Chapter 8: Attracted

7 0 0
                                    

"ANO? Tuloy ba tayo?"

Pauwi na sila nang itanong iyon ni Kael. Kanina pa ito nagpaplano ng inuman. At gusto nitong kasama ang buong team closing. Kaso ay nakauwi na ang iba. Kaya sila na lamang ang natira.

Sa totoo lang, hinintay pa siyang matapos ng manager nila. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nahuli siya sa paglilinis. Samantalang ang baguhang si Damian ay mas nauna pa sa kanilang matapos. Kaya bilib na bilib ang manager nila.

Tuloy ay hindi niya mapigilang pag-isipan ng masama si Damian. Mukhang pinaglalaruan siya nito dahil kahit ano'ng kuskos niya kanina ay hindi pa rin malinis-linis ang station niya. Kaya naman abot-langit ang inis niya sa lalaki. At kahit magpatawas siya ay mukhang hindi basta-basta mawawala si Damian sa buhay niya.

"Ayusin n'yong walang a-absent bukas. Malilintikan kayo sa'kin," singit ni Sir Rocky na nasa likuran nila.

All of them are already outside the store. Tanging ang nag-iisang bumbilya na lamang sa labas ng opisina ang nagbibigay liwanag sa may kadilimang dining at counter area. Sinipat ng manager nila kung nai-lock ng maayos ng security guard ang entrance door.

"Nalej 'yan, ser! Ako pa ba? Kailan ba ako um-absent?"

"Sus! AWOL ka nga no'ng Lunes. Pakaano nito!" pasaring ni Annie na tinawanan lamang ng lalaki.

"Ikaw ba, Jayla? Sasama ka?" tanong ni Kael na ikinalingon niya.

"Gabi na masyado..." aniya na napapakamot sa batok.

Lagi pa naman siyang sinasabihan ng nanay niya na huwag nang magpagabi masyado. Isa pa, inaantok na rin siya. Napatingin siya sa suot na wrist watch. Mag-a-alas onse na.

Kael let out a chuckle. "Nariyan naman si Damian. Pwede ka niyang ihatid. 'Di ba pare sasama ka?"

"Oo nga naman, day!" pagsingit ni Annie sa usapan. "Nag-inuman nga rin kayo noon no'ng birthday ni Alex. Sayang lang hindi ako nakasama."

She glanced at Damian. He just lazily smiled. Tulad nila ay naka-maong pants at black shoes ito at printed white T-shirt. At masyadong malaki ang bagpack nito na malamang ay maraming laman.

"Ayos lang. May motor naman ako."

Her brows furrowed. "Kailan ka pa nagkaroon ng motor?"

"Dati pa."

"Sigurado ba kayong hindi kayo magkakilala? Kung mag-usap kayo parang ever since the world began pa kayo magkakilala," puna ni Annie na nagpakaba sa kaniya.

"H-Hindi kami magkakilala. Akala ko kasi wala siyang motor," palusot niya na ikinangisi ni Damian. She can't help herself but glare at him.

Annie nodded. Nakahinga siya ng maluwag. Mukhang napaniwala naman niya ang babae. She can't tell them the truth. Dahil pagtatawanan lamang siya ng mga ito, lalo na si Kael.

For sure, there's a sorcery behind the things that Damian has. Hindi niya pwedeng kalimutan kung ano'ng klaseng nilalang itong kasama nila. Hindi na rin niya masyadong inisip kung paano ito agad natanggap sa trabaho.

He can do anything with his powers.

"Dati pa akong may motor. Sariling ipon," kibit balikat na sagot ni Damian.

She rolled her eyes.

Show off!

"'Yan ang gayahin mo, Kael. Hindi puro inom lang."

Napakamot si Kael sa sinabi ni Sir Rocky. "Ser naman! Minsan na nga lang uminom."

Since then, their manager was so fond of Damian. Tuloy ay naisip niyang may pinainom rito ang lalaki para mapaamo ang pobre nilang manager.

The Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon