Chapter 1: The Grim Reaper

23 0 0
                                    

"CHEERS!"

Sabay-sabay nilang itinaas ang mga hawak na bote ng San Mig Light at tinungga. The disco bar where they in was too crowded. Kahit na ang mga simpleng usapan ng mga customer ay hindi na masyadong maintindihan dahil sa malakas na music mula sa speakers na nasa paligid.

But with their high-pitched voices, for sure they will be able to understand each other.

Tonight was one of their workmates birthday, Alex. Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ay agad silang dumiretso sa kalapit na karaoke bar. Wala nang plano-plano, para daw hindi na "ma-drawing."

Apparently, the celebration was a dual purpose. Her friends were also celebrating her break-up with her fucked-up boyfriend.

Sa kabila ng kaniyang mga ngiti at halakhak ay kaakibat niyon ang 'kaunting' kirot sa puso niya. Sometimes, she just shrugged off the pain. Pero sa loob-loob niya'y nandoon ang panghihinayang.

"Teka order pa tayo ng chicken skin. Wala ng pulutan," puna ni Rina sa empty plate na nasa table. Tumawag ito ng waiter na agad din namang lumapit sa kanila. "Isang plate pa ng chicken skin tsaka isang bucket pa ng San Mig, kuya."

"Hoy gaga may pasok pa bukas. Uwi na tayo!" pag-aaya ni Alex na panaka-naka'y napapapikit na.

"Sus! Birthday mo tapos gusto mo nang umuwi!?" mapaklang sambit ni Rey habang itinataas ang hawak na bote ng San Mig Light. "Tagay pa!"

Jayla flinched when her phone vibrated, again. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon para lang makita ang sandamakmak na text ng kapatid na si Jill.













From: Jill
hoy ate!!! ano uuwi ka pa ba??















From: Jill
aba! kanina pa ako mulat dito!!! sabi mo mabilis ka lng!













From: Jill
pag tau nahuli ni mama... ewan ko na lng sau!














From: Jill
HOOOY! UWI NA!!!












Nagtipa siya ng reply na uuwi na. Inayos niya ang bag at handa ng tumayo nang mapatingin siya kina Alex, Rina, at Rey. Parehong nakataas ang kilay ng mga ito.

"Ano 'yan? Skip ka, day?" tanong ni Rina.

Napakamot siya sa ulo. "Uwi na ako. May pasok pa bukas. Isa pa, inaantok na ako."

"Grabe! Inaantok ka na!? Walwal pa tayo! Closing ka pa rin naman bukas! Mag-celebrate ka dahil hiwalay na kayo ni Jin!" pasigaw na sambit ni Rey habang iwinawasiwas nito sa ere ang hawak na bote.

Jin was her five-year boyfriend, na naging ex-boyfriend niya rin sa araw na iyon. Part of her was celebrating their break-up. Ngunit hindi niya maiwasang mairita sa tuwing maaalala kung paano siya nito hiniwalayan.













From: Jin
Break na tayo. Last drop.












Nang mabasa niya ang text nito ilang oras na ang nakalipas ay gusto niyang ibalibag ang lahat ng gamit na mahahawakan niya sa kaniyang station. Ampucha! Ni hindi man lamang siya binigyan ng matinong rason. Kung makipag-break animo'y sa text lang sila naging magkarelasyon.

She sighed. Kahit hindi magsalita ang lalaki, alam niyang babae ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito. Marami na ang nagsasabi na likas na babaero si Jin. Ngunit pinanghawakan niya ang tagal ng kanilang relasyon.

Masyado siyang nagbulag-bulagan sa pagmamahal niya sa lalaki.

"Don't tell me iniisip mo pa rin ang lalaking 'yon?" ani Alex sabay tungga sa hawak nitong bote.

The Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon