliwa ko at nakita ako pagngiti at pagtango sa akin ni Nathaniel. Bakas din sa mga mata niya ang saya. Ang balita ko sa kanya ay tinutulungan niya ang Ate Tamara niya sa clothing boutique nila. Marami kasi silang branches kaya kailangan nilan magtulungan ni Tamara. Katabi niya si Kiezer na malapad ang ngiti at diretsong nakatingin sa akin. Ang alam ko naman ay tinulungan siya ni Rayden at Sir Joel na ilabas sa kulungan ang Tatay niya. Ngayon ay nagta-trabaho pa rin siya sa Cafe kasama ni Elle. Nagulat pa ako dahil gustong tumakbo ng batang lalaki na katabi ni Kiezer papunta sa akin. Agad naman siyang pinagalitan ni Kiezer saka pinatayo muli sa tabi niya. Hinawakan na lang din ni Kiezer ang kamay ng bata para hindi na tumakbo kung saan-saan.

Sunod kong nakita si Rayden na malawak ang ngiti. Narinig ko pa ang manihang pagtawa niya. Ngayon ay siya na ang nagpapatakbo ng restaurant nila. Katulong niya si Czarina magpatakbo ng negosyo nila.

Dumako naman ang tingin ko sa lalaking nasa unahan niya, si Kervin. Mas lalong naging gwapo si Kervin. Malas lang talaga ni Happy dahil marami siya lalong kaagaw. Buti na lang at good boy na itong si Kervin. Tinupad din nila ang pangako nila sa isa't isa na wala ng itatagong sekreto at magpapakatotoo na sila sa isa't isa.

Lumipat naman ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harapan ni Kervin, si Taurus. Malapad ang ngiti niya at nangingilid ang luha habang nakatingin sa akin. Mas lalo siyang gumuwapo at mas lalo siyang naging maskulado. Ngumiti lang ako sa kanya saka lumagpas sa kinatatayuan niya. Nang marating ko ang harap ng altar ay nilingon ko si Roby nakatayo sa gilid. Ngumiti ako sa kanya saka marahang tumango.

Love in a Cup (Published under KM&H Publishing House)Where stories live. Discover now