Chapter 12: Unable

9 0 0
                                    

JAYLA opened her eyes when she heard someone yelling in front of her. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang tumambad sa kaniya ang halos naghihisteriya na ale.

"Ano, miss? Tititigan mo na lang ako? Aba! Halos four minutes na akong nakatayo rito! Ite-take mo pa ba ang order ko?"

Literal siyang napanganga. Animo'y umiikot ang kaniyang paligid sa biglang pagpintig ng kaniyang sentido. A while ago, she's crying for her sister's situation.

Am I dreaming?

Pero napakaimposible no'n na managinip siya ng gano'ng kasalimuot na pangyayari habang nasa trabaho.

Nagmamadali niyang tinapos ang orders ng customer. Hindi niya malaman kung panghuli na ang babaeng iyon para sa kaniyang shift. She glanced at the time on the POS monitor. Kinse minutos na lang at malapit nang mag-alas kwatro. Oras na iyon ng kaniyang pag-uwi.

"Kumusta?"

Nagtindigan ang mga balahibo niya sa narinig. She averted her gaze, only to see Damian. Halos sakupin ng malapad nitong dibdib ang counter top niya. He looks the same in her past memory. His smile was the same.

But the way he looked at her, it's different.

Hindi niya maiwasan ang mabilis na pagtahip ng kaniyang dibdib.

"A-Ano ang ibig sabihin nito?"

Damian's forehead creased. "Ng alin?"

Her heart skipped a beat. "Huwag ka ng magmaang-maangan! Ano ang ginagawa mo sa'kin? Pinaglalaruan mo ba ako?"

Damian suddenly flashed a wide grin. It's as if her heart beat stopped when he near closer.

"I'm just giving you a glimpse about my next mission."

Nanindig ang mga balahibo niya sa sinabi nito. Though it seems like she's just day dreaming. Pero kapatid niya ang nasa eksenang iyon. Nag-aagaw buhay.

Agad na umalpas ang kilabot sa kaniyang dibdib. "Please, Damian... huwag si Jill..."

Damian snapped his fingers. Then a filthy book appeared in front of her. Napapikit siya sa sobrang liwanag niyon. Ngunit pakiramdam niya ay siya lamang nakakakita niyon dahil mukhang walang pakialam ang mga nasa paligid nila.

Kusang pumakli ang mga pahina niyon at huminto sa kalagitnaan ng libro.

Her body shivered when she saw her sister's name written on it. Tuluyan nang naglandas ang kaninang mga luha na pinipigilan niya.

"Damian..."

He shrugged. "I can't do anything about it. Iyan ang trabaho ko."

Tahimik siyang humihikbi sa harapan ng lalaki. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan man sila ng mga tao. Sadyang hindi kaya ng kaniyang dibdib ang bigat na sasapitin ng kapatid niya.

"Pero matagal pa naman iyan. You still have the time to bond with her. Sulitin mo na."

The book immediately vanished. Damian winked at her, then he left. Gusto niyang habulin ang lalaki para makiusap na hindi nito ituloy ang tungkol kay Jill. Ngunit alam niyang maging si Damian ay walang magagawa sa kapalaran ng kapatid niya.

Everything is about to happen. 

Tahimik na kinuha ni Jayla ang fund sa kaniyang drawer at animo'y lutang na naglalakad papuntang office. She's not in herself as she cleared her sales. Tatlong beses siyang tinanong ng kanilang manager kung ayos lang siya. But she kept on saying that she's okay.

She can't let that happen. Kung siya ang isusunod ni Damian ay matatanggap pa niya. Pero ang kapatid niya... masyado pang bata si Jill para mawala sa mundo.

The Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon